Lumipas ang mga araw at walang nagbago sa samahan namin ni Finlay, mas lalo ko siyang nakilala. Hindi man kami madalas magkita ay lagi naman kaming magkausap sa chat or di kaya phone call. Busy kase siya dahil sa dami ng trabaho sa opisina kaya naman kapag di siya tumatawag ay ganun din ako, nahihiya kase akong makaabala sa kanya.Habang naggagawa ako ng plates sa taas dahil hindi ako nagpunta ng tindahan ay hinahatiran na lang ako ni Ate ng pagkain pero laking pagtataka ko nung tanghalian ay wala siyang dala.
"May bisita ka sa baba." pagkasabi niya nun ay umalis agad.
Dali dali akong bumaba kase ang iniisip ko ay siya ang bisita ko pero laking gulat ko ng si Joy at Lloyd ang nakita ko, mga kaibigan ko mula elementary. Hindi naman ako nadismaya dahil matagal ko na rin silang di nakikita, hindi naman kase ako madalas umuwi samen.
"Bakit kayo nandito? Hahaha." natatawa ko pang tanong sa kanila.
Nagtaka ako kung bakit sinalubong agad ako nila ng yakap. Tss miss na miss.
"Hindi mo muna ba kami papaakyatin?" naiinis na tanong ng baklang Lloyd.
Ang style kase ng tinitirhan namin ay isang malaking lote, nasa baba ang tindahan at mga stock na paninda kagaya ng kahoy, bakal at semento, nasa baba rin ang kusina, sa second floor naman ay isang buong bahay na may tatlong kwarto tapos may balkonahe na kita ang taal.
"Magbibihis lang ako, kain tayo sa may bayan." nakita ko namang tinanguan nila ako.
Hindi ko maintindihan ang mga tingin nila at lalong hindi ko alam kung bakit andito sila ng walang pasabi. Anong binabalak nila?
Pagkaupong pagkaupo ko ay agad na umimik si Joy.
"Kinausap kami ni Kel." pormal pa nyang sabi.
"Kelcey? Bakit daw?" pawalang interes kong tanong.
"Humihingi ng tulong para makipagbalikan sa'yo." si Lloyd.
Nanlaki ang mata ko dahil dun. Pati ba naman mga kaibigan ko ayaw mo palampasin?! Shuta ka talaga.
"Alam naming imposible na dahil hindi ka naman bumabalik sa ex diba? Chinika lang namin sa'yo. Hahahahaha iba rin talaga tama nun sayo. Ang ganda ganda mo na namang bakla ka!" nang-aasar pa si Lloyd. Bwiset!
Dumating agad yung mga order namin. Malakas ang tugtog dito kaya naman kahit habang nakain ay napapaindak si Joy. Tss dancer hahaha.
"Pero bakit ang saya mo?" biglang sabi ni Joy sa kabila ng indakang ginagawa namin.
"Bawal ba ko maging masaya?! Bobo 'to." pamimilosopo ko sa kanya.
"Wala ka namang boyfriend. Manliligaw siguro madami, pero iba ang saya mo ngayon. May nakakausap ka ba ng di namin nalalaman?" mapanuri pa niya akong tiningnan.
"Marami. Sino ba gusto mong makilala? Hahahahahha." malandi ko pang tanong.
"Mayabang kang hayop ka." napipikon pero natawa pa rin siya.
Hindi muna ako pwedeng magkwento sa tropa, baka mausog tapos di kami magkatuluyan. Mahirap na, medyo marami na kong isinugal.
"Pwede ata mag-inom dito. Order ka ng soju bilis." utos pa saken ni Joy.
"Ako na nga magbabayad ako pa pupunta don?! Pakyu ka alam mo yun." naiinis kong sabi sa kanya.
Padabog siyang tumayo at hinigit si Lloyd. Mga baliw, bote lang naman ang kukunin kailangan dalawa pa. Maswerte ako sa mga kaibigan ko, lalo na sa kanilang dalawa. Pag alam nilang hindi ko gusto ang nangyayari sa paligid ko lagi silang andyan.

BINABASA MO ANG
A Stroke of Serendipity
De TodoThis story is inspired by my own experiences, i just want to share how happy our relationship was that's why you can't measure the depth of wounds i have. Enjoy reading! :)