Birthday ni Ate Odette ngayon kaya andito ako sa bayan para bumili ng cake, may konting salo-salo sa kanila mamaya at pupunta kami ng mga pinsan ko. Ibig sabihin lang din 'non mapapalaban ako sa inuman, tagal na kase nila akong niyayaya pero lagi kong dinadahilan na marami akong ginagawa kaya ngayon feeling ko di na ko makakatanggi."Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday happy birthday to you. Happy Birthday Ate Odette!" kanta pa naming lahat habang walang customer.
"Leslie ha mamaya sa bahay kayo, barek." sabi pa saken ni Kuya Eric.
"Hahahaha sige po."
After ng konting celebration sa trabaho, balik dating gawi ulit dahil may paisa-isang customer na dumadating. Ako ay sa kaha lang ulit dahil kakaunti naman ang bumibili.
"Oh hello?"
Bungad kong pambati kay Finlay. Magkachat naman kase kami ewan ko ba gusto lagi magkatawagan. Ayaw pang aminin na miss ako eh.
"Oo kumain na ko salamat sa concern ha?" siraulo talaga at dahil don napatawa ako. "Kumain ka na? Madami bang customers?"
"Pwede mo namang itanong 'yan sa chat eh hahaha bakit may pagtawag pa? Miss mo ko?" biro ko sa kanya.
"Oo miss na kita, kain tayo mamaya?" nanlaki mata ko dahil sa diretsahan niyang pag-amin na miss nga niya ko.
"Pero baka nga may makakita sa atin dito?" ulit ko sa lagi kong sagot sa kanya.
"Bakit ka ba natatakot? Wala naman silang masasabi saten dahil parehas tayong single." ramdam ko ang inis niya sa kabilang linya, dahil ganito lagi ang dinadahilan ko sa kanya tuwing magyayaya siya.
Hindi pa rin ako umiimik kase nga natatakot ako sa tsismis, gusto ko lagi low key lang lahat para kaunti lang ang nakakaalam. Ang alam ko ganun din ang gusto niya base sa mga napag-usapan namin siguro ay ayaw niya lang talaga magpa-apekto.
"Fine, sa tagaytay tayo. Wala naman na sigurong nakakakilala sa atin na makakakita dun 'no?" dagdag pa niya.
"Nagagalit ka ba saken?" paawa ko pang tanong.
"Adie no. It's just that why are you always scared of what people will think about you? Walang ibang nakakakilala sa'yo kundi ikaw at ako lang. Kapag lagi kang nagpapaapekto sa paligid mo hindi ka magiging totoong masaya." mahaba pa niyang paliwanag.
"Eh bakit ka banat?"
"Tingnan mo tapos dadalihan mo ako ng mga pa-ganyan mo. Hay nako, oo sinabi nating low key pero di ko sinabing magtago. Do you get me?"
"Fine oo sige na. Magsesermon ka pa eh, pero pwede bukas na lang?"
"Why? May lakad ka?" nagtataka niyang tanong.
"Oo birthday kase ni Ate Odette diba nabanggit ko sayo kanina? Pupunta kami sa kanila. Okay lang naman diba?" pagpapaalam ko pa sa kanya.
"Oo naman, iinom ka ba?"
"Siguro konti. Ikaw? Wala kang ibang lakad mamaya?"
"Meron pero gabi pa naman, inuman lang din. Nagyakag kase tropa ko, matagal na yun nagyayakag pagbibigyan ko lang ngayon."
"Inom na naman?" napanguso ako dahil sa tanong ko. Okay medyo feelingera ako dun.
"Hindi ako mag-iinom masyado, susunduin kita." nabigla ako dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
A Stroke of Serendipity
RandomThis story is inspired by my own experiences, i just want to share how happy our relationship was that's why you can't measure the depth of wounds i have. Enjoy reading! :)