chapter fifteen

3 1 0
                                    


"Oh anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya ng bigla siyang umupo sa tabi ko.

"Nagpapahangin?" tipid niyang sagot.

"Ano ka ba, may mga bisita ka doon sa loob asikasuhin mo sila"

"Tsk. Mga kaibigan mo lang naman 'yon-"

"Andoon kaya si Nicole" putol ko sa kanya.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Thank you" sabi niya.

"Naku wala 'yon" nakangiti kong tiningnan ang mga bituin sa langit. "Isipin mo na lang na, it's my way for saying sorry. Pasensya kana talaga sa akin ha, hindi ko na naman pinakinggan ang side mo. Sorry talaga"

"Okay lang 'yon. Tsaka wala na 'yon sa akin" nakangiti niyang sabi.

Buti naman at okay na kami dahil kong hindi lagot ako kay Artemis. Magagalit na naman 'yom sa akin.
"naalala mo ba 'yong dahilan na napagalitan ako ni Dad noong 9th birthday ko?" Nilingon ko siya.

"Alam mo bang nahanap ko na 'yon?" Bigla ko siyang hinawakan sa magkabiglang braso niya.

" wee?? Talaga bang nahanap mo na?" He nodded. "Oh my gulay Lee thank you!" Di ko mapigilang yakapin siya sa sobrang tuwa. I'm sure matutuwa rin si Art pag nalaman niya rin 'to. Ilang taon ko rin 'yon hinanap. Buti at nakita na niya. It's my precious stuff pa naman.

"Ehem. Ehem. Ano 'to?" Halos mapatayo ako sa gulat ng may magsalita.

"Mo-mommy? Oh god is that really you mom?" Totoo ba 'to?

"Who do you think young lady?"
"Oh my gosh moommyy!!!" Niyakap ko siya ng mahigpit pagdating ko sa kinaroroonan niya.

"Naku ang laki mo na baby girl. Kailan lang ng huli tayong nagkita" si mommy talaga. Anong akala niya sa akin? Hindi na lalaki? My gosh epekto siguro to ng jetlag.

"I miss you mom"

"Miss you too anak" ang sarap sa feeling na finally andito na si Mommy.

"Mom, akala ko ba next week ka pa darating?" Ginulo lang niya ang buhok ko.

"That's what I thought also, but the General Manager wants me to finish the project as soon as possible and it's very okay on my side para makasama ko kayo ng maaga" nakangiti kong tiningnan si Mommy habang nakangiti rin siya sa akin. "Tsaka nga pala, anong ginagawa niyong dalawa dito?"

"Nagkwentuhan lang kami ni Lee Mommy"

"Oo nga pala Lee. Happy birthday! I have a gift for you. Kunin mo nalang kay Artemis ha?" nagnod lang si Lee kay Mommy.

"Mom! Hali na kayo sa loob!" Sigaw ni Art. "Sis!"

"Oo andiyan na!" Sigaw ko rin.

"Oh let's go" I nodded.

"Lee" seryoso siyang nakatingin sa amin.

"Susunod na lang ako" sagot niya.

Pinakilala ko si Mommy sa mga kaibigan ko lalo na kay Ella.

"Hi future Mommy! I'm Artemis future wife. My name is Mariella Ortega" masiglang sabi ni Ella.

"Ortega?"

"Yes future Mommy-"

"Sinong tinatawag mong future Mommy? Hoy babae tinupak ka na naman siguro noh? Pwede ba Sis, pagsabihan mo 'yang kaibigan mo ha!" Sabi ng magaling kong kambal na kararating lang galing kusina atay bitbit pang platong may lamang cookies.

"Hoy ka rin Artemis my love! Nagpahula kaya ako noh, na magiging sister in law ko raw ang isa sa mga kaibigan ko! And for sure si Chandria na 'yon. Kaya huwag kang epal!" Ako talaga. Di ba pwedeng iba? Ang dami kaya niyang kaibigan malay natin hindi ako 'yon. Hayss.

"Ikaw ang huwag umipal! Akala mo ba kung sino ka? Ha!? Hindi-hindu ako magkakagusto sa isang tulad mo!"

Ayan na naman po sila nagbabangayan.

"Tita pasensya na po ha, ganyan lang talaga sila"

"Oo nga Mommy. Hayaan mo na sila" pag sang-ayon ko kay Insan. "By the way mom, ito sina Jane, at ang kambal naming kaibigan sina Anna at Namie. at tsaka si Nicole po" pakilala ko sa kanila.

Pagkatapos kong ipakilala si Mommy sa kanila ay agad ng nagpaalam si Mommy na matutulog na siya dahil maaga pa siyang aalis bukas para ma meet ang cliente nila.

"Girl ang ganda ng Mommy mo ha. Ilang taon na ba siya? Parang teenager pa rin ang dating niya ha" Puri ni Jane kay Mommy.

"Oo nga Chan. Hindi halata ha na may anak na siya" I just chuckled. Sanay na ako sa ganyang mga comment regarding kay mommy.

"She just 37"

"Oh? So maaga pala nag-asawa ang mommy mo" nagnod lang ako kay Namie.

"Teka guys, kukuha lang ako ng popcorn" mabilis kong tinungo ang kusina para kumuha ng popcorn. Sayang magsising along sana kami kaso nandito ang mala-diyosa naming ina ayaw naming magkawrinkles siya sa konsemisyon sa mga magaganda naming boses. Baka makatulog siya ng maayos. Haha.

"Lee sorry. Talagang mahal-"

"Shh. I know. Don't worry I'll be here for you no matter what hapen" hindi naman akong dakilang chismosa kaso umiral na naman ang ugali ko pagkarinig ko kung sino 'yong nag-uusap.

"I'm scared" halos pabulong niyang sabi. At kahit na palawakin ko pa ang upgraded kong radar ay hindi pa rin. Hays. Wala akong magagawa kung hindi ko na naririnig ang mga pinag-uusapan nila kaya mas mabuti pang umalis nalang kaysa magsayang ng oras sa kaka-

"I'll be the father of your baby"
Mabilis pa sa first trip ang pagbalik ko sa sala at umupo sa tabi ni tomboy.

"Aahhhh!!!!"

"Hoy! Hindi pa nagsisimula ang palabas kaya huwag kang sumigaw!" Inayos ko muna ang sarili ko bago ko hinarap si tomboy.

"Oo nga! Oa lang Chandria?" Inirapan ko lang sila.

"Paki niyo ba eh sa gusto ko ng sumigaw eh. Inuuhan ko na kayo ng sigaw baka kasi hindi ko marinig ang boses ko mamaya pag nagsimula na ang insidious. Mas maganda na 'yong nauna" napailinh nalang sila sa akin. Naku pahamak talaga 'tong bibig ko. Buti nalang at horror 'tong papanoorin namin.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Naku buntis si Nicole...

Chan

Certified StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon