Chapter 15

26.7K 463 6
                                    

Published: October 07, 2012

CHAPTER 15

Kulang na lang ay atakihin si President Oliver Woo nang malamang ikinasal na si Andy kay Jade! Talaga namang nagpupuyos ito sa galit dahil sa nabalitaan. Nayanig ang buong Twin Dragons dahil sa balitang iyon. 

"This is unacceptable!" Sita pa ni Oliver sa dalawa na ipinatawag niya sa kanyang opisina. 

"What's new dad?" Umismid pa ito. "You never approved my relationship with Jade, not even once." Nanghihinampo pa niyang sabi.  Ramdam din niya ang mahigpit na kapit ng kamay ng asawa sa kanyang braso.

"Look Andy," Pilit pa itong nagpapakahinahon. "File an annulment with her. I knew people who can make your marriage annulled right away!" 

"I can't believe this," Kunot-noo pa siya dito. "I love my wife! And there is no way I am filing an annulment just because you said so!" 

"Baliw ka, Andy!" Gigil na gigil ito. "Hindi mo ba narinig ang sinabi sa'yo ni Mr. Chow! Si Lindzy ang perfect bride for you!" 

"He's not God, dad." Pigil pa rin siya sa kanyang emosyon. "Jade is the one for me." Inakbayan pa niya ang asawang tahimik lang na nakayuko.

"Hihiwalayan mo ang babaeng 'yan or else," Ibinitin pa nito ang sasabihin at galit na itinuro si Jade na tahimik pa ring nakayuko.

"What dad?" Hamon naman din niya dito. 

"I'll deny you my son and successor of Twin Dragons!" 

Noon na napaangat nang tingin si Jade sa asawa at alalang napatitig dito.  Pero walang nakita si Jade ni katiting na takot sa banta ng ama nito.

"That's old school, dad.  Wala ka na bang ibang panakot?" Umiling pa ito. "Then, so be it!" Wala naman itong takot na tumalikod sa ama at mahigpit na hinawakan sa kamay ang asawa palabas ng opisina nito. 

"Where are we going?" Halos pabulong pang tanong ni Jade dito. 

"Sa office na lang muna tayo ni Chen. Hindi ako mapapalagay kung nandito ka mag-isa." Isinama pa niya ito sa opisina niya para kumuha lang ng ilang gamit. 

"What if you're dad is right?  What if Lindzy was really the one for you?" Hindi niya maiwasan ang maapektuhan lalo na nga't tila kakalabanin ni Andy ang buong pamilya nito alang-alang sa kanya. 

"Don't listen to him." Malungkot pa itong umiling. "You're the one I love.  You're the one for me.  End of discussion, okay?" Wala na rin siyang interest na pahabain pa 'yun. 

Hindi naman na rin nakakibo si Jade. Alam niyang kahit na nagpe-pretend ang asawa na okay ito, alam niyang nasasaktan ito sa paglayo ng pamilya nito dahil sa kanya. 

"Babe, tara na." Agad pa niya iyong inakbayan papalabas naman ng opisina nito. 

"I'll just grab my bag." Paalam pa niya dito nang madaan sila sa opisina niya. 

"Okay, babe." Tumango pa siya dito at naghintay na lamang sa tapat ng pinto. 

Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na rin ito dala-dala ang tote bag nito. 

Tulad ng plano ay sa opisina muna sila ng Good Flavors nagpunta. Hindi man kalakihan iyon katulad ng Twin Dragons ay alam nilang mas mapapanatag sila magtrabaho kung nandoroon sila. 

"You think babe totohanin ng Dad mo ang banta niya na hindi ka na gagawing tagapagmana ng Twin Dragons?" Curious lang din siya sa magiging reaksyon ng asawa. 

"There might be a big possibility." Tumango pa ito. "I was like exactly my Dad before, stubborn and self-centered," Mapait pa itong napangiti. "But when I met you, I became a better person.  You bring out the goodness in me."  Hinaplos pa niya ang pisngi nito at mapait na ngumiti.  "You don't need to worry a thing, babe.  Like I said before I was established already and I don't need his inheritance."  Pinisil niya ang palad nito at ayaw lang din niyang mag-alala pa ito nang husto.

FOREVER WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon