Nagising si Fred sa pagkakaidlip dahil sa panggigising ng kanyang kasamahan.
"Medyo madilim na pala. Mahaba-haba din pala ang aking pagkakatulog." Sabay tayo habang pinupunasan ang luha sa kanyang mata.
"napano ka Brother Fred.?"
"ahh wala may naalala lang ako kaya........"
"Baka may problema ka, pwede mo namang sabihin sa akin yan brother Fred."
"Okay lang ako. H'wag kang mag-alala, pagnagkataong may problema ako talagang sasabihin ko sayo."
"O sha, at magmadali na tayo at oras na para sa ating pagdadasal. Di ba Holy hour ngayon? Doon mo na lang ituloy yang pagmumuni-muni mo brother."
Sabay na silang nagtakbuhan papunta sa kapilya sapagkat tumunog na ang kampan na hudyat na ng pagsisimula nila sa pagdadasal.
Pagkatpos ng kanilang pagdadasal ay pinatay ang mga ilaw. Kandila lang na nakapalibot sa blessed sacrament ang natira upang maging sentro ng kanilang pagmumuni-muni.
Si Fred ay agad na lumuhod at nagdasal ng taimtim. Di kalauan ay tumulo na talaga ang mga luha sa kanyang mga mata.
"panginoon, sana naman maintindihan nila. Mahal ko siya at ayaw ko na mawala siya sa akin. Sana naman ay bigyan mo ako ng lakas ng loob na maipagtanggol ko siya. Kahit saan man ako panginoon at ano ang kahihinatnan ko, patuloy akong maglilingkod sayo. Di naman sa pagpapari lang ang paglilingkod diba? Ang pagmamahal ay di naman kasalanan diba.? Sadyang minahal ko lamang siya at mamahalin ko siya tulad ng tinuro mong pagmamahal sa akin. Ngunit hiling ko lang sanay gawing masaya ang mga araw at panahong kami'y magkakasama. Sana ay lagi ka naming gabay."
Di tumigil ang pagbuhos ng luha ni Fred hanggang sa matapos ang isang oras ng pagdadasal.
Pagkatpos ng pagdadasal ay agad na tumayo si Fred at pinunasan ang mukha. Agad naman siyang lumabas sa kapilya at tumingala sa langit at bumulong.
"Mahal kita at paglilingkuran kita kahit na ano pa ang kahihinatnan ko sa buhay. Kahit na di man ako maging pari, mananatili parin ang puso ko sayo at sa iyong simbahan."
BINABASA MO ANG
Divine Love: Story of Love and Devotion
RandomKwento na hango sa tutuong buhay ng isang binata na minsang pinangarap ang magsilbi sa Diyos ngunit sa kalaunan ay sinubok ng malaking hamon. Hamon tungkol sa pag-ibig. Kung sino sa dalawa ang mas mahalaga at mas matimbang sa kanya.