EPISODE 5: IKAW

3.4K 51 5
                                    

RATED 18+
Violence, Sex, Nudity, Language, Substance, Sexual Violence, Suicide

...

EPISODE 5
IKAW


Isang panibagong araw na naman para sa akin na sana ay hindi na nangyari. Bumangon ako at inaayos ang sarili, matapos nun ay dumiresto agad ako sa kwarto ni Stella.

"Ate, ni-drawing kita." bungad sa akin ni Stella ng makita ako.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa study table na ngayon ay nagkukulay. Tiningnan ko iyon, hindi man kagandahan ang drawing ni Stella ay nasisiguro kong ako iyon dahil sa drawing niya ay nakasuot ako ng hoodie at kinulayan niya rin iyon ng dilaw.

"Maganda ba ate?" tanong niya pa at tumango.

Ipinakita niya pa sa akin ang ibang drawing at laking gulat ko ng makita iyon. Ang isang drawing niya ay naglalaman ng ako, si Stella, si mama at si papa na magkakahawak ng kamay at sa likod namin ay ang simpleng bahay namin.

Sandali akong napatingin sa mukha ni Stella. Tulad ko ay alam kong nagaasam din siya ng isang kumpleto at masayang pamilya. Nakakalungkot isipin na napaka imposible na nun na mangyari.

"Nagaalmusal ka na?" tanong ko sa kanya at umiling siya. "Bakit?" paguusisa ko pa pero muli siyang umiling. "Dadalhan kita ng pagkain." sabi ko na lang.

Pagbaba ko ay nabungaran ko na naman ang mga bubog at nagkalat na mga gamit sa sahig. Tulad ng nakasanayan ay tila pasok sa kanang tainga at labas sa kaliwang tainga ang sigawan ng magulang ko.

Lumabas ako at bumili ng ready to eat meal sa convinient store na lagi kong binibilhan. Sandali akong naupo tulad ng ginagawa ko kapag bumibili dito. Binuksan ko ang coca cola na binili ko rin at pinanood ang mga dumadaan sa labas habang hinhintay ang pagkain na binili ko.

Bigla ko na namang naalala ang tanong sa akin ng magulang ko. Kung kanino ba ako sasama? Kahit sinong nasa sitwasyon ko ay hindi pipiliing mamimili dahil sino ba naman ang may gusto na hindi kayo buo bilang pamilya.

Sandali akong natigilan nang may umupo sa bakanteng upuan sa harap ko. Isang lalaki na sa tingin ko ay ilang taon lang ang tanda sa akin at . Gwapo siya sa madaling salita.

Agad kununot ang noo ko ng hawakan niya ang kamay ko. Hindi ako nakaramdam ng takot o kaba kaya hindi ko ito binawi. Tiningnan ko siya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng may idikit siya sa ibabaw ng kamay ko na isang sticker na smiley face.

Sa hindi inaasahan ay napangiti ako doon. Sino ba ang isang estrangherong lalaki na ito? Simple lang ang ginawa niya pero naggawa niya akong pangitiin.

"Ikaw!" bigkas ko sabay turo pa sa kanya ng may maalala ako.

Ang tinutukoy ko ay ang taong nagbigay sa akin ng panyo at naglagay rin ng sticker na smiley face sa table noong huling punta ko rito sa convinient store.

"Ako?" naguguluhan niyang tanong.

"Ikaw ang nagbigay sa akin ng panyo noon at naglagay ng sticker na smiley face." sabi ko at ngumiti siya.

"Ako nga." nahihiya niyang sabi sabay kamot sa batok.

Ngayon lang na may sumubok na lumapit sa akin na ibang tao. Kahit noon kasi ay walang sumubok na makipagkaibigan o lumapit man lang sa akin dahil weird daw ako. Wala naman sa aking mali o deperensya pero ganun ata talaga eh.

Nagkatitigan lang kami ng ilang segundo pero pinutol ko iyon sa pagtayo sa kinauupuan ko. Kinuha ko ang binili at hindi sa kanya nagpaalam, hindi na rin ako nagabala na lingunin siya dahil isang estranghero lang naman siya.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan kong nagaaway pa rin ang magulang ko. Pagpasok ko sa kwarto ay narinig kong kumakanta si Stela ng maliit na gagamba.

"Bakit iyon?" nagaalala kong tanong. Isa lang naman kasi ang ibig sabihin sa amin nun kapag kumakanta ng maliliit na gagamba, ibig sabihin nun ay nasasaktan kami.

"Nagaaway ate sina mama at papa." naiiyak niyang sabi at pinagpatuloy niya ang pagkanta. Niyakap ko siya at sinabayang kumanta. "Ate lab kita." bulong niya sa akin habang nakayakap pa rin kami sa isa't-isa.

"Lab din kita Stella."

"Lab din kaya ako nina mama at papa?" tanong niya pa.

"Lab na lab ka nila." sagot ko.

Pagkatapos magalmusal ay sinamahan ko si Stella sa banyo para paliguan siya. Hindi ko maiwasan na mapangiti ng makita ang kanyang maliliit na ngipin habang nagto-toothbrush.

"Natigal yung tooth ko dito." sabi ni Stella sabay turo sa parteng wala ng ngipin.

Natawa ako sa kanya dahil ang cute niyang magsalita kahit mali. Napailing na lang ako ng ngumiti at nagpacute siya sa harap ko. Natural ang pagiging cute ni Stella kaya ngayon ay cuteness overload na ang nangyayayri.

Lumipas ang oras ay nanatili lang kami sa loob ng bahay ni Stella. Naglaro, kwentuhan at tawanan. Nabanggit rin ng kapatid ko na pangarap niyang maging Attorney na ikinabigla ko. Hindi ko kasi alam kung saan niya iyon nakuha. Limang taon pa lang siya pero hindi mo akalain na ganun na agad ang iniisip niya.

Sumapit ang gabi ay tinawag ako nina mama at papa para kausapin muli. Pinatulog ko muna si Stella bago tuluyang bumaba.

Naabutan kong nagtatalo ang magulang sa dining table. Natigil lang sila ng makita ako. Naupo ako sa tapat nila at hinintay ang sasabihin.

"Kung hindi ka pipili ay sa papa niyo kayo mananatili. Aalis na ako at tuluyan na kaming maghihiwalay ng papa niyo." pinanatili kong blangko ang ekspresyon ng mukha ko dahil pagod na akong umiyak. "Bahala na kayo sa buhay niyo." dugtong pa ni mama at umalis na.

Nanatili lang akong nakaupo habang si papa ay umalis na rin at pumunta sa kwarto nila. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita ko si mama na buhat buhat ang isang maleta na naglalaman ng mga gamit niya at dirediretsong lumabas ng bahay.

Napailing na lamang ako ng hindi man lang siya lumingon o nagpaalam sa akin na ngayon siya aalis. At isa pa ay paano ko ipapaliwanag sa kapatid ko na nilayasan na kami ni mama.

Pumunta akong kwarto at sinuot ang yellow na hoodie. Lumabas ako ng bahay at naglakad lakad hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa tulay.

Humanpas sa akin ang malamig na hangin at nilipad nito ang buhok ko patalikod. Ibinaba koa ng cellphone sa hawakan ng tulay at matapos nun tumuntong ako sa mismong hawakan nitong tulay at tumingin sa tubig.

Itinaas ko ang mga kamay kapantay ng aking balikat at doon nagsimulang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Huminga ako ng malalim, bumilang ng tatlo at tsaka tumalon.

Pagod na ako.








M I S T E R C A P T A I N

Salamat sa pagbasa! Anong masasabi niyo?

Professor

TWENTY FOUR HOURS (YOUTH SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon