Stalker

109 2 0
                                    

"hoy jane nandiyan kana ba?? Tanong ko.

"oo kanina pa, nasaan kana ba kasi pwede pakibilisan? kanina pa ako naghihintay sayo dito eh, ang bagal-bagal!" reklamo niya.

"sorry naman po! Masyadong traffic kaya, my God manong!! Pakibilisan naman po kanina pa naghihintay tong kasama ko" reklamo ko sa tricycle driver na sinasakyan ko.

" sorry hija malabo na kasi ang mga mata ko baka kako mabangga tayo" sagot naman ng driver.

"hay nako manong.......Jane hintayin mo ko diyan ha tatakbuhin ko na lang papuntang school.." baling ko sa kaibigan ko.

"sige sige pakibilisan lang baka gusto mong ipapasundo pa kita diyan ng private jet plane ko" tsk!!!!

"wow,ang social ko naman kung ganoon, thank you bestfriend pero di na bale hindi naman yan magkakasya dito sa dami ba ng sasakyan dito eh!!" sabay abot ko kay manong ng otso pesos na pamasahe.

"hoy babae ewan ko sayo! Pakibilisan muna lang diyan kong ayaw mong balatan ka namin ng buhay dito". Banta niya.

"oo na, "toot~ toot~ sabay patay ko sa tawag niya.

Hay nako!!!!!kainis namang buhay to oh!! Sabay takbo ko.

"dito! dito!!" nakita ko sila pagpasok ko palang sa may gate na kumakaway sa akin.

"ang tagal mo men! Alam mo bang dumaan dito ang crush mo" sabi ni Mariella.

"ano!" sigaw ko with matching hawak ko sa balikat niya.

"yan kasi ang tagal mong dumating" sabay kuha ko ng basong tubig na bitbit ni Chibi dahil feeling ko mamatay na ako sa sobrang paghihinayang.

"wow grabe hindi man lang nagpaalam" inubos ko lang naman ang lahat ng laman ng baso.

"ganyan talaga brad mararanasan mo rin to"sabay abot ko sa basong kinuha ko mula sa kanya habang tinatapik ko siya sa balikat niya.

"grabe ka Chan hindi mo man lang sinabing sikat pala yang crush mo eh," sabi ni Jane.

"hahaha ganoon talag-"

"eh ayan palang crush mo eh" putol ni Chibi sa akin.

"asan!asan!" palinga-linga naman ako kaso hindi ko siya nakita.

"hahahaha" tawanan naman ng tatlong bruha na pinagkakaisahan lang pala ako.

Pinagsasapak ko silang tatlo para matigil sila.

"ang sakit noon ha" reklamo ni Jane.

"ang shakit"sabay pout ni Chibi.

"sasabihin talaga namin kay Kirah na sta-"

"sabihan mo siya Mariella! Dahil sasabihan ko talaga si Art na kinuha mo yong paborito niyang tshirt!" banta ko sa kanya.

"hihihi joke lang yon ano kaba" paglalambing niya sa akin.

"ano ba kayo, masyado kayong HOT!!" Jane.

"oo nga tama si Ate Jane huwag masyadong hot dapat cool lang hihi" sabay peace sign niya kay Jane na ayaw na ayaw niyang tinatawag na Ate.

"oi, alam niyo bang nag post si KJ kagabi sa facebook" pag-iiba ni Jane ng usapan at kinilig naman siya habang nagkukwento.

"anong sabi"

"talaga! Share naman diyan!"

"oi jane sabihin mo na ,naeexcite na kami!!"

"ito oh,ipapakita ko na lang sa inyo baka sabihin niyong masyado akong feeler"sabi niya.

"sige sige"sabay naming tatlo.

"whaaaaahhhhh!!!!!" sigaw naming apat kasama na si Jane at tsaka nagtatatalon pa.

"grabe nakakakilig naman Jane!!"

"oo nga sana kami din"

"anong sabi??" ngiti kong tanong sa kanila.

"THANK YOU SA PAGFOLLOW MISS BEAUTIFUL!!!!!" sigaw naman nila Ella at Chibi.

"wow grabe ka friend ha, ikaw na! ikaw na talaga ang nakasaad sa propesiya!!!" ang saya!!hahaha kung hindi namin yan pinilit kagabi si Jane na i follow yang crush niya eh hindi sana magpopost ng ganyan ang crush niya at hindi sana siya kinikilig ngayon. ^__^

"kaw ha, kaya pala ang aga mo ngayon eh" asar ko sa kanya.

"oo nga, kaya ikaw Chan! Manglilibre ka sa amin dahil ikaw ang huling dumating sa atin" sabi ni Chibi.

"hoy, anong ako? Hindi pa nga dumarating sila Anna at si Namie eh" depensa ko naman.

"hindi sila papasok kaya excuse sila, kaya tara na nagugutom na kami" hinatak nila ako sa canteen.

"gooorraaahh!!"

Mga patay gutom talaga oh!! umagang-umaga nagugutom agad!!, tsk, mga wala talagang hiya. Hay napailing nalang ako habang namimili sila ng pagkain.

Ito ang buhay ko kasama ang mababait at magugulong utak ng mga kaibigan ko na mahilig ding magstalk sa mga crushes nila.

»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»

Comment and Vote guys!!!

Love you all!!!!!

Chan

Certified StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon