Published: October 07, 2012
CHAPTER 8
Halos isang linggo rin ang international business seminar na iyon sa Los Angeles. At sa ilang araw ding iyon ay nanatiling walang pansinan ang dalawa. Hanggang sa humantong na nga ang pinakahuling araw na mag-stay sila doon.
"Hey, Spence." Si Jade na nakatanggap ng overseas call mula kay Spence.
"Hi Jade. Kamusta ang seminar?" Si Spence.
"Okay lang." Matabang naman niyang sagot. Kung marahil siguro magkabati man lang sila ni Andy, sobrang happy na rin sana nang pakiramdam niya.
"Kailan ba ang flight n'yo pabalik?"
"I think tomorrow night." Napabuntong-hininga pa siya. Wala pa sa loob na napatingin kay Andy na kasalukuyan rin pa lang nakatingin sa kanya.
"I can't wait to see you. Namiss kita."
"I miss you too." Bahagya pa siyang napangiti. Kahit na binasted na niya si Spence ay napakabuti pa rin niyon sa kanya.
"Did you two talk about your issues already?" Nakapag open-up na kasi ang babae sa nararamdaman nito sa President nilang si Andy. Masakit man sa kanya ang pagtanggi ng babae sa pag-ibig niya, naging mabuting magkaibigan pa rin sila.
"No." Ingat naman siya sa isinasagot lalo na nga't nandoroon lang din ang lalaki.
"Are you gonna tell him how you feel?"
"I don't know," Tipid pa rin ang sagot niya. "Can we have dinner after this trip?"
"Sure. I'll cook for you."
"Mahal na ang tawag mo, wala akong pambayad ha." Biro pa niya dito.
"Okay lang, basta para sa'yo." Mapait pang bitaw nito nang salita.
"Spence..." Hindi naman niya maiwasan ang makunsensya lalo na nga't mukhang sincere naman ito sa intention nito sa kanya. Kaya lang ay ayaw rin naman niyang paasahin ito gayong ibang lalaki ang minamahal niya.
"Don't feel guilty about anything, okay? I am happy that you've been honest with me. I really appreciate that."
"Thank you." Kahit pa gan'un ay nagdadalawang isip rin siya kung tama ba ang naging desisyon niyang bitiwan na ito.
"I love you, Jade even as a friend. Can you tell me you love me too." Sumamo pa nito. "Kahit friendly I love you lang."
"I love you."
"Thank you. Ungat ka diyan okay?"
"Thanks."
"Bye." Nagpaalam na nga ito.
"Bye, Spence." Noon na niya ibinaba ang cellphone niya.
At gayon na lang ang pagkagulat niya nang pagbaling niya ay nasa harapan na pala niya si Andy na tila galit.
"Are you and Spence together?" Seryoso pa nitong tanong.
"None of your business." Muli ay masungit na sagot niya dito.
"Why can't you just answer a simple question?" Untag pa nito sa mas malakas na boses.
"Oh," Naniningkit pa ang mga matang binalingan niya ito. "Sino nga ba sa ating dalawa ang hirap sumagot sa isang simpleng tanong?"
"You will not understand," Agad na nabago ang aura nito.
"How am I supposed to understand if you will not say a thing!" Namaywang pa siya sa harapan nito.
BINABASA MO ANG
FOREVER WITH YOU
Teen FictionShe fell in love with him. She got rejected. He fell in love with her. She already have someone else. Book Cover by @Thirty_Celsius