It's Sunday todaaaay and that means rest day, kailangan kong pumunta sa dentist ngayon. I still have my braces on and it's my due for adjustment. Kasama ko si Ate Ading at Miran ngayon, ewan ko gusto lang ata nila maki-roadtrip."Tara na, 10AM ang schedule ko eh baka matraffic tayo." yaya ko dun sa dalawa.
"Susi mo, ano maglalakad tayo peste ka?" pabatong hagis ni Miran saken ng susi ng sasakyan ko.
May pagkagago talaga.
Pagbaba namin nakita ko na flat ang gulong ko sa una, tanginaaaaaa paano lumambot 'to? Naisip kong napagtripan ng mga bata kaya napasingaw. Hudas naman oh!
"Flat ate, magbabyahe tayo? Sobrang tagal mapuno ng mga jeep dito diba?" tanong ko pa sa pinsan ko.
"Oo eh, dalhin na lang kaya natin sa talyer? Baka naman mabilis lang 'yan. Kaya pa naman diba? Diyan lang naman sa may kabilang kanto eh." tumango na lang ako bilang pag-oo.
Maganda ang talyer dito, kumpleto na may carwash, may auto supply may mga food stalls din. Hindi naman talaga ako nalabas dito, kung kailangan lang magpunta ng bayan ganon.
Nakita ko si Finlay palabas dun sa may carwash area, nagbabayad sa may counter nagpalinis siguro. Tinalikuran ko na agad siya dahil pakiramdam ko ay di naman niya ko makikita tsaka ayoko ng magpakita 'no pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko.
"Uyy si Finlay oh? Tawagin ko ha? Finlay!" ang tanga talaga ni Miran ampota.
"Nagpaalam ka pa? Tanginang 'to yawa." nanggagalaiti kong sabi sa kanya.
Nagtatakbo palapit samen si Finlay, bakit ganoooooon ang hot pa rin kahit tumatakbo? Dati ba siyang endorser ng gatorade? Huhu. Lord kung di mo 'to ibibigay sakin, di ako papayag!!!
"Bakit kayo nandito? May problema ba?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Parang tanga pa yung mag-ina sa tabi ko dahil wala silang ibang ginawa kundi hawiin ang buhok ko tapos isisipit ulit sa tenga ko.
"Malambot gulong ko eh, ipapagawa ko lang saglit may pupuntahan kase kami eh." mahinhin ko pang paliwanag.
"Nagmamadali ba kayo? Hatid ko na kayo?" napakagwapo pa niyang paanyaya sa amin.
"Hindi na, di naman kami nagmamadali haha. Mabilis lang siguro 'yun magagawa." napapakamot ko pa sa ulo na sagot.
"Diba sabi mo nagmamadali tayo kanina? Kaya mo nga kami inaapura diba? Sabi mo pa papatayin mo ko pag di ka umabot sa appointment mo." pagsabat ng pinsan ko sa usapan namin.
"Wala akong sinabing ganyan. Haha diba ate wala?" pangungumbinsi ko pa kay Ate Ading para kampihan ako. Kase wala naman talaga akong sinabi!
Naririnig ko na ang mahihinang tawa mula kay Finlay kaya sinamaan ko siya ng tingin. Agad naman siyang umayos ng tayo at nanahimik.
"Excuse me po Ma'am medyo matatagalan pa po yung sa inyo medyo madami po kaseng tao ngayon eh. Kailangan pong unahin yung nauna. Pasensya na po." yumuko pa saken yung lalaki para humingi ng pasensya.
"Okay lang po, tawagan niyo na lang po ako kung pwede ng kunin mamaya ha? Nagmamadali lang po talaga kami." nginitian naman ako ng lalaki bago siya umalis.
Paglingon ko dun sa tatlo nakangiti sila na abot hanggang tenga. Hindi ko alam kung pinagtatawanan ba nila ko o talagang may iniisip sila na pare-pareho.

BINABASA MO ANG
A Stroke of Serendipity
AléatoireThis story is inspired by my own experiences, i just want to share how happy our relationship was that's why you can't measure the depth of wounds i have. Enjoy reading! :)