Chapter 11

26 3 2
                                    

Allison pov.

Namumugtong mata, walang ayos na suklay, at hindi nag abalang magsoot ng maayos na uniform ang bumungad sa mga studyante sa loob ng school. Naglalakad ako ng wala sa sarili sa tingin ko nga para akong lumulutang sa hangin. Alam kung pinagtatawanan na ako ng mga studyante. May naririnig na naman akong bulong bulongan pero ni isa wala akong maintindihan. Ewan koba kung bakit naisipan ko pang pumasok ehh. Wala akong ganang pumasok masakit pa yung mga mata ko. Dapat nasa bahay lang ako nagmomok mok iiyak hanggang sa makatulog at pag kagising iiyak na naman. Pilit kong iwinawaksi sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Its been a long years ng muli ko silang makita sa camera. Sila ang unang comontact sakin. Nagulat pa ako kasi akala ko hindi na nila ako maalala. Akala ko nakalimutan na nilang may anak sila dito hindi ko maintindihan kong bakit nila to ginagawa sakin hindi ko alam wala akong maintindihan.

Kasalukuyan akong nakadapa sa kama at nagbabasa ng isang storya sa wattpad. Ito ang madalas kung ginagawang panglibang sa sarili sa twing na bo bored ako o walang maisipang ibang gawin. Pero minsan may mga time na nahahalintulad din yung buhay ko sa mga character sa wattpad. Binubully sa school walang gustong makipagkaibigan dahil sa hitsura walang kwentang buhay! ipinilig ko ang ulo ng may kung anu anung mga pumasok sa isip ko at ngumisi ng mapakla. Ang boring ng buhay ko!

Napabaling ako sa laptop ng may biglang tumawag ng vcall. Umayos ako ng upo at humarap sa laptop. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Naghahalong  tuwa at pighati ang agad na naramdaman ko. Hindi paman napipindot ang answer button ay agad na nag unahan ng tumulo ang aking mga luha. Nanginginig ang mga kamay ko at medyo namamawis nadin. Dahan dahan kong inangat ang kamay at pinindot ang answer button. Huminga ako ng malalim pinikit ng mariin ang mata saka humarap sa kanila. 

mom! dad! yun lang ang lumabas sa bibig ko ng magkaharap kame sa screen. Tagaktak na yung mga luha ko at kahit anung pigil ko ay diko mapigilan. Namiss ko sila sobra! gusto ko silang yakapin ng mahigpit ang dami kung tanong! ang dami kung gustong sabihin at isumbat pero walang ibang lumalabas sa bibig ko kundi ang tawagin sila.

Hey honey! i miss you! dont cry! everything's gonna be fine soon!  agad na sabi ni mommy na tinanguan naman ni daddy. At nakita kopang tinapik ni daddy ang balikat ni mommy.

Fine? really? sa wakas ay may lumabas din na salita sa bibig ko akala ko hanggang sa pagtawag nalang ako sa kanila. How can you say that everything's gonna be fine if you left me here without knowing the reason?'
Iniwan niyo ko mag isa! ni hindi niyo magawang mangumusta manlang sakin kung okay lang ba ako? kung buhay paba ako? kung patay naba ako!!  sh*tt!! hindi kona mapigilan ang mapahikbi ng malakas. Ang sakit sa dibdib parang pinipiga ang puso ko. ayuko nito masakit nakakakapos ng hininga.

sorry honey! sabay na sabi ng magulang ko na nagpatindi ng galit ko.

sorry lang?sorry lang?  mawawala ba ng isang sorry niyo ang sakit na dinudulot niyo sakin ngayon hah!
sabihin niyo! kahit malabo na ang screen dahil sa sanhi ng tuloy tuloy na pag agos ng mga luha sa mata ay kitang kita ko sa mga mukha ng magulang ko na ang dami nilang gustong sabihin sakin. Naroon  din ang awa sa kanilang mga mata pero bakit nila to ginagawa sakin? bakit nila ako natitiis? 

Napadaing ako ng kunti ng marahas akong napaupo sa semento. Sumakit ang pang upo ko at medyo kumirot din ang siko ko. Ng tingnan ko ito ay may konting galos ito at nagsimula ng magdugo. Sinamaan ko ng tingin ang babaeng may sanhi ng pagkatumba ko. Nakangisi siya sakin at nagflip pa ng buhok na tumingin sa mga kasama niya. Ipinagsalikop niya ang kanyang mga braso saka humarap sakin. Habang akoy nakaupo at nakatingala sa kanya. Mas diniliman ko pa ang tingin sa kanya dahil naiirita ako sa pagmumukha niya kala niya naman ikinaganda niya yun tss.

i wonder kung paano nakakapasok basta basta ang mga taong grasa dito? ehh ang pagkakaalam ko my security naman tayo?..! nakataas ang isa niyang kilay habang sinusuri ako ng tingin.

Ehh baka naman nilandi niya si mamang guard hahaha!.. sabat naman ng nasa likod niya. Maganda siya maputi medyo singkit ang mata nakalugay ang tuwid at mahaba niyang buhok kaso maitim ang kaluluwa.

Duhh! siya papatolan nun? ehh kahit pa maghubad yan sa harap ni mamang guard di yan papatulan! tingnan niyo nga hitsura niyan! kulang nalang uling para magmukhang taong grasa! hahaha!!

Ibinaba ko ang mata ko sa soot ko. Oo hindi maayos ang uniform ko. Ang pagkakabuhol ng Necktie hindi tama. Ang buhok ko kahit hindi ako tumingin sa salamin alam kung mukha akong ewan. Ang back pack ko ay sa kaliwang balikat lang nakasukbit. Para akong timang na ewan. Kung nag aayos nga ako nabubully parin nila ngayon pa kaya?  Dahan dahan akong tumayo at pinagpagan ang palda ko. Isinukbit ulit ang bag sa kaliwang balikat at tumingin sa babaeng kanina pa pinapakulo ang dugo ko. Ngumisi ako sa kanya na ikina angat lalo ng kilay niya. Humakbang ako para umalis na pero lumingon pa ako sa kanya ng nakaka isang hakbang palang ako.

'Happy ka na niyan?..,
binaling ko ang tingin sa ibang studyante na hanggang ngayon panay ang bulungan sa paligid. Saglit silang humihinto sa twing tumatapat ang mata ko sa kanila.
'Kayo? masaya na ba kayo?..
hindi sila sumagot pati ang babaeng kanina pa matalim ang tingin sakin. Ngumisi ulit ako sa kanya yung mukhang nanghahamon. Mas lalong dumilim ang mukha niya. Mabilis akong tumalikod at umalis na sa harap nila.

****

Nasa rooftop ako ngayon printe lang akong nakaupo sa sahig at nakapatong ang mukha ko sa aking mga tuhod. Dito ko naisipang pumunta pagkatapos ng ganap kanina pagkarating ko dito sa school. Hindi na ako pumasok pa at pasalamat nalang talaga ako na hindi ako nakikita ni Drake. Speaking of him nasaan na kaya yun? Himala at hindi siya naligaw dito. Kumirot na naman ang sugat ko sa braso pero hindi kona pinansin. Kumakalam na naman ang tiyan ko dahil kagabe pa ako walang ganang kumain. Mag aalasdose na pero wala pa akong ganang bumaba para mananghalian. Walang gana pakiramdam ko lahat ng parte ng katawan ko ang bigat. Bakit ba ako nagkakaganito? may naging kasalanan ba ako noong past life ko kaya ako pinaparusahan ng ganito? Sobrang hirap na magkunwaring matapang ka kung sa kaloob looban mo nanghihina kana. Ang hirap magkunwaring masaya kong ang totoo nama'y sobrang durog kana.
Hindi kona alam! Kunti nalang bibigay na ako. Kunti nalang mabubuwag na ang pader na pinanghaharang ko. Masisira na at madudurog na kung magtuloy tuloy pa.

Naramdaman kung may tumulong mainit na likido sa magkabila kung pisngi pero hindi ko yun alintana. Malaya silang umaagos at pakiramdam ko basang basa na ang mukha ko. Pumikit ako ng makaramdam ng pagkahilo pagdilat ko agad ding pinikit ang mata dahil pakiramdam ko uniikot lahat ng nasa paligid ko. Hinawakan ko ang ulo ko dahil nag umpisa itong kumirot ng kunti. Unti unting bumibigat ang mga talukap ko linalabanan ko naman but suddenly it went all black.




:21marupok

yeeppeyy!! may nagbabasa paba?

please vote and comment naman 😊

Destined To The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon