Pagkagising ko ay nakita ko si Ate na naglilinis sa kwarto, nakita ko din na yung mga bulaklak na natanggap ko kahapon ay nakaayos sa mga vase. Hindi ko akalain na makakatanggap ako ng bulaklak at hindi lang iisa kundi tatlo pa. Ang ganda ganda ko na naman.Tumayo agad ako pagkatapos ay kinuha ko ang aking travelling bag sa cabinet at kumuha na ng mga beach dress at ilang pangligo. Napapatingin naman saken si Ate dahil hindi ko pa pala nasasabi sa kanya.
"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong niya.
"Post birthday celebration?" patanong kong sagot. "With him." pagtatapos ko.
"Si Finlay? Kayo lang dalawa?" mas lalo pang kunot noong tanong niya.
"Bakit? Makiki-third wheel ka ba?!" pabalang kong tanong.
"Buang jud ning bayhana uy." pagbibisaya pa niya saken. "Nganong dalwa lang mong mulakaw?" ramdam kong nagtataka siya.
Ang sabi niya siraulo daw akong babae at bakit daw kaming dalawa lang ang aalis.
"Kung natatakot kang may gawin saken si Finlay, hindi ba't mas matakot dapat siya? Dahil baka ako ang may magawa sa kanya. Hahahahahhaha!" pagbibiro ko pa at dahil dun natawa din siya.
"Nagpaalam ka ba kay Auntie?" patungkol niya sa mommy ko.
"She doesn't needs to know. I'll be back tomorrow." sabi ko pa habang nag-aayos ng toiletries ko.
"Pero baka malaman tapos pagalitan ka?"
"She'll never know unless you tell her, kaya please Ate? Ngayon lang naman eh." nagpapacute pa ko sa kanya.
"Promise mong babalik ka bukas ha?" tumango naman ako sa kanya.
Habang nag-aayos pa rin ako ng gamit ay pumasok naman si Miran sa kwarto ko habang pupungay pungay pa ang mga mata.
"Oh? Makikipagtanan ka?" tanong niya habang nakaturo pa sa bag ko.
"Gago ka ba? Umaga? I-reset mo nga utak mo, buffering na naman eh." at dahil dun ay binato niya ko ng unan.
"Sungit mo naman, balita ko magdadagat daw kayo ah. Saan?" mas excited pa siya kesa saken.
"Hindi ko alam eh. Hindi niya nabanggit, siguro dito lang din sa Batangas."
"Sama ako." ngiting ngiti pa niyang sabi saken.
"Tss ano namang gagawin mo don? Siraulo." inis ko namang sabi.
"Taga-tutok duh?!" confident niyang sagot at dahil don nanlaki ang mata ko. Unbelievable.
WHAT THE HELL???!!!? >.<
"Ang bastos mo kadiri ka! Ang dumi dumi ng utak mo." tila nandidiri ko pang sabi dahil naintindihan ko ang ibig niyang sabihin.
"Mas madumi ang utak mo, naintinidihan mo agad eh. Tse!" mabilis siyang tumakbo papalabas dahil talagang ibabaot ko na sa kanya ang vase na nakalagay sa side table ko.
Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay naligo agad ako para matuyo ang buhok ko bago umalis. Ang totoo ay nalilito pa ko sa dapat kong isuot. May fashion sense naman ako at confident sa sarili pero 'pag naiisip kong makakasama ko siya pakiramdam ko magkakamali ako anumang oras.
After taking a bath, nagpambahay muna ako since nagtext naman si Finlay na alas 12 niya ako susunduin dahil alas 2 ay magchecheck in na kami sa resort. Sa Laiya pala, not bad. Maganda din don although ilang beses ko ng napuntahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/274015343-288-k655288.jpg)
BINABASA MO ANG
A Stroke of Serendipity
RandomThis story is inspired by my own experiences, i just want to share how happy our relationship was that's why you can't measure the depth of wounds i have. Enjoy reading! :)