Allison pov.
Panibagong araw at panibagong yugto na naman ng napaka boring kung buhay. Nakadapa parin ako sa kama at tinakpan ng unan ang batok ko. Araw ngayon ng Lunes at tamad na tamad akong bumangon. Dagdag pa na ayaw kong makita muna si Drake.
Tug! Tug! Tug! Tug!
mas isinubsub ko pa ang mukha ko sa kama ng maalala ko na naman kong gaano kahigpit ang yakap niya sa ospetal nung isang araw. Lalong hindi niya ako pinatulog sa ginawa niya. Hanggang sa kinaumagahan nagpumilit akong umuwi na dahil okay na naman ako. Pinayagan na naman ako ng doctor. Nagpresenta siyang ihahatid ako pero hindi ako pumayag. Masyado ng nakakahiya. Hindi na naman siya namilit pa. Pina una niya muna akong sumakay sa jeep bago siya pumasok sa kotse niya.
tskk! stop it alli ! wag mong bigyan ng kahulugan! kaw lang din ang masasaktan......
Marahan akong bumangon at nagpunta sa banyo. Mabilisan lang ang ginawa kong pagligo. Pati pagbihis mabilisan lang din kaunting suklay at tali ng buhok okay na. Hindi naman kasi ako sanay mag lagay ng kung anu anu sa mukha ko.
Nasa hallway na ako ngayon at tahimik na naglalakad. Medyo maaga pa kaya marami pang nagkakalat na mga studyante. Hindi na ako magtataka kung sa akin na naman napunta ang atensiyon nila. tss!
nag tuloy tuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa mapunta ako sa classroom. Nandun nadin ang karamihan na assusual sa akin na naman ang bagsak ng mga mata nila. hayys!'are you okay now?
hindi na ako nakalingon dahil alam ko na naman kung sino ang may ari ng boses na yun.
'i-im okay i guise!
nahugot ko ang aking hininga dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan kong bakit ganyan nalang ang impact niya sakin.
'tsk i guise your not!
napa igtad ako ng hawakan niya ako sa magkabilang braso at inikot niya ako paharap sa kanya. Narinig ko ang samot saring bulungan at pagsinghap ng mga kaklase namin.'your sweating and look pale'! are you sure your okay?
'ahh! uhhmm yeah! oo naman okay na okay na ako! anu ka ba! wala akong sakit..
pinasigla ko ang boses ko dahil sobrang nakakamatay na ang lakas ng kaba sa dibdib ko.
pinlit kung iangat ang kamay ko at pinunasan ang noo kung kanina pa pala namamawis.'okay then... you can set now!
nakatungo akong kumuha ng upuan. nawawalan ako ng lakas at pati kamay ko sobrang nagpapawis.
nag umpisa ang klase ng wala akung maintindihan kahit isa. Masyado akung nababahala sa mga nararamdaman ko. Hindi kopa to naranasan kahit kailan sa kanya lang.
"Heyy!! wait! Drake!
papaliko na ako sa hallway ng marinig ko ang pangalan niya. magtutuloy tuloy na sana ako ng makita ko siyang huminto sa paglakakad at humarap sa babaeng tumawag sa kanya. Hindi ko alam kung bakit automatic akong napatago sa pader kung saan nakaharap si Drake at nakatalikod naman ang babae.
"you think you can run on me?
'who said im running.? mapupunta ba ako dito sa harap mo kung tumatakbo ako sayo?.. what do you want?
BINABASA MO ANG
Destined To The Playboy
General FictionPakibasa nalang po! Sana magostohan niyo.... 21marupok