chapter nineteen

2 0 0
                                    

Hi guys! Gusto ko lang batiin ang mga baliw kong mga KAIBIGAN. Shaira Mae Formento and Jessel Jyn Silagan! (Oh ayan nakadisplay na ang mga pangit niyong pangalan hahaha)

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

"Akira?"

"Ah- hi?" Pinaikutan ko lang siya ng mata.

"Ano bang ginagawa mo diyan?"
Yumuko siya habang kinakamot ang mukha. If I know makati 'yang mukha niya. Sino ba naman kasing nagsabing magtago siya sa may basurahan? Natural mangangati ang mukha niya. Baliw talaga.

"Ah. May pinagtataguan lang" napangiti nalang ako sa ginagawa niyang pagkakamot. Hindi lang kasi sa may mukha niya kinakamot, pati kasi sa magkabila niyang braso at hita napapakamot din siya.

Nakangiting umiiling nalang ako. Ang sarap niyang pagtripan. 'Yon bang kukuhanan ko siya ng video tapos upload ko sa internet. I'm sure magviviral 'yon. Ikaw ba naman ang makakita sa gwapong mukha ni Kira na pulang-pula parang kamatis lang. Tingnan lang natin kung hindi ka tatawa.

"Are laughing at me?!" Masungit niyang tanong.

"I-I'm not!" Sagot ko agad. Shems! Gusto ko nang tumawa! 'Yong halakhak na wagas na wagas. 'Yong pati mga tutubi ay maririndi sa tamis ng tawa ko.

"Inaasar mo ba ako Chandria?" Umiiling kong tugon. Shems, mas lalo siyang nagiging gwapo sa ginagawa niya. Idagdag mo pa ang mga mata niyang tumititig sa akin.

"Hin- pft-" halos manlaki ang mga mata ko. At mabilis pa sa cheetah ang pagtakip ko sa bibig ko.

Mas lalo lang sumisingkit ang mga mata niya.

"Sorr- pffftt!! Hahahaha. Di-ahaaha di ko talaga mapigilan! aahahahaha. Ikaw kasi eh! Nakakatuwa ka"

"Tsk"

Mas lalo lang akong tumawa dahil sa itsura niya.

"Kahit paano napatawa kita" nakangiti niyang sabi na iknahinto ng pagtawa ko. "Siguro naman tatanggapin mo na ang sorry ko?"

"In your dreams"

"Ehh? Bakit? Napatawa naman kita ha. Kaya sige na Chandria patawarin mo na ako" umiiling lang ako. "Sige na please?"

"Huwag ka ngang magpacute diyan hind ka kaya cute!" Puna ko.

"Oo na hindi ako cute kasi gwapo ako"

"Oo- hindi no! Kapal mo!"

"Eh bakit sumisigaw ka?" nakangiti niyang tanong habang naglalakad palapit sa akin. "Masyado ka namang halata Chandria" mahina niyang sabi ng ilang dipa nalang ang layo niya sa akin. "May gusto ka sa akin ano?"

"Ano naman sa'yo? Ikakaunlad ba 'yan ng ekonomiya? FYI your not my type" liar. Aish! Sinungaling ka talaga Chan! Sinungaling!

"Talaga?" Labanan mo ang mga titig niya Chan, labanan mo! Warrior ka kaya!

"Oo" sagot ko.

"Talagang-talaga?"

"Oo nga!" Mabilis kong sagot.

"Wei?"

"Oo nga sabi!" Halos paglakihan ko na siya ng mata. Bakit ba may taong makukulit? Idagdag mo pa si Lee- Erase! Erase!

"Talaga lang ha"

"Oo nga sabi" I sighed. Magiging mabilis ang pagtanda ko nito pag siya ang magiging asawa ko.

Certified StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon