3

533 18 2
                                    




Lunes na naman pagbaba ko sa tindahan nagpaalam muna ako kina Ate para pumunta sa talyer kase tumawag na pwede ng kunin. Nagpahatid na lang ako kay Kuya Celo para ipag-motor ako papunta dun.


"Salamat Kuya Celo, balik ka na dun." umalis naman agad siya pagkasabi ko dahil medyo marami ngang tao ngayon.


Naglakad agad ako papasok dun sa may lobby para kunin yung receipt at magbayad.


"Leslie?" may nakasalubong akong lalaki palabas.


"Uhh hello? Do i know you?" nag-aalinlangan ko pang tanong.


"Sabi na eh di mo ko makikilala hahahaha classmate mo ko nung elementary lumipat lang kami dito after mag-grade 3. Harold, remember?" paliwanag pa niya.


"Harold De Guzman? Yung lagi kong ka-share sa baon niyang pasta nung grade 3?" nanglalaki ko pang matang tanong sa kanya.


"Kala ko di mo na ko matatandaan eh, kumusta?"


"Okay lang naman, ikaw ba? Ang tangkad mo na, dati mas maliit ka pa saken eh." natatawa pa ko habang sinusukat yung height niya.


"Ikaw nga di na lumaki eh tumaba lang hahaha." pota????????? "Biro lang, cute ka pa din. Nag-breakfast ka na ba?"


"Sa bahay pa lang sana pag-uwi ko. Pauwi na rin kase ako." iniikot-ikot ko pa yung susi sa daliri ko.


"You know how to drive?" tanong niya habang nakatingin sa susi sa kamay ko.


"Konti lang. Di pa rin ako sanay and sa sasakyan lang din ako ng kuya ko natuto hehe."


"Cool, do you want to have breakfast? May pizza house kami sa may barangay namin. It's my treat." paanyaya niya saken, pero pizza kase 'yun.


"Next time na lang siguro, baka kase kailanganin din ako sa tindahan eh."


"Nilagay na rin sa menu yung favorite kong pasta before, baka gusto mo ulit tikman?" mas nakaka-engganyo pa niyang yaya.


"Saglit lang naman tayo diba?" napangiti siya sa tanong ko at tumango naman siya.


"Sundan mo na lang ako, let's go."


Sumakay na ko sa sasakyan at nakita kong ang daan na tinatahak niya ay papuntang Lipaya. Barangay nina Finlay 'to ah? Bumaba siya sa isang pizza house, kakaunti pa ang tao. Maganda ang lugar, pati na rin yung design ng interior. In short instagrammable yung pwesto.


"Sa inyo 'to? Maganda." tanong ko pa sa kanya habang sinusundan siya.


"Maupo ka muna diyan, timpla lang ako ng coffee."


Umupo naman ako dun sa may labas, overlooking at kitang kita ang lawa ng taal pati na rin ang bulkan. Nakakarelax dito, parang pag nandito ka wala kang problema. Presko at nakakagaan ng pakiramdam.


"Do you like the place?" tanong niya saken while serving my hot coffee.


"Yeah, gaano na 'to katagal? Wala na kaming naging balita sa'yo simula nung nagtransfer ka sa iba. Nawala ka na lang bigla." nalulungkot ko pang turan sa kanya.


"Kailangan naming lumipat dito eh, nung namatay kase si lolo kay daddy niya iniwan yung mga fish pond niya dito. Ikaw? May boyfriend ka na ba?" nabigla ako sa tanong niya.


Hindi ko kase alam kung anong dapat kong isagot. Feeling ko ata jowa talaga ako ni Finlay, punyeta!


"Complicated ba?" sunod pa nyang tanong.


A Stroke of SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon