Published: October 17, 2012
CHAPTER 1
May kung ilang araw na ring masayang-masaya at palaging excited pumasok sa trabaho si Jade Dimaguiba. Papaano kasi'y hindi niya inaasahan na sa tinagal-tagal nang panahon ay nakuha rin niya ang promotion na gusto niya. May kung ilang taon din siyang nagsikap para lang tumaas ang posisyon niya. At ngayon nga, Chief Operating Officer na siya ng isa sa pinaka-kilalang food company sa bansa.
"Ma'am Jade..." Ang kanyang assistant secretary.
"Yes?" Baling pa niya kay Wilma na halos kakasimula pa lang din magtrabaho para sa kanya.
"Pinapatawag po kayo ni President Woo."
"Really?" Kunot-noo pa siya. "I'll be right there." Hindi niya maiwasang magtaka gayong katatapos pa lang nila mag-usap.
"Sige po," Noon na tumalikod ang assistant niya.
Pagkatalikod naman nito'y siya ring pagharap niya sa salamin para siguraduhing maayos na siya. Simula kasi nang tumaas ang posisyon niya ay madalas na siyang magsuot ng magagandang dress pang-opisina lalo na nga't madalas rin siyang makiharap sa iba't-ibang tao. Matapos mag-retouch nang kaunting make-up ay agad din siyang pumunta sa opisina ng Presidente ng kumpanya.
"Good afternoon, President Woo." Tipid pa siyang ngumiti dito matapos na papasukin siya nito sa loob nang magara nitong opisina.
"Forgive me for this urgent call, Ms. Dimaguiba." Umpisa agad ni Oliver Woo, ang Presidente ng Twin Dragons at sumenyas na maupo siya.
Sumunod naman din siya at naupo sa tapat nito.
"What is it that you want to speak with me, Mr. President?" Curious yata siya gayong bihira lang din naman siya nitong ipatawag sa opisina. Mas madalas kasing hinahayaan lang siya nitong mag-decide para sa kumpanya. Ganoon kalaki ang tiwala nito sa kanya. Kaya naman ginagawa rin niya lahat para lang din hindi mapahiya dito.
"I might be gone for a few months and I'll have my son to take over my position for the meantime." Napabuntong-hininga pa ito.
"If you don't mind my asking, saan po kayo pupunta?" Lakas loob pa niyang tanong.
"Business expansion," Tipid lamang na sagot nito. "Anyway, I'll just need you to assist my son 'coz he's not yet familiar here. But I also assure you, he's good. So, I don't think mahihirapan kang turuan siya."
"You can count on it, President Woo." Tumango pa siya dito.
"I'm glad to hear that." Saglit itong natigilan nang mag-ring ang cellphone nito. Mabilis din naman nitong sinagot ang tawag. "Son!" Sorpresa pa ito sa tumawag. "We'll wait here para na rin ma-meet mo ang C.O.O. ng company natin." Sumenyas pa ito sa nakikinig lang na babae. "He's coming," Balita agad nito matapos maibaba ang cellphone nito.
"Ngayon po?" Bahagya pa siyang nakaramdam nang kaba lalo na nga't hindi niya alam kung makakasundo ba ang bagong amo.
"Yeah," Tumango pa ito. "May pinuntahan lang siya nearby so, daraan na rin daw siya dito."
"Ah, okay po." Bahagya pa siyang na-conscious sa hitsura niya. First time kasi niyang mame-meet ang isa sa tagapagmana ng Twin Dragons Food Corporation. Sa pagkakaalam kasi niya'y dadalawa lang naman ang anak ni President Oliver Woo, isang lalaki at isang babae. At dahil may lahi itong Chinese, karaniwan ay lalaking anak ang nagmamana ng negosyo ng pamilya.
"Don't worry, Ms. Dimaguiba, mabait naman ang anak ko. Medyo suplado lang but eventually, magkakapalagayan din kayo ng loob." Matamis pa ang pagkakangiti nito.
"S-sana nga po," Namumula pang naisagot na lang niya. Lalo lang nakadagdag sa kaba niya ang 'suplado factor' na ugali umano nito.
"He's a bit strict. May pagka-perfectionist."
"Po?" Napalunok pa talaga siya.
"Ayaw nga sana niyang umuwi dito sa Pilipinas, pinakiusapan ko lang. Since stable naman ang company namin sa New York kaya ko napilit umuwi." Maikling pagku-kuwento pa nito. "Pero sobrang sipag ng anak ko na 'yun. He was starting his own business and I think he's doing quite well para sa isang baguhan."
"G-ganun po ba," Hindi niya malaman ang ikokomento lalo na nga't hindi pa rin naman ganoon kapalagay ang loob niya sa President nila. Ayaw lang din niyang maramdaman nitong nagpapakakampante na siya porke hawak na niya ang isa sa pinaka-mataas na posisyon sa kumpanya.
"So, I am hoping that you'll be able to bring out the best in him too. For sure, you'll both benefit from this. He's good at business, so are you."
"Thank you po. I won't fail you." Tipid pa siyang ngumiti dito.
Hindi nga nagtagal ay may biglang kumatok sa pinto... si Mr. Andy Woo!
"Hey dad!" Si Andy na agad pang lumapit sa ama para yakapin ito.
"Hey son!" Ginantihan naman niya iyon nang yakap at bahagyang tinapik sa balikat.
"I like the new theme on your façade dad, it really captured my attention." Agad pang kuwento nito.
"I'm glad you like it. Si Ms. Dimaguiba ang nag-conceptualize n'un." Agad pa nitong iginawi ang tingin sa tahimik lamang na babae.
"Oh..." Noon na lang din napansin ni Andy ang babae.
"Ms. Jade Dimaguiba, I would like you to meet my son, Andy Woo." Agad pang pakilala ni Oliver sa anak.
"Hello..." Tumango lang si Andy at mabilis itong kinamayan. "Ms. Dimaguiba," Impressed siya sa ganda nitong manamit. Dagdag rin ang natural na ganda nito. Gusto rin niya ang napaka-expressive na mga mata nito. Gayon pa man ay hindi siya nagpahalata dito at pinilit pa ring magpaka-pormal. "It was my pleasure to finally meet you. How are you?"
"I'm fine, thank you." Halos kumalabog ang puso niya sa kaba lalo na nga't hindi siya makapaniwalang ang gwapo pala ang boss niya. Matangkad din ito at matipuno rin ang pangangatawan. "It was nice meeting you too, sir. Can I offer you anything? A drink maybe?"
"No, thank you but thank you for asking." Bahagya pa siyang umiling.
"Andy, siya ang C.O.O. natin. Siya ang bahalang mag-assist sa'yo habang wala ako." Si Oliver ulit.
"Okay, dad." Hindi naman na ito nagkomento pa. At sa halip ay iniba na rin ang usapan.
Agad namang nakuha ni Jade ang ibig sabihin nang ikinilos ng lalaki. Hindi pa ma'y nakaramdam na agad siya nang inis dito lalo na nga't hindi man lang ito nagpaka-friendly kahit wari-warian.
"I'll get back to work, Mr. President." Paalam pa niya sa boss niya. "If there is anything you need, just call me..." Tipid pa siyang ngumiti dito.
"Okay, thanks Ms. Dimaguiba." Tumango pa ito at tipid ding ngumiti.
"Mr. Woo..." Labag man sa loob niya ay nagpaalam rin siya dito.
"Okay," Tumango lang din ito at agad na ibinaling ang atensyon sa ama.
Nagngingitngit namang lumabas si Jade ng opisinang iyon. Hindi siya makapaniwala sa inasal ng anak ng Boss niya. Sa pakiwari niya'y tila mahihirapan siyang pakibagayan ito. At mukhang sa tinagal-tagal nang panahon ay mukhang ngayon pa lang din niya mararanasang mahirapan sa trabaho.
BINABASA MO ANG
FOREVER WITH YOU
Teen FictionShe fell in love with him. She got rejected. He fell in love with her. She already have someone else. Book Cover by @Thirty_Celsius