chapter thirteen

9 1 0
                                    


"And now let us all welcome our Mr. Prince of Cosplay!! The one and only Zero. A around of applause to our beloved Zero!!!" Halos lahat kami pumapalakpak sa kanya. Marami kasing humahanga sa kanya. Hindi lang sa kuhang-kuha niya ang tindig ni Zero kundi nagviral ang video niya dahilan para siya ang tanghaling Prince of Cosplay.

"Anong pakiramdam at nagkita kayo ulit ng mortal mong karibal?" Di ko nalang pinansin si Namie.

"How are you Zero?" Tanong ng emcee. "Gustong malaman nga pala nila kung sino ka. Kung sino ang taong nasa likod ng maskara ni Zero. Di ba nasabi mo noong last event natin that you will show your identity" nakangiting sabi ng emcee.

*dugdug*

*dugdug*

*dugdug*

Ang lakas ng kabog ng puso ko. Kahit halos mag-ingay na sila dahil sa kaexcited na malaman kung sino talaga siya ay dinig na dinig ko pa rin ang kabog ng pu-

"Hala guys! Mukhang tatanggalin na yata ni Zero ang maskara niya!! Mukhang ito na nga ang tamang panahon para malaman natin kung sino talaga si Zero!" Sigaw ng emcee.

Mas lalong naghiyawan sila.

"Sino kaya talaga ang nasa likod ng maskara ni Zero?" Biglang nagtanong si Yuko este si Jane.

"Oh my gosh!! Excited na akong makita!!" Sigaw naman Minerva/Namie.

"Talagang totohanin niya 'yan? Malalalaman ng lahat ng nandito ang true identity niya. Hindi ba CC hindi magandang idea kung irerevel mo ang true identity mo?"

"Aba malay ko! Bakit ako ang tinatanong mo Erza? Tsaka problema niya na 'yon huwag na nating pakialaman" She just sighed. Natatakot siya sa mangyayari sa Zero na 'yan? Tsk. Bakit naman? He decided it na lumantad kaya dapat panindigan niya 'yan.

"Here it goes guys!" Unti-unti na niyang tinatanggal ang maskara. "Malalaman na natin ang identity ni- "

"Lelouch?"

Halos napasinghap kami.

"Aahhhhhh!!!!! Si Lelouch!!!!!!!!!!!" Sigaw ng isang babae na nakacostume ng- shit.

Nagsmile pa si Lelouch. At hindi lang smile kumaway pa.

"Kyaahhh!!!!! Ang cool mo Lelouch!!"
Napailing nalang ako. Ang hangin niya masyado na pati masamang ugali niya umaalingasaw.

"Lelouch! Lelouch! Lelouch!"

Hiyawan nila. Pati mga kaibigan ko, nakisigaw na rin.

"Guys! Don't forget andito rin si CC!!" O.O halos tumahimik sila sa sigaw nang babae. Si Erza naman na tumatalon at nagsisigaw ng Lelouch ay napatigil at unti-unting lumingon sa akin.

"Kyaah!!! Andito siya!!!!" Girl 1.

" Andito si CC 'yong partner ni Lelouch!!!" Girl 2.

Certified StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon