Allison pov.
Hi im Allison Kate Ferrer. 17 years old. Im the girl who never exist. You wanna know why? Because im not beautiful than other 'basic.
******
How can you defined love? For me, love is very powerful. Love can make us happy but it also make us cry.
Paano ba natin masasabing nagmamahal na tayo? Kapag nasaktan kana ng sobra? Kapag nagparaya ka? O kapag naging marter ka?
Kung ako ang tatanongin niyo? Hindi korin alam. Bakit? Dahil wala naman akong boyfriend. Wala lang talaga akong magawa kaya naiisip ko ang mga bagay nato."Miss Ferrer! Are you listening?
Napabalik ako sa huwisyo ng marinig ko ang sigaw ng guro namin. As if i care wala naman akong pakialam sa grades ko. Parents ko nga walang paki alam ako pa kaya."If your not going to listen in my class then go---
Hindi kona siya pinatapus magsalita at agad akong tumayo at mabilis na lumabas. Nakita kopang napasapo sa noo ang guro namin. Pero hell i care diri diritso lang akong naglakad patungo kung saan. Tss one week palang ako dito sa university na to pero pakiramdam ko hindi ako nag eexist sa paaralang ito. Well sanay na naman ako. Ganito din naman ako nung high school ako.
Sino ba naman ang papansin sa isang tulad kong hindi sikat. Plus pa hindi ako maganda at mayaman tulad ng iba dito. Hindi konga alam kung paano ako nakapasok sa paaralang ito ehh. Ang alam ko lang naman ay mag bolakbol sa klase. Bakit ko to ginagawa? Tsk ewan! Wala talaga akong gana mag aral.
Inikot ko ang paningin ko ng mapagtanto kong saan ako dinala ng mga paa ko. Nasa rooftop lang naman ako ngayon. Hay! Minsan talaga napapaisip nalang ako. May komokontrol kaya sa katawan ko? Paano ako nakapunta dito ehh hindi konga maalala kong saan ako dumaan. Dumungaw ako sa baba kung saan ko makikita ang ibat ibang studyante na naglalabas masok sa kung saan saang parte ng skwelahan. Siguro break time na kaya marami rami naring studyante ang nasa labas. Napansin ko ang isang grupo ng kalalakihan sa gilid ng field na kung lapitan ng mga kababaehan kulang nalang eh maghubad ang mga to. Tss napailing nalang ako sa nakikita ko. Kaya ang daming nagaganap na rape eh. Dahil sa mga malalanding tulad nila. Sila mismo ang nagpapakita ng kawalan sa respeto sa kanilang sarili.
Napairap ako ng tumingala ang isang lalaki sa gawi ko. Hindi ko nalang siya pinansin at agad na bumalik pababa para pumunta sa canteen. Nagugutom na ako kaya kailangan ko nang kumain. Ang boring ng buhay ko diba? Ganyan talaga pag hindi tayo maganda. Alam niyo naman siguro yun diba? Hindi tayo lalapitan kong hindi tayo mayaman. Walang makikipagkaibigan satin pag wala tayong pera. Masakit man pero yan ang totoo.
Pagdating ko sa canteen ay napansin kong tinitingnan ako ng karamihan. Pero hindi ko nalang ito pinansin. Alam kong first time kong pumunta sa canteen dito kaya ngayon lang nila ako nakita. Palagi kase akong nagdadala ng baon kaya hindi ako kumakain dito. Tinamad lang talaga akong bumangon ng maaga para maghanda ng baon ko kaya hito ako magtiyatiyagang pumila dito.
Two minutes! Sa wakas ay ako na ang susunod na ng bigla nalang may babaeng sumingit sa unahan. Liningon niya ako at nginisian ng nakakainis. Gusto niya ba akong subukan? Hindi ko nalang siya pinansin at hinintay nalang na matapos siya. Ng matapus siya ay agad kong sinabi ang order ko witch is one rice, minudo at isang soft drink. Ng iabot na sakin ang tray ay agad akong nagpalinga linga para maghanap ng bakanting upuan yung walang kasalong kumain. Dahil ayuko sa maingay. Palapit sa mesang uupoan ko sana ay may bigla nalang bumangga sakin at tumilapon lahat ng nasa tray na dala ko. Ang masaklap pa ay sa akin bumagsak ang ulam na minudo kaya sobrang dumi ng damit ko. Pati yata buhok ay nagkaroon kasi pakiramdam ko ang lagkit ng ulo ko. Ng iangat ko ang ulo ko ay nakita kona naman ang babaeng sumingit sa pila kanina. Dahil sa inis ay naikuyom ko nalang ang kamao ko. Ngumisi na naman siya ng nakakainis at nag cross arm la sa harap ko."Hay! Yan kasi hindi tumitingin sa daan.. but dont worry bagay naman sayo ehh' sabay tawa ng nakakaloko.
"By the way i gotta go be careful next time" at hinawi pa niya ang buhok niya sabay talikod sakin.Tumingin ako sa paligid at ganun nalang ang inis ko ng makitang nakatingin na pala sakin ang ibang mga studyante sa loob at nagbubulong bulongan ang iba ay tinatawanan ako. Pero napadako ang tingin ko sa lalaking seryoso lang akong tinitingnan. Siya yung nakita ko kanina sa rooftop. Hindi kona sila pinansin at mabilis na tumayo at naglakad palabas ng canteen.
Nagpunta ako sa locker ko at agad na binuksan pero ganun nalang ang pagkadismaya ko ng maalalang hindi nga pala ako nagdadala ng extra clothes dito sa locker. Tsk no choice uuwi nalang ako. Pagkasira ko sa locker ko ay muntik akong mapatalon ng may mukhang bumungad sa gilid ng locker ko. Nakasandal ito patagilid at nakacross arm pa.
Napahawak pako sa dibdib ko dahil sa matinding pagkagulat. Napatingin ako sa kamay niya ng iangat niya ito. May hawak siyang isang kulay black na t-shirt."Wear this.
:21marupok
This is my second story po sana suportahan niyo.
Ang una ko pong sinulat na story ay ang "I Love You More Than He Love You" paki support din po ng story kong to.
BINABASA MO ANG
Destined To The Playboy
General FictionPakibasa nalang po! Sana magostohan niyo.... 21marupok