CHAPTER 9
May kung ilang araw na tahimik na naman si Andy at hindi masyadong pinagkikikibo ang nobya. Sa pakiramdam niya'y wala rin naman siyang nobya sa dami ng mga rules nito pagdating sa simpleng date lang nila.
"Andy..." Si Jade na naisipang silipin ang nobyong alam niyang nagtatampo sa kanya.
"Hey," Tumango lang siya dito at mapaklang bumati.
"C-can I come in?" Hindi rin naman niya maiwasang mailag sa nobyo sa tuwing ganoon ito makitungo sa kanya.
"You can actually come in anytime you want even without asking me." Makahulugan pa nitong bitaw ng salita habang ni hindi man lang niya ito tinatapunan nang tingin.
Sa halip na magsalita ay tahimik na lang na pumasok si Jade sa opisina nito.
"Kamusta ka na?" Hindi pa niya naiwasang mapakagat-labi sa kaba. Natatakot kasi siya sa tuwing magsusungit ito.
"I'm fine, thank you." Matabang lang nitong sagot.
"Are you still mad at me?" Malungkot naman niyang tanong dito.
Agad namang naramdaman ni Andy ang lungkot sa tanong nito at napaangat siya nang tingin sa mukha nito. Tamang tila maiiyak na naman ito.
"I'm not mad, babe." Lumapit siya dito pero agad ding dumistansya sa pag-aalalang may marinig lang din siya ditong hindi niya magustuhan. "I am not just happy with your rules."
Hindi naman na nagawang makakibo ni Jade. Hindi rin naman niya alam kung ano pa ang puwede niyang gawin para lang ipaintindi ang sitwasyon niya.
"Sige na," Hinilot pa ni Andy ang kanyang noo. Kanina pa din kasi sumasakit ang ulo niya. "Baka magtaka pa ang mga tao dito kung bakit matagal ka sa opisina ko."
"Itinataboy mo ba ako?"
"It's part of your rules, right?" Sarcastic na sagot pa niya dito at muling bumalik sa table.
Tahimik na lang ding umalis si Jade. Alam din naman niyang katampu-tampo ang mga kundisyon niya. Hindi lang kasi niya mapaglabanan ang takot.
Kaya naman kung dati ay nage-effort si Andy para ihatid man lang ang nobya, ngayon ay hinahayaan na lang niya iyon sa gusto niya. Kay bagu-bago pa lang nila ay puro tampuhan na agad ang nangyayari sa kanila. Akala niya'y matapang ang nobya na harapin ang kahit ano para sa kanya, pero tila kabaligtaran ngayon ang nakikita niya. Sa totoo lang ay natatakot rin naman siya sa magiging reaction ng mga magulang niya lalo na nga't bukod sa hindi Chinese si Jade ay hindi pa ito mayaman katulad ng mga idene-date niya. Gayon pa man, kay Jade lang niya naramdaman ang ganoong klase ng pagmamahal. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit kailangan pa nilang ilihim ang lahat kung gayong pagdaraanan din naman talaga nila ang hirap ng pagiging magkaiba nila sa estado ng pamumuhay.
Samantala, si Jade naman ay hindi rin malaman kung ano ang gagawin. Pakiramdam niya'y ang bilis din naman pala masisira ng samahan nila ni Andy. At dahil takot din naman siya, hindi na niya magawang silipin man lang ang nobyo kung ito ba'y nakauwi na o hindi pa. Malungkot na lang niyang nilisan ang opisina lalo na nga't paniguradong malaki pa rin ang tampo ng nobyo sa kanya.
Ilang araw ding hindi man lang nagpapansinan ang dalawa kaya naman si Jade, wala ring gana sa kahit na ano. Mas madalas ay tulala siya at walang focus sa kahit ano. Hindi naman nakaligtas kay Spence ang kakaibang aura ng babae nang mapunta ulit ito sa branch niya para magbisita.
"You look gloomy," Puna pa niya dito. "Hindi ako sanay na ganyan ka. May problema ka ba?" Usisa pa niya dito.
"W-wala..." Deny naman siya lalo na nga't tila awkward naman ang magopen-up dito lalo na nga't dati itong may feelings para sa kanya.
BINABASA MO ANG
FOREVER WITH YOU
Teen FictionShe fell in love with him. She got rejected. He fell in love with her. She already have someone else. Book Cover by @Thirty_Celsius