6

411 15 2
                                    




Engr. Harrison sent you a message.

Hey there beautiful! Magiging busy ako today, just leave me a message after you read this. Don't skip breakfast again. Ingat <3


Pagkamulat agad ng mata ko ay yan agad ang bumungad saken na talaga namang dahilan kung bakit maganda ang umaga ko. Kahit habang nagtutoothbrush ay nakangiti pa rin ako. Kahit naliligo ay namumula pa rin ang pisngi. Hindi ko alam pero simpleng mga bagay kilig na kilig ako.

Bumaba naman agad ako para magbreakfast sa kusina, naabutan ko dun si ate na nakain din.


"Bakit hindi dumaan si Finlay?" tanong pa niya.


"Matagal naman kami magkasama kagabi, kaya sabi ko kahit wag na siyang dumaan." paliwanag ko habang sumisipsip ng kape.


"Anong oras ka na nga pala nakauwi di ko na namalayan?" tanong ulit niya.


"Pasado alas 12 na ng madaling araw. Mamimiss daw niya agad ako eh ayaw pang umuwe." natatawa ko pang pagyayabang sa kanya.


"Anong plano niyo bukas? Birthday mo diba?"


Ang totoo ay nagpaplano lang ako para sa sarili ko, ang hirap naman ng isasama siya sa mga plano tapos ayaw pala niya diba? Lugi naman ako nun tapos pahiya pa. Ang totoo ay nagpaplano lang akong pumunta sa kaibigan ko para magpa-tattoo, panata every other birthday.


"Wala naman ate, aalis lang ako." sabi ko pa.


"Nabanggit mo nga palang magpapatattoo ka ano? Hindi siya kasama?"


"Hindi ko po siya mayaya, bukod sa may kailangan siyang gawin sa Bataan ang sabi naman po niya ay babawi siya pagkauwi niya." nakangiti ko pang paliwanag.


"Hindi mo talaga siya boyfriend? o kahit manliligaw man lang?" pangungulit pa ni Ate.


"Mahirap ipaliwanag ate eh, pero sa ngayon masaya naman kami at kuntento na ako dun."


Nagpatuloy lang ako sa pagkain, kapag talaga tinatanong na ako kung anong estado namin ni Finlay pakiramdam ko may mali sa samahan namin. Hindi kase maiintindihan ng mga tao kung ano kami, pero ayos lang dahil di naman namin kailangan ng pang-unawa ng iba. Kahit kami lang dalawa ay ayos na.


Maraming customer ngayon, hindi ko alam kung bakit. Hindi ba nauubusan ng pera mga taga dito?! Nakakapagod ah.


"Ano ineng may boyfriend ka na ba?" pangungulit pa saken ni Manong Fred. Isa sa mga malalaking tao dito sa bayan namin at habang buhay na yata naming customer sa dami ng pinapagawa.


"Wala pa po." natatawa ko pang sagot habang nagreresibo.


"Ay paliligawan kita sa binata ko ha?" biro pa saken ng matanda.


"Sige lang po hehe." gago ka sige ka jan ng sige.


Kadalasan kaseng bumibili dito ay mga contractor o yung talagang may ari ng mga pinapagawa. Kada makikita kami ni Miran sa tindahan ay lagi na lang kaming tutuksuhin na papaligawan sa anak nila.


Engr. Harrison is calling...


"Pagod ka?" unang bati niya saken.


"Medyo, daming customer eh. Pero ngayon okay na kausap na kita eh." natatawa ko pang pambobola sa kanya.


"I thought i'm the only bolero here." at natawa naman ako dahil don. "Have you eaten your lunch?" malambing pa niyang tanong.


"Yes, how about you? Kumusta pala trabaho?" tanong ko naman pabalik.


A Stroke of SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon