Chapter 6 Buhay-Seminarista

272 0 0
                                    

Dumating na rin ang araw kung saan lilisanin na ni Fred ang kanilang lugar upang pumasok sa seminaryo. Hinatid siya ng kanyang magulang sa seminaryong nais niyang pasukan. Pagkarating niya mismo sa lugar ay di siya muna pumasok. Tiningnan muna niya ang kabuoan ng lugar mula sa gate kung saan siya nakatayo. Pagtapos nito’y tinawag na siya ng kanyang ina upang magtungo sa opisina ng tagatanggap. Umupo muna sila sa may lobby at nag-uusap.

“Anak, ang tahimik naman sa lugar na to. Baka di mo makayanan dito,” biro ng kanyang ina.

“ ‘Wag mo na yang banggitin, hayaan mo na lang ang anak mo dito, eh kagustuhan naman niya ito.”

Nakabaling ulit ang tingin ng ama sa anak.

“Anak, magpakabait ka dito,” pagsusumamo ng ama.

Tahimik lang si Fred at di kumibo sa sinabi ng kanyang magulang.

Biglang napatingin ang kanyang ama sa orasan.

“Oras na pala anak, baka may gagawin kayo ngayo.”

“Wala naman siguro Pa. E kabago-bago pa namin dito siguro ay aantayin muna namin yong iba.

“o itong gamit mo, ihanda mo muna sa itaas. Yong higaan mo ihanda mo narin,” pamimilit ng ama sa anak.

“sige po bibilisan ko pong tapusin ito at bababa rin ako ka agad.”

Dali-daling pumunta sa itaas si Fred at ng napadaan siya sa isang bintana ay tumingin sa dito upang silipin ang kanyang mga magulang. Ngunit pagtingin niya ay din a niya ito nasilayan.

Nakadama siya ng lungkot sapagkat di siya nakapagpaalam ng maayos.

Gusto ng magulang ni Fred na di magpaalam sa anak dahil sa ayaw nilang makita sila nito na umiiyak.

Mga unang araw ni Fred sa seminaryo ay di naging madali dahil sa hindi siya sanay na mawalay sa mga magulang nito. Gabi-gabi siyang umiiyak ng patago. Gusto man niyang tawagan ang magulang ay di magawa sapagkat ipinagbabawal sa kanila ang paggamit ng cellphone.

Di nagtagal ay umabot sa punto na si Fred ay nagpasyang umuwi na sa kanila. Nakahanda na ang lahat ng kanyang gamit mula pa noong gabi para kinaumagahan ay makauuwi na siya.

Pagkagising ng kanyang mga kasama ay napansin agad nila ang nakaimpaking gamit ni Fred.

“ O ano ito Brother Fred?” puna ni Brother Thomas.

“uuwi na ako, di ko na kaya ang lungkot na nadama ko dito.”

“Ang bilis naman o, limang araw pa lang tayo dito ang dali mo naming sumuko,” saway naman ni Brother Andrew.

“pag-isipan mo muna yan Brother. Masasanay ka rin dito. Huwag mo munang ituloy ang plano mo,” pakiusap naman ni Brother James.

At dahil sa kanyang mga kasamahan ay napigilan ang napipintong pagbitaw ni Fred. Nagkaroon ulit siya ng bagong motivation upang ipagpatuloy ang nasimulam. Nagtagal rin si Fred na ilan pang mga taon sa seminaryo.

Divine Love: Story of Love and DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon