Chapter 15 Under the rain

252 1 4
                                    

Sabado na ng matapos si Fred sa kanyang exposure sa mga baranggay kaya siya ay nakapagpasyang umuwi na sa kombento para doon na lang siya mamalagi bago maglinggo kung saan ang araw ng pagtatapos ng kanyang summer pastoral exposure.

Habang nasa loob ng kanyang kwarto ay may biglang kumatok. Dali-dali naman siyang pinagbuksan ito para malaman kung sino ito.

“Padz ikaw pala. Ano po yong kailangan nyo.”

“Mamaya hijo ay may lakad ako at nais kong sumama ka sa akin hap, total andito kana naman sa parokya.”

“Sige po padz,” agad na sagot ni Fred.

“A-ah hijo, ihanda mo yong itim mong habito sapagkat prayer service ang pupuntahan natin.”

“Opo padz. Saan po tayo gagawa ng prayer service?”

“Doon sa kabilang baranggay, yaong matandang namatay.”

“Sige po padz.”

Pagkatapos makipag-usap si Fred ay agad din itong nagpahinga.

Gabi na ng nagising si Fred.

“Hala! Patay ako kay Father ngayon.”

Dali-daling tumungo si Fred sa sala ng kombento sakto ring nakita niya ang kusinera ng kombento.

“A-aah ate, magandang gabi po. Nakaalis na po ba si father?”

“Di pa naman Fred, nandyan pa siya sa kanyang kwarto.”

Agad na mang nagulat si Fred may nagsalita sa kanyang likuran.”

“O hijo gising ka nap ala. Tila napagod ka sa iyong exposure. Siguro’y ‘wag ka na lang sumama.”

“Di po padz, kaya ko pa. nakarecharge na po ako kanina.”

“O sige ikaw ang bahala, ihanda muna sarili mo pati na yong gamit na dadalhin natin.”

“Opo padz.”

Agad namang inihanda ni Fred ang lahat ng inutos ng pari sa kanya. Pagkatapos ay naligo na rin siya.

“Hijo, bumaba kana. Aalis na tayo.”

“Opo Father, andyan na po.”

“dali-daling nakababa si Fred parang tinalon lang niya ang dalawang palapag na kombento sapagkat natataranta na rin siya sapagkat nagbubosina na ang pari sa kanyang sasakyan.

“Sorry po Padz, natagalan ako sa pagbaba.”

“okey lang hijo, sumakay kana.”

Pagkasakay ni Fred ay agad na pinaharurot ng pari ang sasakyan para makarating agad sa lugar kung saan sila magsasagawa ng prayer service.

 Nang dumating sila ay agad ding sinimulan ng pari ang prayer service. Pagkatapos nito’y agad ding umuwi sila sapagkat umuulan na rin ng malakas.

 Nang papalapit na sila sa kombento’y agad na napansin ni Fred na may kasiyahan sa Gymnasium ng lungsod sapagkat ito’y dir in kalayuan sa kombento.

“ano pong meron dyan ngayon Father?” tanong ng isa nilang kasama.

“nagpapadisco ang mayor kadugtong ng kanyang pagdiriwang sa kanyang kaarawan. Baka gusto mong pumunta?”

“May edad na ako para sa mga ganyan.”

Tumawa na lang si Fred ng palihim habang nakikinig sa usapan.

“Hijo, tumatawa ka yata. Baka gusto mong pumunta?”

“Di ako mahilig sa mga ganyan padz,” sagot ni Fred habang nakangiti.

“okey lang sa akin hijo basta ay magpapaalam ka lang ng maayos. Gusto ko ring ma subukan mo ang mga ganyang bagay.”

Tumahimik lang si Fred habang sila’y makarating na sa bukana ng kombento. Agad na mang bumaba si Fred at umakyat sa kanyang kwarto.

Habang nahiga si ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dali-dali rin niya itong tiningnan.

“Sa wakas nagtext na rin Girlfriend ko,” nakangiting sabi ni Fred.

Agad naman siyang nagreply kasi tacit lang niya na magtampo ito sa kanya.

Through text:

“Ate ko, okey lang ako, ikaw kumusta kana? Saan ka ba ngayon?”

“papunta ako dyan, imbetado kasi kami, yong lahat ng nagtatrabaho sa baranggay ngayong summer.”

“Sige ate, pwede ba tayong magkita andito lang kasi ako sa kwarto ngayon walang ginagawa.”

“sige kuya miss na rin kita kasi eh.”

Pagdating ni Cherry ay agad siyang nagtext kay Fred.

 “kuya andito na kami.”

Sige ate, magkita tayo sa labas dyan malapit sa may punong akasya.”

“kuya baka mapapagalitan ka ni Father?”

“ ‘wag kang mag-alala. Parang BDO tong kuya mo, We Find Ways,” pilyong sagot ni Fred.

Agad namang nagbihis si Fred, sinuot niya yong itim niyang damit at shorts pati na yong hoddedjacket niyang itim din. At dali-dali siyang pumuslit pa labas.

“Asan kana kuya?” text ulit ni Cherry.

“parating na ako.”

Lumapit si Fred sa dalaga.

“ba’t ka naka-itim lahat kuya.”

“para di ako makita at medaling makapagtago sa dilim.”

“kaw talaga kuya hap. Baka mapahamak ka niyan.”

“okey lang basta nakasama kita. Kung mapapahamak man ako ay tatanggapin ko kesa pagsisihan ko ang oras na di ka makasama.”

“Kuya naman ehh…..”

Ngunit di pa man lang makatapos magsalita si Cherry ay agad na inilapat ni Fred ang kanyang mga labi sa labi ng dalaga. Natulala noong una si Cherry ngunit naglaon ay dinama nalang nila ang pagkakataon habang ang ulan ay pumapatak sa kanilang dalawa.

“ate mahal na mahal kita.”

“ako rin kuya ko, mamahalin kita ng sobra.”

“pangako natin hap, walang iwanan.”

“ opo kuya ko.”

Nag-usap sila Fred at Cherry ng ilang mga minuto doon parin sa ilalim ng puno habang umuulan. Maliwanag din ang paligid sapagkat bilog din ang buwan sa pagkakataong ‘yon lalong nakapagpaganda sa moment na ‘yon.

“A-aah kuya, baka hinahanap na ako ng mga kasama ko, at tsaka oras na rin para kami at uuwi.

“Sige ate ko, ingat ka hap. Mahal na mahal kita tandaan mo yan.” Sabi ni Fred sabay halik sa noo ng babae.

Pagkatapos nito’y umuwi na rin si Fred sa loob ng kombento. Nagtext muna siya kay Cherry bago matulog.

Divine Love: Story of Love and DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon