Bumalik uli si Fred sa loob ng seminaryo at ilang buwan din ang tinagal ng kanyang pamamalagi. Balik uli ang lahat sa dati at sa email na lang sila uli may komunikasyon ni Cherry.
Di naging madali ang lahat sa kanila. Lalo na’t sinubok ang tibay ng relasyon ng dalawa. Ngunit kahit anu man ang dumating sa kanila, sabay nilang inaayos at nilulunasan ang kanilang mga problema.
Araw-araw ay nag-iiwan ng mga mensahe si Cherry, paminsan-minsan din ay si Fred ang nag-iiwan ng mensahe.
Through email:
“Ate, alam ko na di madali para sa atin ang ganito. Kunting tiis lang muna tayo. Kahit walang maayos na komunikasyon, walang bibitiw sa atin hap.”
“Opo kuya, naipangako ko na yan sa iyo. Hinding-hindi ako bibitiw. Mahal na mahal kita kuya ko at ayaw ko na mawala ka pa sa akin.”
At dahil sa pangungulia ni Fred ay tuwing gabi nalang kung masdan niya ang larawan ng dalaga bago matulog at tuwing umaga bago babangon sa kama.
Di niya inalis ang larawan ng dalaga sa kanyang wallet para naman kahit saan siya magpunta lagi niya itong kasama. Palaging nasa isip ni Fred ang dalaga.
At sa tuwing gagawa rin siya ng tula, ang lagi niyang inspirasyon ay ang kanyang sinisinta.
“Brother Fred, pansin ko’y palagi mong hawak yang notebook mo at palagi ka ring may sinusulat.”
“Aahh Brother Mike, ehhh nagsusulat ako ng tula at dito ko nilalagay sa notebook ko para di ko naman mawala.”
“Parang may pinanghuhugutan ka brother ahh?”
“Hehehe siguro nga brother.”
“O sya, mauna na ako sayo brother baka naka-istorbo ako sa ginagawa mo.”
“O sige brother.”
Pagkatapos iwan ng kasama ay nagpatuloy uli si Fred sa kanyang ginagawa.
“Eto sa wakas tapos na rin. Mamayang gabi ay e-a-upload ko to at e-send sa email ni Cherry baka inakala niyang nakalimutan ko kung gaano ka special ang araw na’to ngayon.”
Kinagabihan ay agad na nagtungo si Fred sa Computer room nila upang makapag-email sa dalaga. Pagkarating niya ay agad siyang umupo at sinimulang itype ang kanyang tula(poem) sa email.
Promise
Time forbade me to be on your side
Distance almost take you from my sight
Chances take all what is right
All of them were against on our side
And the only thing they couldn’t take from me
Is the hope that you will remains with me
To love me and stay with me
Until the last breathe within me
But as of now, the only thing I dreamed
Is to have time, telling all of them
The promise that I gave you since then
To love you forever without end
And I make sure these to you
That I am serious and my love is true
And this only thing that I could give to you
A love that is honest and true.
Pagkatapos niyang ma-e-send ay agad na ring nagtungo si Fred sa library nila upang mag-aral. Sinusunod niya palagi ang mga nakaschedule nilang gawin sa seminaryo.
Pagkatapos nilang magkaroon ng night prayer(kasi alas dies ay pinapatay na dapat ang ilaw)ay agad na ring nagtungo si Fred sa kanyang silid upang magpahinga.
Kinaumagahan din ay agad na nagreplay ang dalaga sa mga mensahi ni Fred ngunit kinagabihan na kung ito’y nababasa ni Fred sapagkat naging abala siya sa kanyang pag-aaral sa kanyang pinapasukang unibersidad.
Sa oras ng kanilang study period ay agad na nagtungo si Fred sa computer room at agad na tiningnan ang kanyang email upang alamin kong may reply ba siyang natanggap.
Through email:
“kuya salamat sa lahat-lahat. Ang ganda ng poem mo at kuya,.. ito’y gagawin kong basihan sa ating mga pangako. Happy monthsary kuya sana magtagal pa tayo. Mahal na mahal kita.”
Agad namang nagreply si Fred sa mensahi ng dalaga.
“Mahal na mahal din kita ate ko. At hinding-hindi ako magsasawang magmamahal sayo.”
Pagkatapos nito’y nagtungo uli si Fred sa library. At gaya ng dati ganun parin ang kanyang ginagawa. Gabi-gabi kung mag-iwan siya ng mensahi at gabi-gabi rin siyang naghihintay ng reply.

BINABASA MO ANG
Divine Love: Story of Love and Devotion
CasualeKwento na hango sa tutuong buhay ng isang binata na minsang pinangarap ang magsilbi sa Diyos ngunit sa kalaunan ay sinubok ng malaking hamon. Hamon tungkol sa pag-ibig. Kung sino sa dalawa ang mas mahalaga at mas matimbang sa kanya.