"Talaga?""Oo nga sabi. I don't know kung sino 'yon Insan. Basta nakita ko ang galit sa mukha ni Anna" sabi ko nandito kami ni Insan sa park namamasyal. Wala kasi kaming magawa sa apartment eh. Tsaka pareho kami ng hilig ni Insan.
Pareho din 'yong Mommy namin nasa abroad. Yong daddy niya nasa ibang bansa rin. Hindi naman sila naghiwalay ang mommy at daddy niya sadya lang talagang na assign ang daddy niya sa ibang bansa. Ang daddy din namin ni Art, matagal ng patay. 9 years old kami noon ng nawala siya. But we're so thankful dahil na kasama namin siya kahit papaano.
"Insan si Lee ba 'yon?" Napatingin naman ako sa tinuro niya. "Anong ginagawa niya dito?" Nagkibit-balikat lang siya.
"Let's go na Insan, baka hinahanap na nila tayo sa apartment- oh my gosh. Andito sila" pagod na rin kasi ako. Nanlaki naman bigla ang mga mata ko. Andito si Kira at si Johnbryan a.k.a jb.
"Hi Chan!" Agad na bati ni Kira pagkakita niya sa akin. Nahihiyang nag-hi rin ako sa kanya. Ito naman si Insan, parang natatae sa itsura niya. "Hi Chibi. Ah by the way Jb, si Chan at pinsan niya, si Chibi. Girls barkada ko si Jb"
"Hi" siniko ko si Chibi ng di siya nagsalita.
"H-hi" si Chibi.
"Hello" Nagsmile lang ako kay Jb. Matangkad din siya gaya ni Kira.
"Tsaka nga pala Chan, may gagawin ba kayo? Maglalaro kasi kami ng basketball diyan sa may court baka gusto niyong manood"
"Uuw-"
"Sure!" Bigla naman akong napatingin kay Chibi at umiling.
Nakaupo lang kami ni Chibi sa may di kalayuan sa court. Medyo mataas na rin kasi ang araw kaya naghanap kami ng pwesto na hindi abot ng sibag ng araw. You know na ayaw naman masira ang maganda naming balat. Hahaha oa lang masyado.
"Marunong bang maglaro 'yang si Lee, Insan?"
"Ewan. Baka manonood lang 'yan" sagot ko habang nakatingin kay Lee.
Di naman siguro siya maglalaro. Kasi sa pagkakaalam ko hindi 'yan naglalaro. Ang hilig niya makipag-away, tingnan niyo nga ang buhok niya napakahaba. He looks like a gangster pa nga eh. Pati rin 'yong mga kasama niya may pagka-
"Are they gansters?"
"I don't know" napa-english tuloy ako.
Nagsimula na silang maglaro. Hindi nagkamali si Insan, sumali nga si Lee. I bet, matatalo lang sila. Varsity kaya 'yang sina Kira and Jb.
O.O
"Did you saw it?" Nagnod lang ako. Si Lee ba shot, nagkataon lang siguro. Shit. Kasisimula palang peri parang ang intense na. Si Kira at si Lee ang nagbabanggaan.
Nagbubulungan pa silang dalawa. Si Kira ang may hawak ng bola. Biglang tumingin si Lee sa may gawi naman kaya nalusutan siya ni Kira at naka-score.
"Grabe si Lee. Di ko akalaing magaling siya!" Puri ni Insan ng makashot si Lee ng three points. Maging ang mga babaeng nanonood sa kanila ay nagtitilian din at nagsisigaw sa pangalan ni Lee. Sikat pala siya dito?
"Sino kayang mananalo sa kanila?" Tanong ko. Medyo dikit kasi ang mga score nila. I admit, first time kong makita si Lee na maglaro at magaling siya para sa first timer.
"Ano suntukan nalang tayo!!" Napatayo ako bigla sa sigaw ni Kira. Ano kayang nangyari?
"Pare" tawag ni Jb kay Kira.
"Hindi Jb. Nakaasar na kasi 'tong lalaking 'to eh. Anong akala mo ha! Ganyan ka na kagaling! Hoy di porket nakapuntos ka ng ganoon pwede ka nang magmayabang!!" Sigaw ulit ni Kira kay Lee pero di siya nito pinapansin. "Talagang-" napasinghap ako ng sumuntok si Kira. Sumuntok din si Lee, kaya nagkarambola sila. Pilit namang inaawat sila ng ibang mga players, pero ayaw talaga. And I know, ugali ni Lee ang hindi umatras kaya hindi siya mapipigilan. Si Kira naman medyo may pagka-badboy din ito.
"Oh my gosh Insan! Anong nangyayari sa kanila?" Natataranta akong tumakbo papunta sa kanila ng hilahin ako pabalik ni Chibi. "Are you out of your mind Insan? Nag-aaway sila tapos ikaw pupuntahan mo sila? Gusto mong masaktan?"
Napabuntong-hininga naman ako.
"Aawatin ko sila" sabay tanggal ko sa kamay niya na nasa braso ko."Crazy" sabi niya.
Agad akong bumaba. Kahit papaano nakikinig naman si Lee sa akin. Siya nalang ang pakikiusapan kong tumigil baka makinig siya.
"Lee tama na. Kira ano ba!" Awat ko sa kanila. Tumayo si Kira sa pagkakahiga ng sinuntok siya ni Lee.
Ang mga ibang kasama ni Lee ay naghihiyawan ng mapatumba si Kira. Susuntok sana si Kira nang pumagitna ako kaya tumigil siya. Susuntok din sana si Lee pero hinila ko siya sa braso. Hindi naman ako ganoon ka lakas pero nahila ko talaga si Lee.
"Pwede ba tama na!" Singhal ko. "Kira umalis na kayo. Tsaka para kayong bata!" Sigaw ko. Marahas namang binawi ni Lee ang braso niya sa pagkakahawak ko tsaka tumalikod. "Hoy Lee" sigaw ko. Hindi siya lumingon kaya sinundan ko siya. Mabilis siyang naglakad palabas ng court.
"Lee" tawag ko sa kanya.
"Doon ka nga sa lalaking 'yon!" Sigaw niya pagkatapos niyang manghilamos. May gripo kasi dito. Ang dungis kasi niya, idagdag mo pa may kunting dugo sa mukha niya dahil sa suntukan.
I sighed. Kinuha ko ang panyo ko at ibinigay sa kanya kaso hindi niya ito kinuha. Masama siyang tumingin sa akin.
"Ikaw talaga" umiiling kong sabi.
Nanlaki ang mata niya nang pilit kong abutin ang mukha niya para punasan. Ang tangkad kasi niya mas matangkad siya ng kunti kay Kira, magkasintangkad sila ni Art."Ano ba. Akin na nga yan" ingaw niya anh panyo at siya na ang nagpunas.
"Ano bang dahilan at nagsuntukan kayo ha?"
"...."
Okay fine hindi na ako magtatanong. Hinintay ko siyang matapos sa pagpupunas para kunin ang panyo ko pero walang hiya bigla na lang niya akong iniwan!!!
"Hoy!"
Lumingon siya. "Lalabhan ko muna 'to"Sungit talaga kahit kailan.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Chan
BINABASA MO ANG
Certified Stalker
Teen Fictionstalker ka ba gaya namin? kung oo halina at umpisahan na ang pagiging stalker! Sumali kayo sa masalimoot na kwento ng mga buhay namin..