Chapter 22 pag-anyaya

134 1 1
                                    

Minsang naka-uwi si Fred sa kanila dahil sa buwanan nilang pabisita sa kanilang mga kapamilya. At sa pagkakataong to ay di na nagdalawang isip si Fred na banggitin sa kanyang magulang ang tungkol sa pagkakaroon niya ng nobya.

“ahhh ma, may sasabihin ako sayo.”

“Anu ba yon anak.”

“Pano kaya kung magkaroon ako ng nobya?”

“Seryoso ka dyan anak?”

“Oo naman ma. Teka may ipapakausap ako sayo sa cellphone ko.”

“Sinu ba yan hap?”

“Nobya ko na po.” Nakangiting sabi ni Fred.

Di makapaniwala ang ina ni Fred sapagkat parang nagbibiro lang si Fred sa pagsabi niya ng katutuhanan. Ngunit bago man bumalik si Fred sa seminaryo ay uli niyang binanggit ang pagkakaroon niya ng nobya at sa pagkakataong to ay sinabi na niya ang pangalan ng dalaga.

“Ahhh ma. Yong nabanggit ko po ay totoo. Cherry po ang pangalan niya. Nakilala ko po siya sa last summer exposure ko.”

“Ilang taon na ba yan anak?”

“Magkasing-edad lang po kami.”

“Kailan pa naging kayo nyan?”

“Matagal-tagal na po. Sige po ma alis na po ako.” Sabay manu sa ina.

Pakaraan ng ilang linggo ay tumawag ang babae sa numero ng cellphone ni Fred, inakala niyang nakauwi na naman si Fred ngunit ang ama ni Fred ang nakasagot sa tawag.

“Hello.”

“Ahhh Cherry kaw pala. Ahh si Fred ba kamo ang hinahanap mo? Di pa siya ulit nakakauwi.”

“Pasensya na po akala ko kasi nakauwi na ulit siya. E kasi ngayon yong schedule ng pag-uwi nila.”

“Sasabihin ko lang sa kanya na tumawag ka Cherry.”

“Sige po uncle. Salamat….Ay teka muna kilala nyo ako, uncle?”

“Oo naman. Walang nililihim si Fred sa amin. Sana paminsan-minsan ay makapunta ka dito sa amin.”

“Nakakahiya naman uncle.”

“H’wag kang mahiya. Sige hap aasahan namin ang pagbisita mo dito.”

“Sige po uncle. Susubukan ko po. Salamat po ulit.”

“Walang anuman yon.”

Pagkatapos ay binaba na ni Cherry ang cellphone niya. Tela di makapaniwala sa kanyang narinig mula sa ama ni Fred.

Divine Love: Story of Love and DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon