I cried myself to sleep last night and this morning when I woke up, wala siya sa tabi ko. Pagtingin ko sa phone ko ay alas syete palang ng umaga, siya sana ang gusto ko agad makita pero parang ayaw akong pagbigyan ng tadhana."You're awake?" kita kong gulat siya habang may hawak na food tray at hirap na hirap buksan ang glass door.
"Where have you been?" i slowly asked him.
"Breakfast in bed?" he smiled. "Good morning baby." sabi niya sabay halik sa noo ko.
"Good morning Fin." i smiled back.
Naging maayos naman ang pagkain namin ng agahan, kahit na may maliit na table kami dito sa villa ay pinili niya na dito kami kumain sa kama dahil baka hindi pa daw ayos ang pakiramdam ko. Siya nga 'tong lasing kagabi tapos ako yung iniintindi niya.
"I already asked them for a small boat. Let's do island hopping ha?" malambing pa niyang tono.
"Okay." i simply said.
"Are you okay? Masama pa rin ba pakiramdam mo?" he worriedly asked. Nilagay pa niya ang palad sa noo ko na tinitingnan kung may lagnat ba ko. "Your temperature's fine, do you have a fever? Flu? Tell me Adie."
"I'm okay, hindi kase kita agad nakita kanina eh. Hinahanap ko pa tuloy yung mood ko, kung saan napunta. Hahaha!" i laughed after saying that.
Nakita ko ang unti-unting pagtaas ng mga labi niya na animo'y pinipigilan pa ang mga ngiti pero di siya nagtagumpay.
"Hindi ako prepared don Adie. Bumabanat ka na din ha." sinusundot sundot pa niya ang tagiliran ko.
"Ano ba hahahhahaa stop it. I'm done na, magpalit ka na habang nililigpit ko 'to." utos ko sa kanya.
"Ha? Ako na diyan." pilit pa niya.
"Ako na, ikaw na nga kumuha nito dun eh. Magbihis ka na, go." ngumiti naman siyang kinuha ang pamalit niya at pumasok sa rest room.
Paglabas niya ay naka-board shorts lang siya at top less. Lintek, mas lalong di ako prepared dito!
"Ano ba?! Aren't you gonna wear a shirt first?" sigaw ko habang tinatakpan ko ang mata ko pero may nakikita pa din naman.
"What? Hahahahahaha naiilang ka?" tanong niya at pilit tinatanggal ang kamay ko sa mukha. "Naiilang ka nga, pero bakit? We already slept together last night." nagtataka niyang tanong.
"Your mouth, baka may makarinig sa'yo, isipin nila may nangyari saten." duro ko pa sa kanya.
"Ha? Wala ba?" mas lalo siyang nagtaka.
"Wala, gago ka ba?!" naiinis na ko.
"Kala ko kase ay pagsasamantalahan mo na ang kalasingan ko." presko niyang sabi habang naglalagay ng sun block sa braso niya at nakatalikod saken.
Binato ko siya ng unan at tumama 'yun sa ulo niya.
"Kumakapal naman yata ang mukha mong bwisit ka, hayop!" sigaw ko pa bago pumasok sa rest room.
"Hey, i'm just teasing you. Hahahahahahhaa!" rinig kong sigaw niya at pati na rin ang tawa niya ay dinig ko pa din.
"Fuck you Finlay!" sigaw ko pabalik.
Lumabas na ako ng CR at nakita kong nakatitig siya sa akin. The sadness in his eyes is so obvious that i don't know the words to tell him. Pakiramdam ko wala akong karapatang magtanong sa personal na buhay niya na may kinalaman sa nakaraan niya.
BINABASA MO ANG
A Stroke of Serendipity
De TodoThis story is inspired by my own experiences, i just want to share how happy our relationship was that's why you can't measure the depth of wounds i have. Enjoy reading! :)