Chapter 6.2.2

25K 493 11
                                    

CHAPTER 6.2.2

At tulad nga nang sabi nito ay 15 minutes lang ang layo ng mansion ng pinsan nito.  At hindi rin ito nagkamaling marami pa ngang tao sa mga pagkakataong iyon.

"Insan!"  Isang gwapong lalaki na halos sing edad din nila ang lumapit dito.

"Carlo!"  Sinalubong naman niya ang kanyang pinsan nang isang mahigpit na yakap.  "Happy Birthday!"

"Thanks, insan. I thought you'll never come."  Iiling-iling pa ito at gumawi ang tingin kay Jade.  "And this is,"

"Oh, this is Jade, my friend."  Pakilala naman niya sa babae.

"Hi Jade..."  Kinamayan pa ni Carlo ang tila nahihiyang babae.  "I am Carlo, single and available."

"I'm Jade..."  Kinamayan naman niya ang tila maharot na pinsan ni Andy.

"Single ka d'yan!  Sumbong kaya kita sa girlfriend mo?"  Bantang biro pa ni Andy sa pinsan.

"I was just kidding , okay?  Kumain muna kayo."  Itinuro pa nito ang buffet table.  "Help yourself okay?"

"Okay,"  Tumango naman si Andy dito. 

"Oh by the way, insan... Lindzy is here."  Makahulugan pa nitong sabi.

Agad namang nakuha ni Andy ang ibig nitong sabihin.

"Don't worry, insan. Ako na ang bahala."  Tinapik pa niya iyon sa balikat.

"Maupo muna kayo ni Jade. Ikukuha ko kayo ng drinks okay?" 

"Sige."  Tumango pa siya dito.

At panandali nga munang umalis si Carlo para ikuha nga sila nang maiinom.

Naghanap muna rin nang magandang puesto si Andy para makaupo sila ni Jade.

"Nandito si Ms. Lindzy..?"  Alala naman si Jade.

"Are you worried na sugurin ka niya dito at sabunutan ka?  Is that it?"  Nakangiti pang biro pa niya dito.

"Hindi ko siya uurungan if that is what you want to hear."  Umismid pa siya sa lalaki.

"She won't do anything to you."  Paniniguro pa niya dito.  "Takot sa eskandalo 'yun."

"Okay, sinabi mo e."  Hindi niya mapigilan ang sariling humanga nang husto sa kagwapuhan ng lalaki kahit na nga simpleng polo shirt at maong lang ang suot nito.

"Would you believe na puro mayayamang tao lang ang nandito ngayon?"

"I don't think so. May mahirap na naligaw."  Makahulugan pa niyang sabi sa lalaki.

"Okay,"  Ngumiti naman siya dito.  "Carry mo naman, mukha ka ring mayaman."

"Gan'un?"  Inirapan pa niya ang lalaki.  "Kaya lang naman ako natutong magsuot nang magaganda kasi ni-require talaga ng papa mo."

"Bagay mo nga diba?"  Dinilatan pa niya ito.

"Papalapit na ang girlfriend mo."  Bulong na lamang ni Jade dito.

"Correction, she's not my girlfriend."  Iginawi pa niya ang tingin kay Lindzy na tila nakakaloko namang ngumiti  sa kanya.

"Hi, Andy."  Bati pa nito sa lalaki.

"Hey, Lindzy."  Wala naman siyang choice kundi i-beso beso ang babae.

"It was so easy for you to forget about me."  Makahulugan pa nitong sabi sabay tingin kay Jade.

"Mukhang nakainom na kayo a."  Iniligaw na lang niya ang babae sa tema nang usapan.

"Slight lang. I thought you're not coming?"

FOREVER WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon