Pinaalam naman ni Cherry kay Fred ang pag-anyaya ng kanyang ama.
Through email:
“Kuya alam mo ban a tumawag ako sa inyo. Akala ko kasi nakauwi kana. Yan tuloy papa mo yong nakasagot. Nahihiya nga ako kasi inaanyahan nya akong pumunta sa inyo kapag umuwi ka na raw.”
“H’wag kang mahihiya ate. Pagkakataon na’yan para maipakilala kita ng pormal sa kanila.”
“Natatakot ako eh kuya.”
“H’wag kang matakot nandoon naman ako ate.”
“O sige na nga kuya.”
“Aasahan kita hap ate. I love you”
“I love you too kuya ko.”
Dumating din ang araw na pinakahihintay ni Fred. Umuwi na naman siya sa kanila. Isang buwan din bago siya muling nakauwi kaya pagkarating niya ay agad siyang pumunta sa simbahan nila upang bumisita muna sa imahen ng birhen. Pagkatapos nito’y umuwi sa kanila.
Gabi na ng makapagtext si Fred sa dalaga at sinabi niya na inaasahan talaga niya pagdating nito kinabukasan.
Kinaumagahan, pagkagising ni Fred ay naging abala siya sa paghahanda. Ngunit di niya nakalimutang kamustahin ang dalaga at tiyaking makakapunta ba ito sa kanila.
Through text:
“Magandang umaga ate ko, ngunit alam ko na mas maganda ka pa sa umaga. Hehehehe . ahhh ate tutuloy ka bas a pagpunta sa amin.”
Agad namang ngreply ang dalaga.
“Oo naman kuya ko, eh baka magtampo ka kung hindi ako dadating.”
“Talaga lang ate.”
“O sya kuya magbibihis na ako.”
“Sige ate maghihintay ako.”
Pagkatapos nito ay bumiyahe na si Cherry.
Pagkaraan ng ilang oras ay nagtext uli si Fred sa dalaga.
“Na saan ka na ba ate?”
“Wag kang mainip kuya, paparating na ako. Malapit na.”
“Sige ate ako.”
Pagkaraan ng ilang minuto ay nagtext uli ang dalaga.
“Kuya andito na ako sa babaan ng bus. Salubungin mo ako kuya kasi di ko kabisado ang papunta sa inyo.”
“Sige ate ipapasundo kita sa pinsan ko na si Maria.”
Agad naman na tinawag ni Fred ang pinsang babae para mautusan.
“Ahh ensan ikaw na ang susundo kay Cherry.”
“Ahh sige ensan. Ehh paano ko siya makikilala.”
“Dalhin mo tong cellphone ko, tawagan mo siya.”
“O sige ensan.”
Pakaraan ng ilang minuto ay bumalik na ang pensan ni Fred kasama si Cherry.
“O ensan ito na yong inuutos mo.”
“salamat ensan, papasukin muna na siya.”
Agad namang pinapasok ng pinsan ni Fred si Cherry. Pagpasok niya’y agad siyang nagmanu sa mga magulang ni Fred.
Tinanong siya ng maagi ng mga magulang ni Fred at pati ng kanyang ante na nakatira lang na di kalayuan sa kanila. Parang nagkaroon ng pagpapanayam sa loob ng bahay nila Fred.
Di naman nagkulang ang pamilya ni Fred sapagkat inalagaan namang mabuti nila Cherry.
Pagkatapos ng buong araw ay nagpaalam na rin si Cherry na uuwi na sa kanila.
“Uncle, aunte, Salamat sa lahat. Nag-enjoy ako sa pagpunta ko dito.”
“Mag-iingat ka sa pag-uwi Cherry.”
“Sige po mauna na po ako.” Sabay manu sa mga magulang ni Fred.
Sinamahan ni Fred si Cherry sa pagsakay ng bus.pagkatapos makaalis ni Fred ay agad din siyang bumalik sa kanilang bahay.
Maikli man ang panahon ngunit nagpapasalamat parin si Fred sa pagkat naiharap at napakilala na niya si Cherry sa kanyang magulang. Kinaumagahan ay bumalik na uli si Fred sa seminaryo upang muling mag-aral.
BINABASA MO ANG
Divine Love: Story of Love and Devotion
OverigKwento na hango sa tutuong buhay ng isang binata na minsang pinangarap ang magsilbi sa Diyos ngunit sa kalaunan ay sinubok ng malaking hamon. Hamon tungkol sa pag-ibig. Kung sino sa dalawa ang mas mahalaga at mas matimbang sa kanya.