CHAPTER 14.1.2
Kinabukasan ay sabay silang pumasok sa opisina. Tulad nang dati, naging mainit sila sa mga mata ng mga empleyadong nandoroon. Dagdag pa na hindi man lang binibitiwan ni Andy ang kamay ng nobya.
"Andy!" Si President Woo!
"Dad," Agad naman din niyang binalingan ang ama na noo'y sa mga kamay pala nila nakatingin.
Tangka sanang bibitiw si Jade sa hawak nito pero mas hinigpitan lang ng nobyo ang hawak sa kanya.
"The other day, you act like you don't know each other. The next day, you're grabbing her like you don't want to let go." Sarkastiko pa nitong sabi kahit na nga may ibang nakakarinig.
"You're correct, dad. I am not letting her go. Satisfied?" Higit siyang mas matapang ngayon. Hindi na rin niya gustong pagdaanan ang hirap na malayo sa babaeng minamahal niya.
"Baliw ka na talaga, Andy..." Matalim ang mga titig nito sa anak. "And you, Ms. Dimaguiba," Baling pa nito sa babae. "Kahit pa magaling ka katulad nang sinasabi ni Mr. Sy, walang mababago sa pagtingin ko sa'yo. I still don't like you for my son."
"Okay lang po, Mr. President." Sarkastiko pa siyang ngumiti dito. "I don't need your approval for anything. I am happy the way my life is."
"'Wag masyadong mataas ang lipad, Ms. Dimaguiba," Iiling-iling pa ito.
"Stop it, dad." Kunot-noo pa si Andy sa ama.
"I'll say whatever I want to say." Noon na ito tumalikod at hindi na lumingon pa.
Ramdam naman ni Andy ang panlalamig ng nobya na agad din muna niyang inihatid sa opisina nito.
"I'm sorry about that." Hingi rin naman nang paumanhin ni Andy sa nobya.
"Okay lang," Mapait pa siyang ngumiti. "But if not for you, baka nagkabastusan lang kami ng dad mo."
"I know. I am really sorry."
"Stop apologizing, it's not your fault." Bahagya pa niyang hinaplos ang pisngi nito.
"He's still my dad." Malungkot pa niyang sagot. "I felt bad that he was like that with the woman I love."
"We can't please everybody. Basta promise mo lang, hindi mo na ako iiwan."
"Never..." Umiling siya at mabilis na ginawaran nang halik sa labi. "I'll see you later."
"Later." Matamis pa siyang ngumiti dito.
"I love you." Bulong pa nito bago tuluyang lumabas sa opisina nito.
Wala naman na ding nagawa si Jade kundi ang mapabuntong-hininga na lang. Alam niyang hindi magiging madali ang laban nila ng nobyo. Hinihiling na lamang niya na sana ay totohanin nito ang pangako nitong hindi na siya iiwanan pa sa labang iyon.
~~
Mabilis na lumipas ang panahon. Ang dating pabagsak na Twin Dragons ay nakinabang nang husto sa merger na iyon with Good Flavors.
"Our sales raise up to almost 60 percent," Pagre-report pa ni Jade sa conference ng mga major stockholders. "And, that means a lot better since day one."
"Added to that," Si Andy. "Our newly opened branch along Ayala was also doing a really great job."
"It means a lot of money for me." Nakangiting sabi pa ni Chen. "And, to President Woo too." Baling pa niya sa tila satisfied din namang kasosyo sa negosyo.
"I am really impressed." Nakangiting sabi rin naman ni Oliver Woo.
"These couple seemed to be the charms of Twin Flavors." Si Chen na makahulugan pang binalingan sina Andy at Jade. "You might want to help me open another chain in Los Angeles."
BINABASA MO ANG
FOREVER WITH YOU
Teen FictionShe fell in love with him. She got rejected. He fell in love with her. She already have someone else. Book Cover by @Thirty_Celsius