Dumaan din ang ilang linggo ay bumalik na rin si Fred sa seminaryo upang magpatuloy sa kanyang pag-aaral. Ngayon ay kakaibang Fred ang papasok sa seminaryo. Siya’y punong-puno ng sigla at tila’y may kakaibang pinagkukunan ng lakas. Palaging maaliwalas ang kanyang mukha at palaging nakangiti.
Tinupad naman ni Cherry ang lahat ng kanyang naipangako kay Fred. Nag-iiwan siya ng mga minsahi sa email at unti-unti naman itong sinasagot ni Fred. Kahit sa ganitong paraan ay napanatili nila ang kanilang komunikasyon.
Ilang buwan din ganito ang kanilang ginawa hanggang sa mabigyan si Fred ng pagkakataong makauwi at mabisita man ang kanyang mga magulang. At dahil dyan ay pinaplanu na rin ni Fred ang kanyang naisipang pamamasyal kasama ni Cherry.
Gabi na ng siya’y makarating sa kanilang bahay. Ngunit kahit midyo pagod ay naisipan parin niyang magtext sa dalaga.
Through text:
“Ate kamusta ka na. Alam mo miss na miss na kita. Sobrang miss na kita.”
Ilang minuto rin bago makapagreply ang dalaga sa text ni Fred.
“Ako rin kuya miss na kita. Hmmmm bat ka nakapagtext di bawal sa inyo. Kuya ayaw kong mapahamak ka diyan.”
“Ate relax ka lang. Nakauwi ako ngayon. O anu, magkita tayo bukas? Mamasyal tayo ate, kung okay lang sa sa’yo.”
“O sige kuya ko, miss na rin kita kasi eh.”
“Ang tagal din tayong di nagkita ate eh. Parang isang taon na yata ang lumipas.’
“di naman kuya isang buwang lang naman.”
“Para sa akin eh, parang taon na ang nakalipas…. Ahhh ate, natatandaan mo pa ba yong mga pangako natin?”
“Oo naman kuya di ko nalilimutan.”
“alam mu ba te, gabi-gabi kung ginugunita yaong gabi na nakasama kita sa ilalim ng ulan. At sa tuwing umuulan ninanais ko na makapiling ka.”
“ako din kuya ko. Binabasa ko muli’t muli ang yong tulang ginawa tungkol sa atin noong gabing yon.”
“Saan doon sa mga tula ko ate?”
“Yong pinamagatan mong ULAN kuya.”
Humaba-haba rin yaong kanilang pagkukwentuhan.
“Sige kuya alam kong pagod ka sa byahe mo. Magpahinga ka na muna. Bukas na lang.”
“Sige hap, bukas hihintayin kita.”
“okay kuya ko.”
“I love you ate ko”
“ I love you too kuya ko.”
Pagkatapos nito’y nagpahinga na rin si Fred. Ngunit bakas sa kanyang mukha ang tuwa ng dahil sa pagkakataon na maitext niya ang dalaga ng kay tagal-tagal.
BINABASA MO ANG
Divine Love: Story of Love and Devotion
LosoweKwento na hango sa tutuong buhay ng isang binata na minsang pinangarap ang magsilbi sa Diyos ngunit sa kalaunan ay sinubok ng malaking hamon. Hamon tungkol sa pag-ibig. Kung sino sa dalawa ang mas mahalaga at mas matimbang sa kanya.