Chapter 6.1.2

23.8K 494 11
                                    

CHAPTER 6.1.2

 At dumating na nga ang araw ng Sabado. Ang araw na hindi malaman ni Jade kung matutuwa ba siya o papaano. Kinakabahan siya sa maaaring kahinatnan ng dinner date nila ni Spence lalo na nga't sa mga nakaraang araw ay tila ramdam na niya ang ipapahiwatig nito sa dinner nila. 

Gayon pa man, inayos niyang maigi ang sarili. Nagpaganda at nagsuot rin siya ng magandang dress para sa dinner nilang iyon. At tulad nang inaasahan, on-time si Spence sa sinabi nitong oras. Seven thirty in the evening noon nang gabi at hindi niya alam kung saan ba sila magdi-dinner ng lalaki. Pero gayon na lamang din ang gulat niya nang dalhin siya nito sa pinagdalhan sa kanya ni Andy noong nakaraang gabi! 

"I heard na masarap daw ang Italian food nila dito. Is it okay? Mahilig ka nga pala sa Italian food?" Si Spence na talaga namang hindi rin maipagkakaila ang kagwapuhan sa  gabing iyon. Halatang pinaghandaan din nito ang araw na iyon lalo na nga't tila bagong gupit din ito. 

"Okay lang," Wala pa sa loob na napalinga sa paligid at umaasang makikita si Andy doon.  

"I hope you don't mind kung maupo ako sa tabi mo?" Napakamot pa ito ng ulo. "Para naman hindi tayo masyadong formal, kung okay lang?" Paalam pa nito. 

"S-sure..." Alanganin man ay pumayag na rin siya. 

"Have you been here before?" Curious pang tanong nito nang mapansing panay ang linga nito. 

"Yeah." Tumango pa siya at hindi naman niya kayang magsinungaling para lang huwag itong madismaya. "W-with a friend..." 

"Gan'un ba?" Napakamot pa ito ng ulo. "E 'di natikman mo na pala 'yung food nila dito?" Nag-alanganin tuloy itong doon na sila mag-dinner. 

"No, it's okay..." Bahagya pa niyang tinapik sa balikat ang lalaki. "I like their food here. You don't need to worry." 

"This is embarrassing. Palpak ako mamili nang kakainan." 

"No, it's okay. I like it in here."  

"I wanted it to be special sana. You're first in everything." Napabuntong-hininga pa ito.  

"This is special already so, relax ka lang okay? You made an effort in everything you do for me.  So, thank you." Matamis pa siyang ngumiti dito kahit na sa totoo lang ay kanina pa din siya kinakabahan. 

"I'm glad to hear that."  Noon na niya sinenyasan ang waiter para umorder na ng pagkain nila. 

Ang hindi nila alam, mula sa hindi kalayuan ay nagdi-dinner din si Andy mag-isa. Hindi niya inaasahang doon magdi-dinner ang dalawa. Hindi na tuloy niya nagawang makaalis sa kanyang puwesto sa pag-aalalang makasira siya sa romantic date ng dalawa. Nanatili na lang siyang nagkukubli sa isang sulok upang hindi na mapansin pa. 

Hindi naman din nagtagal ay nagsimula na ngang kumain ang dalawa. At as usual, panay din ang kuwentuhan nila in between. 

"I am really glad na tinanggap mo ang invitation ko today. You don't know how happy I am right now." Sabi pa ni Spence na hindi talaga maitago ang kaligayahan. 

"Mukhang mabait ka naman and I enjoy your company." Kinabahan pa siya sagot. Hindi kasi niya alam kung ano ang magiging dating niyon sa lalaki. 

"To be honest with you, it's been a while na rin since I've dated." Napabuntong-hininga pa ito. "Noong mapunta ako abroad, mas nag-focus na ako sa work para makaipon man lang at maipagawa ko ang dream house ko sa Tagaytay." 

"Talaga? Have you succeeded?" 

"Yeah." Tumango pa siya. "I hope one day madala kita d'un so, you'll see kung gaano ba talaga ako nagsikap para maipatayo 'yun." 

FOREVER WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon