Kakagising ko lang around 10AM when my mom approached me for a serious talk. Hindi ko alam kung anong meron, pero pag ganito medyo kinakabahan talaga ko kase pakiramdam ko meron na naman akong ginawang mali. Black sheep things."Ikaw muna yung magbabantay ng business natin sa kabilang bayan, summer ngayon maraming customers kulang ang tauhan." iyon agad ang panimula niya saken, di man lang muna ako pinag-almusal.
"Wala naman akong alam sa mga materyales ma, bakit ako? Why not kuya?"
"May ibang trabaho kuya mo diba? Gamitin mo na rin yung mga natutunan mo sa course mo, sayang naman para mahasa ka na." sige may point naman siya.
"When will I start? May sweldo din ako ah, walang anak anak dito." pabiro kong banat sa nanay ko pero dapat lang. Hmp.
"Bukas, pupunta ka na dun." pagkasabi ay nilayasan na ako para asikasuhin ang mommy duties niya.
Bukas agad? Ang excited ah. Hahahahaha! After I ate bumalik uli ako sa kwarto ko para ayusin na yung mga gamit na dadalhin ko. Andoon naman na yung dalawa kong pinsan from mother side, di na rin ako maninibago.
I'm going on my third year studying civil engineering next academic year and since vacation pa naman pinili ko na rin na libangin sarili ko para di ako ma-bored sa bahay lang.
The next day, i drove to the next town where my sister's business located. It's a construction supply, isa lang 'yon sa mga branch na meron kami. Medyo malaki kaya hindi sapat ang tatlong tao sa tindahan. Actually it's not really OUR business, sa ate ko lang at sa asawa niya since mag-asawa na sila binigay na samen ang magiging kita ng branch na 'yon.
Inakyat ko na agad sa taas ang mga gamit ko, since it's my first day nakatingin lang ako sa ginagawa ng iba. Kilala ko naman na ang ibang tauhan dito since 'pag may handaan o di kaya ay fiesta lagi kami nilang iniinvite. Yung pinakamatagal na tindera, si Ate Odette tapos yung dalawa kong pinsan na si Ate Ading at yung anak niya na si Miran. Sa mga boys naman kilala ko yung tatlong driver pati na rin yung ibang pahinante.
Isang linggo ang lumipas natuto na rin ako kung paano i-resibo yung mga binibili ng tao. Pamilyar na rin ako sa presyo at kung anong itsura ng bawat items.
"Pwede palagyan ng presyo nito?"
Inabot saken ng isang lalaki ang kapirasong papel na nakalista lahat ng materyales na bibilhin niya. Di ko maiwasang mapangiti, maganda ang tikas ng katawan, alam mong gwapo kahit naka-facemask, matangkad at maganda ang boses. May nakasabayan siya na kakilala niya sa pagbili at naririnig ko ang pag-uusap nila.
"Saan ka nagtatrabaho ngayon pare?" rinig kong tanong nung kakilala niya.
"Sa manila ako, MDCI. Hirap kase sa government ngayon eh, mababa pa ang grading." sagot ng costumer ko.
Alam ko kung saan ang MDCI, private company 'yon na sobrang sikat sa Pilipinas. Well sa pagkakaalam ko. Kung hindi siya architect, feeling ko engineer. Dun palang sa thought na kung anong profession niya ay kinikilig na ako dahil parehas kami ng field of interest.
"Sir saan po ang deliver nito?" tanong ko kay kuyang pogi.
"Brgy. Lipaya dun sa may kanto papasok ng resort, ipagtanong niyo na lang dun maliit lang naman 'yun."
"Pangalan niyo po sir?" wag niyo akong ijudge, kase kailangan talaga ng pangalan sa delivery nagkataon lang din na kailangan ko. hahahaha!
"Finlay Lewis Harrison" taraaaay lalong pumogi sa pangalan.
BINABASA MO ANG
A Stroke of Serendipity
RandomThis story is inspired by my own experiences, i just want to share how happy our relationship was that's why you can't measure the depth of wounds i have. Enjoy reading! :)