Isang linggo na mula noong nagtapos si Fred at habang ini-enjoy niya ang bakasyon ay may natanggap siyang sulat. Ito'y inabot sa kanya ng sekretarya sa kanilang simbahan noong minsan siyang napasyal doon. Laking gulat niyang malaman na ang matagal na niyang hinintay ay dumating na rin.
Ang laman ng sulat ay nagsasaad na siya'y pumasa at inaanyayahan siyang tumugon sa tawag ng kapangalagaran. Ito na yong hudyat na makakapag-aral na siya sa loob ng seminaryo.
Dali-dali siyang nagtungo sa kanilang bahay upang ibalita man lang sa kanyang magulang.
Noong una'y wala man lang kibo ang kanyang magulang. Ngunit isa lang ang kanyang narinig.
"congrats! Sana'y mapag-isipan mo yan ng mabuti bago ka pumasok sa seminaryo". Sabi ng kanyang ina.
"Buo na po ang pasya ko ina", masayang tugon ni Fred.
Si Fred kasi ang nag-iisang anak ng pamilya Martinez. Kaya ganun na lang ang reaksyon ng kanyang magulang.
Kinagabihan, habang kumakain mag-isa si Fred sa sala ay nilapitan siya ng ina na parang namumugto ang mata.
"Anak, 'wag ka na lang tumuloy sa balak mo. Di ko gusting mawalay ka sa amin. Dito ka na lang." basag ang busis ng ina habang nakikiusap sa anak.
"Ma, di naman ako mawawala. Doon lang ako mag-aaral at titira," sabi ng anak.
"Ngunit di ka naman makakauwi rito sa atin, di ba?"
"Ma kakayanin ko po."
Walang nagawa ang ina kaya tumahimik na lamang ito. Di niya pinapaalam sa anak kung gaano kasakit para sa kanya ang mawalay ang kaisa-isang anak niya.
Gabi-gabi na lang niyang dinadasal na nawa'y patnubayan ang kanyang anak. Habang nagdadasal ng taimtim ay kasabay din ng pagtulo ng mga luha. Ang lahat ng ito'y lingid sa kaalaman ni Fred.
Talagang di napigilan si Fred kahit na ang sariling pag-aalinlangan niya ay di nakapigil sa kanyang kagustuhan sa pagpasok sa seminaryo.
BINABASA MO ANG
Divine Love: Story of Love and Devotion
RandomKwento na hango sa tutuong buhay ng isang binata na minsang pinangarap ang magsilbi sa Diyos ngunit sa kalaunan ay sinubok ng malaking hamon. Hamon tungkol sa pag-ibig. Kung sino sa dalawa ang mas mahalaga at mas matimbang sa kanya.