Chapter 14 " You make me Fall In Love"

206 2 2
                                    

Natapos narin ang ginagawa ni Fred sa seminaryo kaya balik siya agad sa misyon doon parin sa dating lugar niyang napagdistinuhan sapagkat di pa naman ang isang buwang ibinigay sa kanya para matapos ang misyon niya.

Sa byahe palang ay agad na nagtext si Fred kay Cherry.

“Ate, pa balik na ako ngayon dyan.”

“Ingat ka kuya ko, miss na miss na kita.”

“Ako rin ate ko. Gusto na kitang muling makita.”

“Pagmaypagkakataon kuya bibisatahin kita sa convent.”

“Sige ate ko, maghihintay ako hap.”

“ :) I love you kuya ko.”

“ Ego amo te.”

“Huh? Ano sinabi mo kuya?”

“Ang sabi ko I love you.”

“Pinahirapan mo pa ako kuya, I love you so much.”

“:) mas gusto ko ng ganyan para mas maiba, diba? Sige ate nakarating na po ako sa convento, pupuntahan ko muna si Father.”

“Sige kuya ko. Text ka mamaya hap.”

“Opo ate ko.”

Agad na pinuntahan ni Fred ang Pari bago siya magpatuloy sa kanyang misyon.

Pagkatapos makipag-usap ni Fred sa pari ay agad siyang dumiritso sa baranggay kung saan may naiwan siyang gawain na hindi pa natatapos.

Pagkarating niya sa kapilya sa mismong baranggay agad siyang nagsimula. Binisita niya agad ang mga tahanan at tsaka nakipagkwentuhan sa mga bata kasabay nito ay ang kanyang pagtuturo sa mga bata tungkol sa panginoon. Naging Masaya si Fred sa kanyang ginagawa, di niya dama ang kung anumang pagod sa araw na iyon.

Natapos ni Fred ang buong araw niya sa pagkikipagsalamuha niya sa mga bata.

Gabi na ng makapagtext si Fred sa kanyang sinisinta. Ngunit din a siya nakatanggap ng kahit isang text mula sa babae. Napaisip tuloy siya kung nagagalit ba ang babae sa kanya.

Agad siyang nagtext muli sa dalaga.

“Ate sorry, nagging abala lang ako sa exposure ko. Nagtatampo ka ba sa akin ate ko?”

Di narin niya inantay ang text ng babae at agad niyang kinuha ang kanyang prayer book at nagdasal.

“May the all-powerful Lord grant us a restful night and a peaceful death. Amen.”

Panatapos niyang dasal at pagkatapos nito’y natulog na rin siya.

Kinaumagahan ay agad siyang nagdasal pagkatapos ay agad niyang kinuha ang cellphone niya upang tingnan ko may text ba siya.

1 unread message!

Agad niyang binuksan para malaman ang nilalaman.

“Kuya? Sorry nakatulog ako ng maaga. Di naman ako nagtatampo sayo kuya ko, mahal na mahal kita.”

Di muna nagreply si Fred sa dalaga. Tila napa-isip siya ng maigi tungkol dito.

“Siya na nga ba talaga Lord? Sagutin mo naman ako oh. Pleaseeeeee.”

Tumahimik saglit ang paligid…. Naalala niya tuloy ang kanyang poem na  naisulat sa kanyang notebook na noo’y nakasuksok din pala sa kanyang bag.

“Siguro nga para na kanya to. Sa kanya ko na ibibigay tong poem na to.”

Simula pa noon ay nakahiligan ng magsulat ni Fred, kadalasa’y mga Poem tungkol din sa mga pangyayari sa kanyang sarili na kadalasa’y tungkol sa pag-ibig ang paksa ng kanyang mga sinusulat.

“E-send ko na lang sa kanya to. Para sa kanya nga talaga to. Sana’y magustuhan niya,” nakangiting sabi ni Fred.

Agad niyang kinuha ulit ang cellphone at nagtype sa kanyang poem para ma e-send niya sa dalaga.

Through text:

“Ito ay talagang para sayo sanay magustuhan mo J

You make me fall inlove again

How beautiful is the sunlight

Just like your face that shines so bright

Your eyes that was so clear

Could make the heavens tear

 

Your smile moved away the darkness

And bring joy to replace my loneliness

You've fixed my heart that has been turn apart

And let the new love to spark

 

You make me fall inlove again

And tell the world it would never end

Even the distance lets us not to see

Promise that it would not separate:YOU AND ME

 

Even the power of death forbids

I will not forget all your deeds

And I will do all my best

To fulfill everything that I had promised”

Agad namang nagreply si Cherry.

“Thank you sa pagmamahal mo kuya ko. Na Appreciate ko po yong poem. Ikaw ba may gawa nito kuya? Salamat hap”

“Oo ate ko at yan ay para sayo.”

“I love you kuya.”

“I love you too ate ko. Mahal na mahal kita. Sige ate ko magsisimula na naman ako sa exposure ko dito sa kapilya.”

“Sige kuya ingat ka hap.”

“Opo palagi akong mag-iingat para sayo. Kaw din hap.”

“Opo kuya ko.”

Di na nagreply si Fred sapagkat naghanda na rin siya para sa pagpapatuloy ng kanyang misyon. Nang siya’y natops mag-ayos at maghanda ay agad niyang sinimulan ang kanyang mga gawain sa kapilya.

Pagkatapos ng lahat ay lumipat na rin siya sa iba namang baranggay. At sa tuwing siya’y may gagawin ay palagi niya itong pinapaalam sa dalaga.

Divine Love: Story of Love and DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon