Chapter 17 (Together Forever)

44.7K 860 86
                                    

CHAPTER 17

Halos isang linggo lang naman ang itinagal ni Jade sa hospital at nakauwi na rin siya sa condo. Samantala, ipinakulong na rin ni Oliver ang kapatid dahil sa pagtatangka nitong pagpatay sa kanya. Sinampahan na rin niya iyon ng kaso labag man sa kalooban niya. Humingi rin naman nang tawad sa kanya ang kapatid pero kailangan pa rin nitong managot sa batas lalo na nga't nanganib ang buhay ni Jade at ng kanyang apo.  

Bago pa man dumating ulit si Mr. Chow sa Pilipinas ay medyo naka-recover na rin si Jade sa kanyang injury kaya't naging hands-on na rin siya sa pag-aasikaso sa event kahit na nga tinututulan ng kanyang biyenan. Sa wakas kasi ay natanggap na rin siya ng mga magulang ni Andy bilang parte ng pamilya nito. Mas espesyal pa nga ang pagtrato ng mga ito sa kanya dahil sa pagliligtas niya sa buhay ni Oliver Woo. 

"Wow, babe..." Si Andy na hindi pa rin mapigilan ang humanga sa asawa. "You look amazingly beautiful."  

"Thank you." Matamis pa siyang ngumiti dito lalo na nga't bigay pa ng kanyang biyenang babae ang suot niyang night dress. 

"You look perfect." Mangha pa siyang lumapit sa asawa at siniil iyon nang halik sa labi. "So sexy..."  Pilyo pa niyang hinaplos ang balat na naka-expose sa malalim na likod ng pulang dress nito. 

"Mr. Woo," Dinilatan pa niya iyon nang maramdaman ang kamay nito sa likod nito.  

"Sorry, I can't help it." Pilyo pa itong ngumiti at bahagyang humiwalay dito. 

"Kinakabahan ako.  Bakit kasi isinabay pa ni dad ang baby shower sa party?" Ang alam kasi niya'y simple investor event lang sana ang magaganap at hindi niya inaasahang magpapa baby shower na rin. 

"Alam mo naman si President Woo," Nakangiti pa nitong sabi. "Na-excite lang 'yun sa unang apo niya kaya pagbigyan mo na. Double event nga diba? Though, mas magiging casual na lang ngayon at less formal."  

"I hope may magandang sabihin si Mr. Chow sa ating dalawa." Doon siya mas kinakabahan. 

"Don't worry, babe. We're meant for each other. I knew he'll see that." Pampalubag loob pa niya dito. 

"Sana nga. Sana." Napabuntong-hininga na lamang din siya. 

Agad din naman silang pumunta sa event matapos na makapag-ayos. Tulad nang inaasahan, marami na ring mga tao ang nandoroon. 'Di tulad nang nakaraan, mas masaya ang pa-party ng mga Woo at mas marami rin ang mga imbitado. Lalo lamang tuloy nakadagdag nang tensyon iyon kay Jade. 

"Mr. Chow is here." Nakangiti pang lumapit sa kanila si Oliver.  

"Oh," Si Andy na hindi rin naiwasan ang matensyon. Dahil anuman ang sabihin ni Mr. Chow tungkol sa kanila ay paniguradong makakaapekto pa rin sa kanila. 

"You look very pretty, Jade." Puri pa ni Oliver sa manugang. 

"Thank you po." Hindi pa rin niya magawang ipalagay nang husto ang sarili. Mas madalas pa rin siyang nadadaig nang hiya dito lalo na nga't sumasagi pa rin sa isip niya ang hindi magandang encounter nilang dalawa noon. 

"Mr. Chow! Welcome!" Si Oliver na sinalubong pa ang isa sa pinaka-espesyal nilang bisita ng gabing iyon. Mahigpit pa niya iyong kinamayan. 

"Thank you, President Woo..." Tumango rin naman ito. 

"I hope we can make a lot of money tonight huh?" Masaya pa nitong sabi. 

"You can count on it." Matamis din naman itong ngumiti. 

"Oh by the way," Binalingan pa nito ang anak at pati na rin si Jade. "Remember my son, Andy..." Inakbayan pa nito ang anak.  

"Yeah, I remember." Tumango rin naman ito. 

FOREVER WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon