It was a pretty tough night with Finlay's family. Simpleng movie night lang ginawa naming, may kaunti din na inuman at kahit papaano ay natitingnan na ni Fin ang ina niya.
"Puyat na puyat ka naman ata? Gabi ka na nakarating ah." Si Miran habang nasa hapag kami at nagbebreakfast.
"I'm not in the damn mood." I retarted.
"Bakit? Naglilihi ka na agad?" nagigitla pa niyang tanong.
"I'm just thinking of going to my ob-gyne." napapaisip kong sabi.
"Ang tagal ko ng sinasabi sa'yo 'yan. Ilang buwan ka ng di dinadatnan." she worriedly stated.
"That's why I'm worried."
Nagtuloy kami sa pagkain ng agahan nang dumating si Ate Ading sa kusina. Nakatingin lang siya saken na animo'y pinapanood lahat ng pwedeng reaksyon na mangyayari sa mukha ko.
"What do you want?" naiinis kong tanong.
"Maputla ka. Masama ba pakiramdam mo?" mag-nanay nga talaga sila.
"Sobrang sakit lang ng puson ko."
"Hindi mo pa rin ba bibisitahin ob-gyne mo? Tagal ka ng sinasabihan ng Ate mo ah."
"I'm going. Later after eating breakfast."
Nagtagal muna ako sa kusina dahil pinag-iisipan ko pa talaga kung pupunta ako sa city para magpa-check up. Ang totoo ay natatakot lang ako dahil ayokong malaman ang sakit ko. Tumagal din ata ako ng isang oras sa kusina, nakatulala, malalim ang iniisip hanggang sa nakalimutan ko ng bisitahin ang cellphone ko.
Engr. Harrison is calling...
"Hello?" he greeted.
"Hey. Good morning." hindi ako nagpapahalata na may nararamdaman ako.
"Punta ako ng city later, lunch meeting with my college friends."
"Ah ganon ba? Sige mag-iingat ka." Inantay ko siyang sumagot pero hindi rin siya naimik sa kabilang linya. "Finlay, you still there?"
"Is something wrong?" he asked.
"Ha? Wala naman, bakit mo natanong?" pagkukunwari ko pa dahil ramdam ko na talaga ang sobrang pananakit ng puson ko.
"You're not okay. Papunta na ako diyan."
He then hanged up the phone that fast. Umakyat muna ako sa taas para mag-ayos ng dadalhin ko at para mag-ayos ng mukha dahil pagtingin ko sa salamin ko, talagang maputla na ang lagay ko.

BINABASA MO ANG
A Stroke of Serendipity
RandomThis story is inspired by my own experiences, i just want to share how happy our relationship was that's why you can't measure the depth of wounds i have. Enjoy reading! :)