"Hindi mo kase nakukuha yung point ko Mel, we can't work together." pagalit na sabi ko sa kaibigan ko."Why can't you just accept it? Hindi naman kayo lagi magkikita, sa site lang once a week or twice. It'll be a huge exposure for the company." pamimilit pa niya sa akin.
He's offering a huge project on Quezon, kami yung iniinvite niya na mag-bid para doon kase siya ang structural engineer ng tulay na gagawin. Hindi naman talaga ako ang nakakausap niya, yung mga tauhan namin dito sa company, karamihan kabarkada niya hindi ko alam kung paano pero hindi ako natutuwa.
Hindi naman dahil galit ako at pinepersonal ko ang motibo niya kaya ayaw kong tanggapin yung kontrata, alam kong gusto niya lang din makatulong lalo na sa mga kaibigan niya. Pero alam kong ako ang problema, ako ang hindi magiging ayos pag alam kong nasa paligid ko lang siya.
Yeah i know it's been years, but that doesn't mean that the damage never existed. Hindi naman ako nagalit sa kanya, para ngang hindi ko kayang magalit. Nasaktan lang ako. Mas galit nga ako sa sarili ko kase hinayaan kong maging ganito kasakit. Hinayaan kong maghamal ako ng taong di pa pala tapos magmahal ng iba. And until now masakit pa rin, kakaiba, nakakapagod, paulit-ulit.
"Tanggapin mo na friend, hindi ka naman maaagrabyado dito ah? Pera 'to."
"Sinong nagsabing hindi? Alam mo naman kung nasaan pa rin ako, andito pa rin ako oh sa madilim na lugar kung san niya ko iniwan. Hindi ako makaaalis, gustong gusto ko na pero the trauma haunts me everytime. Kaya huwag mong sasabihin na hindi ako maaagrabyado dahil kahit boses pa lang niya ang naririnig ko mula sa pesteng telepono na 'yan gumuguho na naman yung mga matataas na pader na tinayo ko para sa sarili ko."
Hindi ko namalayan ang pagpatak ng mga luha ko kasabay ng pagbitaw ng mga salitang matagal ko nang gustong aminin sa sarili ko. Agad akong niyakap ng kaibigan ko humingi ng pasensya sa mga nasabi niya.
Hindi porket hindi ako nagrereklamo hindi na ako nasasaktan.
-
Hello mars, so as you can see on the description that the flow of this story will be according to what I experience, of how happy we were that i have this unmeasurable wounds. Enjoy reading! :)
BINABASA MO ANG
A Stroke of Serendipity
RandomThis story is inspired by my own experiences, i just want to share how happy our relationship was that's why you can't measure the depth of wounds i have. Enjoy reading! :)