Dumating na ang araw ng pagtatapos ng summer exposure ni Fred, ngunit lunes na siya nagpasyang umuwi. Umaga pa lang ay nagtxt na siya agad kay Cherry upang sabihing uuwi na siya sa kanilang lugar. Agad namang nagtxt si Cherry na siya’y pupunta sa kombento upang makita man lang si Fred bago ito makaalis. Hinintay naman ni Fred ang dalaga.
Text message:
“Kuya, andito na ako.”
“Ate ko, nan dyan na po.”
“Kuya andito ako sa loob ng simbahan, naghihintay sayo.”
“Sige ate ko.”
Agad namang pinuntahan ni Fred ang dalaga. Pagkakita nila’y agad na yinakap ni Fred ang dalaga.
“Miss na kita ate ko.”
“Ako rin kuya ko, ngunit aalis kana mas lalo na kitang mamimiss niyan .”
“Wag kang mag-alala tatawagan kita araw-araw. At tsaka, isuot mo tung kwentas ko para palagi paring nasa tabi mo ako ate. Pansamatala lang akong mawawala ngunit di ka mawawala sa puso’t isipan ko ate.”
“Kuya ko, mahal na mahal kita” sabay akap kay Fred.
“Sige ate, pupunta muna ako sa taas at kukunin ko yong mga gamit ko.”
“Sige kuya ko.”
Dali-daling umakyat si Fred sa loob ng kombento para asikasuhin ang kanyang mga gamit. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagtxt naman ulit si Fred.
“Ate ko pumunta ka ulit dito.”
Agad namang tumugon ang dalaga sa hiling ni Fred.
“Kuya ko, andito na ako sa baba ng kombento.”
Biglang may humatak kay Cherry at yinakap siya ng mahigpit.
“Kuya,….”
Di paman lang siya makapagsalita ay agad na siyang hinalikan ni Fred. Dinama nila ang bawat minuto na sila’y magkasama.
“mahal na mahal kita ate ko, tandaan mo ang mga pangako ko sayo ate ko. Mananatili akong tapat sayo.”
“Ako rin kuya ko, mahal din kita.”
“Sige ate ko, aalis na ako. Mahal na mahal kita hap.”
Umalis si Fred sabay halik sa dalaga. Minasdan lang ng dalaga si Fred habang patuloy sa paglakad hangang makasakay na sa sasakyan.
Habang nakasakay si Fred sa bus ay tulala lamang siyang nakatanaw sa bintana. Parang namumugto ang mga mata, pinipilit na di tumulo ang mga luha. Paminsan-minsan din ay minamasdan niya ang larawan ng dalaga na ibinigay sa kanya.
Pagkarating niya sa kanila ay agad na inasikaso ang lahat ng kailangan niya sa pag-aaral. At agad naman siyang lumuwas para pumunta sa paaralan para sa kanyang enrollment pagdating sa susunod na pasukan. Ngunit ganun parin ay di parin mawala sa isip niya ang dalaga na minahal niya ng lubusan.
BINABASA MO ANG
Divine Love: Story of Love and Devotion
De TodoKwento na hango sa tutuong buhay ng isang binata na minsang pinangarap ang magsilbi sa Diyos ngunit sa kalaunan ay sinubok ng malaking hamon. Hamon tungkol sa pag-ibig. Kung sino sa dalawa ang mas mahalaga at mas matimbang sa kanya.