chapter fourteen

4 1 1
                                    


"Artemis!!!! May good news ako sayo-"

"I know already" putol niya sa akin. "Uuwi si Mommy with in this week because their company assigned her here, that's why makakasama na natin siya" litanya niy habang naghahalo ng mga fruits sa isang malaking bowl.

I sighed. "But-"

"But may tendency na magspend din si Mommy dito ng Christmas and New year" for the second time siningitan na naman niya ako. "And!!" Magsasalita na sana ako pero failed pa rin. "Baka maextend pa nga until graduation. And may isa pa!" My gosh! Muntik ng humiwalay sa akin si Mr. Heart sa pagsigaw niya with matching taas ng kilay. Nagmumukha tuloy siyang bading idagdag mo pa nakasuot siya ng apron na kulay pink. "Tinatanong ni Mommy kung kumusta na daw ang Princess ng buhay namin and I said, malapit ng mabaliw"

O.O

"Ang bad mo talaga Artemis na pangit!!" Reklamo ko.

"FYI sis, ikaw 'yong pangit not me kaya shoo!! Shupi! Bumili ka ng condensada kulang tong binili mo" utos niya.

"Hmp! Tingan lang natin Artemis na pangit. Pagdating ni Mommy.." Seryoso ko siyang tiningnan sabay turo ko sa kanya. "Magmumukha ka lanng trabahador! Bwahahahaha" pang-aasar ko sa kanya. At ang kambal kong pangit, ayon asar talo na naman. Hahaha! Alam niya kasi ang ibig kong sabihin sa salitang trabahador.

Bago pa ako mabato ni Artemis ng kung ano ay agad na akong kumaripas ng takbo. Sakto namang nakasalubong ko si Lee.

"Lee! Halika samahan mo 'ko!" Sabay hila ko sa kanya.
"Saan mo ko dadalhin?"

"Basta! Sumama ka na lang. Ipapakita ko kay Artemis na magiging trabahador talaga ang itsura niya kahit wala pa si Mommy. Hahaha *insert evil smile *"

"Teka nga lang" sabay tanggal niya sa braso ko na nasa braso niya. "Kung ano man 'yang trip mo pwede ba huwag mo na akong idamay. Hindi pa ba sapat na inutusan mo kaming maghanda ng kung anu-ano para lang sa celebration niyo?" Napayuko na lang ako. Oo nga pala may inuutos nga pala ako sa kanila ni Artemis.

I sighed.

"Oo na hindi pa sapat. Hindi pa ako nakukuntento. Kaya halika na! Samahan mo ako! Bumili tayo ng condensada baka mabato ako ni Art" Napakamot nalang siya sa ulo niya.

Hahaha. Hindi pa kami bati ni Lee pero andito ako nakatambay sa bahay nila which is dito rin nakatira si Artemis.

Actually kaninang umaga pa nga ko doon eh hanggang naisipan kong magrequest na gumawa sila ng mga desserts with 's' talaga dahil marami at isa na don ang fruit salad my love na favorite ko! Mawala na ang leche plan ni Jane at ang favorite flower ni Insan basta huwag lang ang fruit salad ng buhay ko.

"Ano naman ang ginagawa natin dito? Akala ko ba bibili tayo ng condensada? Bakit andito tayo sa parlor" pagtataka niya.

"Haler. Hindi ka ba na organize na may mabibili na ditong condensada?"

*glare*

Oh geez ayan na naman ang masamang tingin niya. Siguro pinapatay na naman niya ako sa isip niya.

"Mama Ae!!!" Tawag ko sa mala-dyosang babaeng nagmamay-ari ng parlor na 'to.

"Napadaan ka yata Shan-Shan!" Niyakap niya ako ng mahigpit.

Certified StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon