It's already 6 in the morning when I woke up in my bed.In my---- WHAT?!
"Ha? Paano ako napunta dito?" tanong ko sa sarili ko.
Nakita ko ang isang post it note sa may side table ko at nakitang sulat 'yon ni Finlay.
You're fast asleep just halfway the movie, umalis na din agad ako. Hindi pwedeng may makakita saken. Eat breakfast. - Fin.
Abot hanggang tenga ang ngiti ko dahil sa tamis ng pagmamahal ni Finlay na natikman ko agad ngayong umaga. Kung ganito ba naman ang bungad lagi, sino ba namang hindi magiging blooming diba?
"Kilig na kilig ka 'no? Isang Salvador, isang Harrison. Who's gonna win?" panunuya ni Miran habang nakaupo sa sala.
"Walang mananalo, kase wala namang competition." my defense.
"Para sa'yo wala, pero sa kanila? Parang meron. Hahahahhaha" isa pa niya ulit na sabi.
"Alam mo ang issue mo, manahimik ka na ha." banta ko sa kabya pero tinawanan niya lang ako.
Pumasok na ako sa CR para maligo. When the water from the shower touches my face muli kong naalala ang mainit naming palitan ng halik kaninang madaling araw ni Finlay.
"Shit! Shit! Shit!" sigaw ko mula sa CR dahil ngayon ko lang nararamdaman ang hiya.
"Hoy natatanga ka na ba? Anong nangyayari sayo?!" nabibiglang sigaw ni Miran mula sa labas pero hindi ko na lang pinansin.
Matagal akong natulala dahil kapusukan ng isip ko.
"Ano ba Adie umayos kaaa! Hindi ka pwedeng sobrang mainlove. Masasaktan ka." pagkausap ko sa sarili ko.
Nang maramdaman ko namang nasa katinuan na ulit ako ay tinuloy ko na ang bath rituals ko at mabilis na tinapos dahil unes na naman at maraming customer sa baba.
Mabilis akong nagbihis at dumretso na agad sa tindahan dahil nga sa dami ng tao.
"Ano po sa inyo?" tanong ko sa lalakeng bumibili.
"Hay na ko, naka-mask lang ako. Di mo na agad ako nakilala." ika ng matandang lalake sa harap ko na agad naman tinanggal ang sumbrelo at mask niya.
"Oh Don Romantiko, welcome back. Anong bibilhin?" biro ko sa suking matanda.
"Kung anong lagi kong binibili, PPR pipe dalawa tsaka PPR elbow."
Agad ko namang sinigaw sa mga tauhan sa likod ang order ng matanda, nakalipas ang mga oras at hindi pa rin ako nakakaupo dahil sa dami ng tao. Gusto ko sana magpahinga pero nahihiya naman ako sa iba dahil pagod na rin sila.
"Kain ka muna." sabi saken ni Ate Odette.
"Mamaya na lang pag kakaunti na ang tao."
"Hindi ka pa nag-uumagahan, humigop ka kahit gatas man lang. Wala kang lakas nyan pag nagpunta dito ang nobyo mo." biro pa sa akin ni Ate Odette.
"Nobyo ka diyan, wala 'no. Hahahahaha." pagtanggi ko.
"Kung sabagay, kung ako din nasa posisyon mo malilito ako kung si Finlay ba o si Charles ang isasagot ko." tatawa-tawang sgaot naman niya.
"Sus alam naman namin kung sino ang mas lamang, pero sana wala kang masaktan." sabat naman ni Miran.
Patuloy na dumadating ang mga tao kaya naman di an kami makapagkwentuhan, kumain lang kami saglit tapos balik na ulit sa trabaho. Kahit phone ko ay di ko pa nabuuksan dahil sa sobrang busy.

BINABASA MO ANG
A Stroke of Serendipity
AcakThis story is inspired by my own experiences, i just want to share how happy our relationship was that's why you can't measure the depth of wounds i have. Enjoy reading! :)