Chapter 5.2.2

26K 506 8
                                    

CHAPTER 5.2.2

Kinabukasan makapananghali ay bahagya nang nakaluwag sa trabaho si Jade.  Mabuti na lang din at kahit medyo late na siyang nakatulog ay ganadung-ganado pa rin ang utak niya sa pagta-trabaho.

                “Ms. Jade, may bisita ka.”  Si Wilma na sumilip muna talaga sa kanya.        

                “Huh?  Sino?”  Napatingin pa siya sa kanyang relo.  Sakto kasing lunch break naman na nila.

                “Sino pa ba!”  Pilya pa itong ngumiti at pinapasok na ang sinasabi nitong bisita niya.  Si Spence!

                “Hi, magandang tanghali po, Madam”  Matamis pa ang pagkakangiti nito.

                “Hey,”  Matamis din naman siyang ngumiti dito at isinarado muna ang laptop niya.  “Come in!”  Sinenyasan pa niya iyong pumasok.

                “I brought us lunch!”  Itinaas pa nito ang dalang pagkain.

                “Nag-abala ka pa.”  Nahihiya pang sabi niya.

                “You’ve been so hard working lately, kailangan mong makabawi this time.”  Ipinatong pa niya ang dalang pagkain sa table nito.  “It’s not the usual food in our menu. I cooked it myself.”  Pagmamalaki pa nito sa pinaghirapan niya.

                “Naku, nakakahiya naman sa’yo. Busy ka rin naman sa branch diba?”  Nahihiya pang sabi niya.  Touched siya sa pagkamaalalahanin ng lalaki.  Lalo tuloy itong gumagwapo sa paningin niya.

                “Okay lang 'yun. Masisipag ang mga tao ko.  Kaya nila 'yun.”  Kumindat pa ito at humingi nang pahintulot kung puwedeng umupo sa katapat na upuan nito.  “May I?”

                “Of course, sorry.”  Nawala sa loob niyang paupuin ito. 

                “Siguro naman hindi ka na masyadong busy ngayon. Tapos na tayo sa inspection lahat.”

                “Oo nga, at least it’s worth it diba?  Wala namang naging problema ang mga branches natin.”  Wala pa sa kundisyon na sabi niya dahil medyo kumikirot na rin ang ulo niya.  Bahagya pa niyang napiga ang kanang sentido.

                “Are you alright?”  Alala pa niyang puna sa babae.

                “Yeah, medyo masakit lang ang ulo ko.”

                “Really?”  Hindi niya naiwasan ang mag-alala.  “Let me,”  Lumapit pa siya sa babae at hinawakan ang noo nito.  “Don’t worry, wala akong gagawing masama.”  Depensa rin naman niya sa babae lalo na nga’t nagulat ito.  “Massage ko lang ang ulo mo. Natutunan ko lang itong therapy na ‘to when I was in abroad and it works on me.”

                “O-okay…”  Alanganin siya subalit binigyan na rin ng chance ang lalaki.  Nahihiya rin naman siyang tanggihan ito gayong nagmamagandang loob lang naman ito sa kanya.

                “Masyado kang na-stress lately. This will help.”  Sinimulan na nga niyang hilutin ang noo at ulo ng babae.

                Bagay namang nakapagpa-relax nga nang husto kay Jade.

                “Ms. Jade,”  Si Andy na nagulat pa nang makitang may bisita pala ito.  Balak sana niyang imbitahang kumain ito sa labas ng lunch.

FOREVER WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon