Chapter 12

23.2K 455 18
                                    

Published: October 07, 2012

CHAPTER 12

May kung ilang araw na ding naging abala na naman sa trabaho si Jade. Gayon pa man, may bahagi sa puso niyang naghahangad na kahit saglit ay makita man lang si Andy. Madalas nga ay tumitiempo siya sa condo nila, pero tila mapanukso pa na kahit anino man lang nito ay hindi niya nakikita. Hindi rin niya alam kung bakit hindi man lang niya magawang ikuwento iyon sa nobyo. 

"I'm really sorry at ngayon na lang ulit kita napuntahan ha." Hingi pa nang paumanhin ni Spence sa nobya. Matapos kasi ang grand opening ng branch ng Good Flavors ay hindi na ulit niya ito nadalaw sa dami nang trabaho sa branch niya. 

"It's okay. Busy rin naman ako lately." Tipid pa siyang ngumiti sa nobyo. 

"I would like to ask you something if you don't mind." Lakas loob pa siya. Ilang araw na rin kasi siyang hindi mapakali dahil sa pag-iisip. 

"What is it?" Parang nahuhulaan na niya ang itatanong nito. 

"I know, it's none of my business," Napabuntong-hininga pa talaga ito. "But it's bugging me the past few days..." 

Nananatili namang nakikinig lang si Jade sa sinasabi ng nobyo. 

"W-what did sir Andy told you when you saw each other at the opening?" 

"Huh e..." Alanganin pa siya. "Wala naman, nangamusta lang." Pagsisinungaling pa niya. 

"You're hiding something from me. I can feel it." Nanghihinampo pa nitong sabi. " After kasi nung incident na 'yun parang nakalimutan mo rin akong alalahanin.  Hindi ka man lang nagtext." Hindi na rin nito nagawang itago ang nararamdaman. 

"B-busy lang ako, pasensya ka na..." Sa pakiwari naman niya'y kilalang-kilala na rin siya ng nobyo. 

"He still loves you, right?" Biglang sumeryoso ang mukha nito. 

"Please... let's not talk about it okay?" Iwas pa talaga niya.  

"You still love him, don't you?" Mataman pa nitong tinitigan ang mukha nito. 

"Spence..." Hindi naman niya malaman ang isasagot. 

"Do you regret having me for your boyfriend?" Kuhang-kuha na nito ang sagot sa mga reactions pa lang nito. 

"No," Hindi naman din niya naiwasan ang ma-guilty. "Y-you're one special person, Spence. You're a great guy. I don't regret that you're my boyfriend." Pinisil pa niya iyon sa pisngi. 

"Really?" Hindi nito maintindihan ang nararamdaman. Hindi ito masaya sa narinig lalo na nga't alam nitong hindi iyon ang totoong nararamdaman nito. "Anyway, I don't know if you heard the news, looks like Good Flavors and Twin Dragons are up to something." Pag-iiba na lang nito nang usapan. Gusto pa sana nitong magtanong pero hindi pa man ay unti-unti nang dinudurog ang kanyang puso. 

"Really?" Kunot-noo pa siya. Tila kasi wala naman siyang naririnig na ganoong issue. Dagdag pa na patungkol iyon sa Twin Dragons. 

"Twin Dragons is really at it's downfall now." Malungkot na balita pa nito. "Another branch is closing." 

"I'm sorry for them.  Good thing your branch is the toughest."  Naguguluhan siya sa dapat maramdaman lalo na nga't nasa Pilipinas na si Andy. 

"And, Andy is taking charge as President for the second time." 

"Oh..."

"There might be a chance of merger since good friend ni Andy ang may-ari ng Good Flavors." Dagdag pa nito at nananatiling pinapanood ang ekspresyon ng nobya.

FOREVER WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon