Chapter 4

55 5 1
                                    

Suzy Bea(As Allison)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Suzy Bea
(As Allison)

Song Wei Long (As Drake)*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Song Wei Long
(As Drake)
*

*****


Allison pov.

Dalawang araw na simula ng encounter namin ng lalaking yun. Simula nun, hindi kona siya nakita ulit. Mabuti narin yun.!

As usual naglalakad na naman ako dito sa hallway dahil 10 minutes nalang malalate na ako. Mangilan ngilan nalang din ang studyante na pakalat kalat sa hallway. Malamang umpisa na ng klase ng iba. Patakbo na akong umakyat ng hagdan dahil nasa 3rd floor ang roon ko eh nasa second floor palang ako. Nang biglang may nakasalubong akong dalawang tao. Napatakip pa ako ng mata dahil grabe naman kasi kahit naglalakad naghahalikan. Gosh!! Gumulong sana sila pababa!
Ang PDA nila.
Napapitlag pa ako ng may humawak sa kamay kong nakatakip sa mata at tinanggal ito. Kaya kahit ayaw kong dumilat ay tiningnan ko kong sino ang gumawa nito. Bumungad sakin ang seryosong mukha ng taong ayaw kong makita.
Napalunok ako ng magtama ang mata namin. Sobrang seryoso ng mukha niya. Ngayon lang ako natakot sa hitsura niya. Nag iwas ako ng tingin at nabaling ang tingin ko sa babaeng katabi niya. Maganda sana kaso puno ng kolorite ang mukha. Mukha ding mataray. Inirapan niya ako at tinaasan ng kilay.

"Your 20 minutes late"
Malamig na boses ang nagpabalik ng tingin ko sa unahan. Nakita ko siyang nakatingin na ngayon sa wrist watch niya. At medyo nakakunot ang noo.

"Drake lets go na!

Maarting sabi ng babae sa tabi niya at kinawit pa ang braso niya sa braso ni drake daw... pero hindi lang siya pinansin nito at seryoso paring nakatingin sakin.

"Second warning"
Madiin niyang sabi at saka linagpasan ako. Tiningnan pa ako ng babae mula ulo hanggang paa tsaka nag flip ng buhok habang nakataas ang kilay. Tsk akala mo naman ikinaganda na niya yun. Ng makalagpas na sila ng tuluyan, ay nagmamadali na naman akong umakyat patungong classroom. Hingal na hingal ako ng makarating sa tapat ng pinto ng room. Malamang nakasara na ito at nag uumpisa na ang klase. Huminga ako ng sunod sunod tsaka kumatok. Nabaling ang atinsyon ng lahat na studyante sa loob ng bumukas ang pinto. May ibang nag bubulong bulongan may ibang pasimpling ngumingiti. Tss i hate atensyon. Hindi kona hinintay na magsalita ang guro sa unahan. Dali dali na akong nagtungo sa upoan ko.

"Do i know your name miss?
'Im your new teacher. I can see that you dont know how to respect miss"
Madiin niyang sabi.
Sinuri ko pa siya ng maigi kong nagsasabi ba siya ng totoo. Seriously? Siya teacher?  Ehh magkasing edad lang yata kame ehh.

"Answer me miss!
Sumigaw na siya dahilan para magsitahimik ang mga kaklase ko.

"Tsk Allison Kate Ferrer'
Walang gana kong sabi.

"Next time if you're gonna be late in my class, try to say sorry!! And please respect me miss Ferrer..
Pagkatapos niyang sabihin yun ay nagpatuloy na siya sa pagdiscus.

Papunta ako ngayon sa library dahil ayukong magpunta ng canteen. May nakasalubong akong apat na babae. Lalagpasan kona sana sila ng bigla nalang may humila sa braso ko.

"Siya ba?
Sabi ng nasa gitna na humablot sa braso ko. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung kahalikan ni Drake daw kanina.

"Yeah! Siya nga!
Sang ayon ng isang kasama niya na mukha ding clown.

"Anu bang problima niyo!!
"Aray! Bitawan mo nga ako!
Singhal ko dahil medyo masakit na ang pagkakahawak sa braso ko.

"Ikaw pala ang nanggaling sa opisina ni Drake nung isang araw" sabi niya habang hawak parin ang braso ko.
"Tell me! Nilandi moba siya? Kaya ka pinalabas ng maaga?
Napatingin ako sa paligid namin ng mag umpisa na ng dumami ang studyante. Nag umpisa na namang mag chismisan ang ibang studyante.

"Wag mo akong itulad sayo!
"Kung may malandi man dito ikaw yun! Hindi ako!

"How dare you!!
Napapikit ako sa lakas ng sampal niya. Ramdam ko ang pamamanhid ng kaliwa kong pisngi.

"Ang sabihin mo! Nilandi mo si drake! Dahil wala pang sinomang studyante dito ang sumusuway sa rules niya.!!
Nanginginig niyang sigaw.
Kaya maraming napasinghap at ang iba narinig kong sumang ayon sa sinabi ng babaeng ito.

"Sabihin na nating nilandi ko nga siya! Bakit? May ebedensya kaba? Nakita mo kameng naghalikan? Katulad ng ginagawa niyo kanina sa hagdan?..
Nakita kong napasinghap ang mga kasama niya.
Hinablot ko rin ang braso ko para lagpasan sila. At nagmamadali akong tumakbo palayo sa nagkukumpolang studyante. Narinig ko pa ang ibang sinabi ng ibang studyante.

'Confirm! Malandi din siya!

'Hindi naman siya ang tipo ng babaeng magugustohan ni Drake!

'Guys you know drake naman diba? Ultimate playboy mula high school until college..

'Yeah we know! Such a pity girl! Isa na namang toy ni drake!!

Hindi ko nalang pinakinggan ang ibang sinabi nila at tuloy tuloy lang ang pagtakbo ko patungong rooftop. Nag hanap ako ng mauupoan saka inubub ko ang mukha ko sa pagitan ng mga tuhod. Bakit paba kasi ako nag aaral, eh wala namang may paki sakin. Mula elementary hanggang high school ehh wala ng paki parents ko sakin. Kaya ayuko nalang talaga mag aral. Galit ako sa kanila.. bakit nila ako iniwan mag isa dito! Gusto kong maramdaman ang saya pag kompleto ang pamilya.
Pero nasaan sila! Iniwan nila ako! Pinabayaan nila ako dito! Hinayaan kong maglandas ang mga luha ko sa pisngi. Ni hindi kona ito inaksayang punasan. Gusto kong sumigaw! Gusto kong isigaw lahat ng hinanakit ko sa pamilya ko. Sh*t! Ang sakit!

Napaayos ako ng upo ng makarinig ng tunog ng mga paa sa di kalayuan. Mabilis ko ding pinunasan ang pisngi kong basa pa ng luha.
Nakita ko siyang nakatayo ilang mitro ang layo sakin. Nakapamulsa ito habang nakasandal sa edge ng rooftop. Seryosong nakatitig lang sakin. Medyo nailang ako sa titig niya kaya mabilis akong tumayo at nagmamadaling naglakad paalis ng rooftop.
Nakaka ilang hakbang palang ako ng may humablot na naman sa braso ko. Napapikit ako ng marahas niya akong isinandal sa pader. Napangiwi pa ako ng maramdaman ang sakit ng braso at likod ko. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang lapit ng katawan namin. Sinundan ko kung anung tintingnan niya. Nakatingin siya sa isa kung braso kung saan hinawakan ng babae kanina. Medyo ibinaba kopa ang manggas ng damit ko para takpan ang pangingitim. Dahil siguro sa higpit ng pagkakahawak kanina ng babae kaya nagkapasa. Tiningnan niya naman ako at hinawi ang kabila kong pisngi. Hindi ko alam kung anung iniisip niya. Nakita kong biglang nagtagis ang panga niya.
Saka tiningnan ako ng sobrang lamig. Ano bang problima niya?

"Dont let anyone touch you again like this or else"--
Seryoso at madiin niyang sabi. Saka iniwan akong tulala sa hagdan. Sinundan kolang ng tingin ang likod niya hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Galit ba siya? Anung dahilan?

:21marupok

Vote and comment guys!!

Destined To The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon