Alas 5 palang ng umaga ay nagising na ako dahil sa tunog ng phone ko. Sunod-sunod na text mula sa kanya ang nareceive ko.From: Engr. Harrison, 4:48AM.
Are you awake na ba? Daan ako. May work ulit ako.
From: Engr. Harrison, 4:55AM.
Sabi mo saken gising ka na ng 5AM lagi diba? Dadaan pa ko gising ka na diyan.
From: Engr. Harrison, 5:10AM.
I see, napuyat ka siguro kakaisip saken. Hehe sleep tight baby.
From: Engr. Harrison, 5:20AM.
Sure na? Tulog pa talaga? Sige na nga hays. I'll call you later when i get there. Ingat ako.
"Kanina pang tunog ng tunog 'yang phone mo, bakit di mo replyan?" si Ate Ading.
Nakita ko siya na tumabi umupo din sa sofa tulad ko habang nakatitig sa tasa niyang may laman na umuusok pa mula sa bagong timplang gatas.
"Masyado pang maaga para sa radiation." pagbibiro ko.
"May ginawa na naman ba siyang ikinabigat ng loob mo?" tanong niya ulit.
"Wala, we're fine. Masyado palang talaga maaga."
"Kaya pala bukas ang pinto ng balkonahe? Masyado pang maaga para silipin kung nakadaan na ba siya ha. Nakakasira ng mata, bawal ang radiation." pang-aasar niya sakin at nagpunta sa balkonahe para maupo doon.
"Ate, pakiramdam ko nagpapahinga lang siya saken mula sa magulo niyang mundo." agad na nangilid ang luha ko dahil sa mga salitang sinambit ko.
"Ano pang nararamdaman mo?"
"Sobrang kasiyahan ate, sa mga araw na magkasama kami hindi niya pinaramdam saken na wala lang ako sa kanya. He has his own ways, hindi niya ko tinatanong kung anong mga gusto ko dahil nalalaman niya sa sarili niyang paraan. He's thoughtful naturally, lumalabas ng kusa hindi pilit. He's a good man with pure intentions." nakangiti ko pang pagpapaliwanag.
"Kung ganoon anong bagay ang nakapagpaisip sa'yo na ikaw lang ang pahingahan niya sa magulo niyang mundo?" tanong niya.
Natigilan naman ako dahil don, nararamdaman ko lang ang pakiramdam na 'yun tuwing mapag-uusapan namin ang pangyayari sa buhay niya na kasama si Ingrid. Pero pag kami lang dalawa, para kaming may sariling mundo, wala kaming pakealam sa nangyayari sa labas dahil sa mundo namin masaya kami.
"Kaya ganoon ang pakiramdam mo ay dahil nalalaman mo ng unti-unti ang mga bagay na hindi maganda sa buhay niya, pero kung tutuusin masyado ka niyang gusto kaya hinayaan niyang buksan ang mga sugat niya para maintindihan mo siya. Para hindi mo kuwestiyonin ang magiging desisyon niya kasama ka. Hinayaan niyang malaman mo lahat ng panget na parte ng buhay niya dahil pinagkakatiwalaan ka niya at Leslie sa tingin ko'y wala ng mas puro pa sa tiwala miski ang pagmamahal ay hindi matutumbasan ang taas ng antas ng bagay na iyon." mahaba niyang sabi na siyang nakapagpaisip saken. "Sana ay nakatulong ako."
Lumabas na siya mula sa balkonahe at bumaba na dahil magluluto pa raw siya ng agahan.
Tinitigan ko ng mabuti ang unti-unting pag-angat ng araw. Ang simbolo na may bagong pag-asa para sa iba na magiging simbolo ko na rin dahil simula ngayon tatanggapin ko lahat ng panget sa kanya. Bagong simula para saken, para sa aming dalawa.

BINABASA MO ANG
A Stroke of Serendipity
RandomThis story is inspired by my own experiences, i just want to share how happy our relationship was that's why you can't measure the depth of wounds i have. Enjoy reading! :)