11

265 4 6
                                    




Lumipas ang mga araw na kahit isa sa aming dalawa ni Finlay ang hindi nagpakababa para makausap ang isa't isa. Sa totoo lang ay humahanga ako ngayon sa sarili ko dahil nagagawa kong sabayan ang hindi niya pagkausap saken. Natuto na siguro ako.


"Himala nagagawa mong tiisin?" pang-aasar saken ni Miran sa pangatlong araw na hindi ko masyadong paghawak sa phone ko.


"Anong akala mo saken? Habol na habol?" inis na sabi ko sa kanya.


"Tss, siguraduhin mo." at umalis na siya sa harapan ko.


Muli kong ibinagsak ang sarili ko sa malambot na kama dahil Linggo na naman at wala akong magawa. Wala akong makausap, sawa na din ako kakalaro at kakascroll sa news feed ko. Kapag naman naiisip kong kumain sa labas ay wala din naman akong kasama.


"Oh akala ko bumaba ka na?" nagtatakang tanong saken ni Ate Ading nang makita niya ako sa kwarto.


"Saan naman ako pupunta?" i asked.


"May nag-aantay sa'yo sa baba. Kaya nga tumaas dito si Miran diba?"


Agad akong tumayo at binato ng walis tambo si Miran sa kabilang kwarto.


"Aray ko gago ka! Bakit ba?" naiinis na tanong niya saken.


"Siraulo ka, may nag-aantay pala saken sa baba. Bakit di mo sinabi?!" inis na tanong ko.


"Ahhh, that. I forgot." she calmly said while grinning widely at me.


Peste! >.<


Dali-dali akong bumaba, nag-eexpect na siya yung makikita kong nag-aantay sa labas ng gate. Dahil alam ko namang isang kita ko lang ulit sa kanya okay na naman ako.


When I opened the gate, nakita ko doon ang isang puting tesla na hindi ko alam kung sino ang may ari. Just when I'm thinking who could that be, Charles came out from the car.


"Charles? What are you doing here?" tunog iritado kong tanong. Of course i'm disappointed.


"Are you on your period? Why so grumpy?" naiinis na niya agad na tanong.


"Ano nga kaseng ginagawa mo dito?" tanong ko ulit.


"Ano bang ibig sabihin pag dumadalaw ang isang lalake sa tinitirhan ng babae?" palaisipan niyang sagot.


"Ano nga ba? Tigilan mo ko Charles please, ang aga eh." nauubos na pasensyang sabi ko.


"I'm here to court you duh."


O.o


Agad na nanglaki ang mata ko dahil sa sinabi ng kumag na 'to sa harap ko. Gago talaga kahit kelan.


"Grabe ang funny mo, pwede ka sa showtime." suplada kong sabi.


"Hahahahahaha as if naman din liligawan kita." he said while looking at me like i'm sort of germs he encounters in an emergency room, ganern!


"Ano nga kaseng kailangan mo? Ang aga mo manligaw." pang-iinis ko sa kanya.


"You look okay naman, so let's go."


Hinila niya ako papasok sa sasakyan niya. Kikiligin na sana ako dahil pinagbuksan niya ako ng pinto pero yun pala pilit niya kong ipapasok don. Napakahayop talaga nito.


"Wait what the heck? Saan mo ako dadalhin?!" sigaw ko sa loob ng sasakyan niya.


"Can i just have a minute of silence please Leslie? Kung pwede?" he sounds almost pleading kaya naman totoong nanahimik ako.


A Stroke of SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon