Chapter 16

28.7K 527 10
                                    

CHAPTER 16

Kahit na puyat na puyat pa ay maagang dinayo ni Andy ang ama sa opisina nito. Hindi nito inaasahan ang pagdating niya lalo na nga't matagal-tagal na rin itong hindi pumupunta sa Twin Dragons simula nang lumipat ito sa Good Flavors kasama ang asawa nito. 

"What made you come here? Change of mind? Want to marry Lindzy now?" Sarkastiko pa nitong salubong sa anak. 

"That will never happen, dad. Never." Iiling-iling pa siya dito. "I came here for a different reason." Inilapag niya ang mga dokumento sa mesa nito. 

"My wife asked me to review that document." Binuklat pa niya ang financial statement ng mga nakaraang taon. "You need to see this..." 

"What's the point?" Kunot-noo pa siya. "I have my auditor in charge for that." 

"How sure are you that they are trustworthy?" Kunot-noo pa siya. "Aren't you wondering? Why all of a sudden, bumagsak ang Twin Dragons?" 

"What do you mean? Niloloko ako ng sarili kong kapatid?" Agad pang nagsalubong ang kilay nito. "Mas gusto mo pang paniwalaan ko ang walang kwenta mong asawa sa sarili kong kapatid?" 

"Pinag-aralan ko din ang mga files na 'yan kagabi. I think there is really something wrong with it. Why don't you see it yourself before judging my wife, who's main concern was to save your company." Iiling-iling pa siyang tumalikod dito nang hindi nagpapaalam. Alam niyang kahit pa ganoon ang pakitungo ng ama niya sa kanya, titignan at titignan nito ang mga natuklasan niya. Ang hindi lang niya alam ay kung anong gulo ang maaaring mangyari sa pagitan ng kanyang ama at kapatid nitong humahawak sa finances ng Twin Dragons. 

Samantala, si Jade naman ay sa Tomas Morato Branch na unang pumunta para sa branch visit niya. At tulad nang inaasahan, mas seryosong Spence ang sumalubong sa kanya. 

"Good morning, Mrs. Woo."  Mapakla pa nitong bati sa kanya. 

"Good morning..." Alanganin man ay nagpaka-natural na lamang siya. "How was the merger? Hindi ba naninibago ang mga old customer mo sa set-up?" 

"No." Umiling pa ito. "I think they like the new set-up."  

"Good..." Iginala niya ang tingin sa paligid. 

"Where's your husband?" Pasimple pa niyang usisa.  

"He's on his way. Dumaan pa kasi siya sa Twin Dragons." Tipid pa siyang ngumiti. "Ikaw, kumusta ka na?" Lakas-loob pa niyang tanong dito. Matagal na rin kasi silang hindi man lang nagkakausap nang kaswal. Mas madalas kasi ay napaka-pormal nilang dalawa. 

"How am I doing eversince you got married? Is that what you wanted to ask?" Sarkastiko pa itong ngumiti. "I'm oka.  Kinda get used to it already." 

"I-I'm sorry..." Napayuko pa siya. Ramdam pa rin kasi niya ang hinanakit ng lalaki sa kanya. 

"It's okay. I can see that you're happy with your choice, right?" 

Tumango lang siya bilang sagot. Hindi na niya alam kung ano pang puwedeng sabihin dito. 

"Are you guys still planning to get married at the church?" 

"O-oo..." Bahagya pa siyang tumango. "Siguro kapag medyo lumuwag lang ang trabaho namin." Nag-iwas siya nang tingin at hindi niya maiwasang maawa sa lalaki sa tuwing matititigan ang mga mata nito. Hindi kasi mailakaila lungkot dito.

"Alam mo, I didn't expect that you'll be married so soon. Medyo nabigla talaga ako nung malaman ko." Pago-open up nito. 

"Me too." Alanganin pa siyang napangiti. "When he asked me, I just couldn't say no." 

FOREVER WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon