Sa buhay ni Fred ay nagkaroon pa din ng maraming di pagkakaunawaan: una mula sa kanyang pamilya. Pangalawa mula sa kanyang sinisinta.
Ang di pagkakaunawaan niya sa kanyang pamilya ay kanya ring naayos at sa katunayan nga ay napabago niya ang kanyang pamilya at nakuha narin niya ang suporta ng kanyang magulang. Kahit di naging madali, ngunit di siya sumuko hanggang sa makuha ang suporta sa kung ano man ang kanyang gagawing desisyon.
Ngunit sa kaganda-ganda ng kanyang buhay pag-ibig ay lalo din siyang sinubok ng pagkakataon. Minsa'y may pagtatalo sila dahil sa simpleng dahilan. Sa katunayan nga ay noong April 11, sabado noon ay nagkaroon sila ng simpleng tampuhan hanggang sa umaga ng April 12. At ang away nato ay muntik ng humantong sa hiwalayan. Nalungkot masyado si Fred at ginawa ang lahat para di sila magkahiwalay. Kahit na di sinasagot ang tawag niya'y di siya tumigil hanggang sa maayos niya talaga ang lahat. Sa awa ng Maykapal ay nabalik niya ang lahat na muntik ng mawala. Ngayon ay isang taon na silang dalawa at patuloy sila sa pagmamahalan nila at paggawa ng mga magagandang alala na silang dalawa'y magkasama.
Kung ganun man kasaya at kakulay ang kanyang buhay pag-ibig ganun din ang kanyang buhay seminarista. Ngayon ay nasa huling taon na siya sa poramasyon sa katoliko na koleheyong seminaryo kung saan siya kumukuha ng Sikolohiya.
BINABASA MO ANG
Divine Love: Story of Love and Devotion
AléatoireKwento na hango sa tutuong buhay ng isang binata na minsang pinangarap ang magsilbi sa Diyos ngunit sa kalaunan ay sinubok ng malaking hamon. Hamon tungkol sa pag-ibig. Kung sino sa dalawa ang mas mahalaga at mas matimbang sa kanya.