EPISODE 9: SUNRISE

1.8K 40 4
                                    

RATED 18+
Violence, Sex, Nudity, Language, Substance, Sexual Violence, Suicide

...

EPISODE 9
SUNRISE


Matapos pagbuksan ako ng pintuan ni Aiden ay agad niyang pinagsiklop ang kamay namin. Nandito na kasi kami sa tinutukoy niyang beach kung saan kami manonood ng sunrise.

"Let's go." aniya at tunango ako.

Patakbo kaming pumuntang buhanginan at matapos nun ay tumigil rin nang malapit na kami sa tubig. Ilang sandali pa ay bumitaw na kami sa isa't isa.

May nakuhang maliit na kahoy si Aiden at ginamit iyong panulat sa buhangin. Isinukat niya doon ang pangalan niya sumunod ay ang hugis puso at sunod ang pangalan ko na yellow.

Tumingin siya sa akin at naiilang akong ngumiti dahil nabigla ako sa sinulat niya sa buhanginan. Sumunod ay hinayaan ko lang si Aiden sa ginagawa niya habang ako naman ay nanood sa bawat paghampas ng tibig.

Ipang sandlai pa ay nakaramdam ako ng labis na panlalamig. Ang suot kong hoodie ay hindi sapat para sa lamig kaya niyakap ko ang sarili. Sandali akong napatigil sa panonod sa hampas ng tubig ng dagat nang maramdamang nawala ang presensya ni Aiden.

Napatalikod ako at hinanap siya pero wala. Nakahiga naman ako ng maluwag nang makita siyang lumabas ng sasakyan at patakbong lumapit sa akin.

"Nakita kong nilalamig ka, kaya kumuha ako ng kumot." aniya at tumango ako. Tiningnna ko ang hawak niya at isa iyong maliit na kumot.

Ipinatong niya ang kumot  sa may balikat ko at hinawakan ko naman iyon. Naupo siya sa buhanginan at tumabi na rin ako kanya.

Muli kong ibinalik ang tingin sa dagat at pinanood ito. Pero napalingon ako sa katabi kong si Aiden nang may maramdaman akong kaunting galaw at nakita kong nakayakap siya sa sarili niya at nilalamig rin.

"Sorry, Aiden." sabi ko at nahihiyang ibinuka ang kumot at isinampay iyon sa balikat niya.

"Ayos lang." aniya.

Hindi kalakihan ng kumot pero pinagkasya na lamang namin dahil parehas kaming nilalamig. Magkadikit ang aming balikat at ramdam ko ang tibok ng puso naming dalawa.

Napatingin ako sa kanyang kamay at walang pasubali na kinuha iyon at pinagsiklop ang aming kamay. Tumingin sa siya akin na tila tinatanong ako.

"Akala ko kambyo." palusot ko at tumawa kami pareho.

Naalala ko tuloy nang hindi niya sinasadyang mahawakan ang kamay ko at iyon ang naging sagot niya 'Akala ko kambyo'.

Ilang sandali pa ay unti-unti nang lumiliwanag ang paligid. Isinandal ko ang ulo sa balikat ni Aiden at hindi naman siya nagreklamo dun.

Sa pagsikat ng araw ay magkahawak ang kamay namin. Mabilis ang tibok ko pero may isa akong napagtanto. May pag-asa pa...

...pipilitin kong bumangon at lumaban sa buhay.

...

Matapos manood ng sunrise ay muling kaming bumiyahe at huminto sa isang kainan. May mga kasabay kami na mga estudyante at mga driver ng tricycle na mga magaalmusal rin gaya namin.

Habang naghihitay ng order ay nagkwentuhan kami ni Aiden. Nabanggit ko sa kanya ang mga tungkol at gusto ng kapatid ko na si Stella at mataman naman siyang nakikinig Kung minsan ay may itinatanong siya at sinasagot ko naman iyon.

Nang dumating ang order namin ay tsaka kami natigil sa kwentuhan. Aalis na sana ang babaeng nagdala ng pagkain namin nang bigla siyang kinausap ni Aiden.

"Pwede niyo po bang picturan kami?" napatingin ako kay Aiden at ngumiti lang siya.

Tumango ang babae at inilahad naman ni Aiden ang cellphone. Inilipat niya ang upuan patabi sa akin at sa pagbilang ng tatlo ng babae ay inakbayan ako ni Aiden.

Habang tumatagal ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko na nangangahulugang mas lalo akong nahihulog sa kanya. Wala sa isip ko ng pigilan ang nararamdaman pero kung sakali man na mapagtanto ko, na iyon nga ang nararamdaman ko ay mas kikilalanin ko siya.

...

Alas otso ng umaga ay hindi masyadong mainit at nagaya si Aiden na magpalipad ng saranggola. Bumalik kami ulit sa beach na kung saan kami nanood kanina ng sunrise.

"Hindi ako marunong magpalipad ng saranggola." nahihiya kong sabi sabay nguso.

"Madali lang ito." aniya at pinahawakan sa akin ang saranggola. Matapos nun ay pinalayo niya ako habang siya naman ay hawak hawak ang tali.

"Ihagis mo pataas." sabi niya at ginawa ko naman.

Pagkahagis ko ng saranggola pataas ay tumakbo si Aiden at doon nagsimulang tumaas ang lipad ng saranggola. Patakbo akong lumapit sa kanya at pinanood siya kung paano iyon kontrolin.

Nang pirmi na ang lipad ng saranggola ay tinanong ako ni Aiden kung gusto ko daw hawakan ang tali at tumango ako.

Ibinigay niya sa akin ang tali at noong una ay kinakabahan ako dahil baka bigla itong bumagsak nang dahil sa akin pero hindi naman ito nangyari.

Bigla naman akong namangha nang makita ang nakasulat sa saranggola. Yellow, ang nakasulat roon. Sulat kamay iyon at alam kong si Aiden ang may gawa. Kaya pala kanina ay matagal siyang bumalik dahil may ginawa pang ganito.

"Smile!" rinig kong sabi ni Aiden at napatingin ako sa kanya na kasalukuyang hawak ang cellphone at nakatutok iyon sa akin.

Nakarinig ako ng ilang click pero hindi ako ngumiti dahil nahihiya ako sa kanya. Tsaka baka ang pangit ko. Wala pa naman kaming ligo.

"Smile, Yellow." sabi niya pa pero hindi ko ginawa.

"Ngingiti na yan. Yieeehh! Ngingiti na yan." tukso niya pa kung kaya napangiti ako nang wala sa oras at alam ko na sa pagpindot niya ay saktong nakunan ang ngiting ginawa ko kanina.

Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. Inabot niya sa akin ang cellphone para mas makita ko ang picture na nakunan niya.

Sa bawat paglipat ko sa mga larawan ay hindi ko maiwasan na ngumiti. Ngayon ko lang kasi nalaman na hindi naman pala masamang ngumiti. Mas maganda pala kung tutuusin kung nakikita kang nakangiti.

At ang nakita kong ngiti sa akin ay hindi isang peke.

Sandali akong natigilan ng maramdaman na may nakatitig sa akin. Lumingin ako sa kaliwa at doon ko nahuling nakatitig sa akin si Aiden.

"B-bakit? May dumi ba ako sa mukha?" nauutal ko pang tanong sa kanya pero ilang segundo pa ang itinagal ng titig niya sa akin hanggang sa nagsalita na siya.

Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko sa sunod niya sinabi sa akin...

   

    

MISTERCAPTAIN
Professor

Salamat po sa pagbasa. Pasensya kung mabagal ang ud pero susubukan ko pong tapusin ito ngayong August o di kaya hanggang September.

TWENTY FOUR HOURS (YOUTH SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon