chapter six

1 0 0
                                    


Chan's POV

"Lee" Asan na ba siya? "Lee! Lee Michael" tawag ko sa kanya. Sisigaw na sana ulit ako ng makita ko siyang nakatayo malapit sa may bintana. Nakatalikod siya sa akin.

"Lee bakit nandito ka? May lagnant ka pa kaya-"

"Tsk" nilagpasan lang niya ako.

"Lee humiga ka muna maglulu-"

"Shut up. Umuwi ka na" mariin niyang sabi. Alam kong naiinis na siya sa akin.

Naglakad siya patungong pinto ng hinabol ko siya. "Bitiwan mo nga ako at umalis ka na nga!"

"Lee" bulong ko.

"Huwag ka ngang magpaawa diyan! Dahil hindi bagay sa'yo" sabay hablot niya sa braso niya na hawak ko.

"Ang sama mo" nakayuko kong sabi.

"Oo masama talaga! Kaya ikaw huwag kang lapit ng lapit sa akin dahil baka mapunta ka lang sa impyerno o baka gusto mong pumunta ng langit?" nanlaki bigla ang mga mata ko sa ginawa niyang paghawak sa bewang ko.

Pak!

Natatarantang tumakbo ako palayo sa lugar na 'yon. Hindi pa rin pala siya nagbabago. Pinahid ko ang luhang tumulo sa mukha ko.

Chibi calling...

"Hello insan? Ha? A-oo pauwi na 'ko. Naku ano ka ba okay lang ako! Hindi ako umiiyak, promise. Ako pa! Sige na sasakay na ako sa taxi. Oo naman. Hahahaha. Sige-sige bye!" I sighed. Sorry Chibi but I need to lie.

Napapailing nalang ako ng maalala ko si Lee.

"Kailan ko kaya makikita siyang nakangiti? Yong Lee na una kong nakilala?" Teka si K-kira?? Shimay!! Si Akirah nga!!!  >…< anong ginagawa niya rito?

Mabilis akonh napatalikod ng dumapo ang mga mata niya sa direksyon ko.

"Chandria?" Naku patay kang bata ka.

"Hi" bati ko sa kanya ng lingunin ko siya. Di naman sa FC ako ha, pero matagal na kaming magkaibigan niyan dahil sa lagi silang magkasama maglaro ng basketball ni Art.

"Kasama ko kanina si Art ha, wala ka yata doon nanonood?" Napapansin niya pala ako?

"Busy lang" alibi ko. Ang gwapo niya talaga mas gwapo pa siya kay Lee- wait! No, no, nooo! Bakit siya nasali? Kaasar- si Lee gangster 'yon si Kirah, heartrob 'to.

"Chan? Okay ka lang?" Tinawag niya akong Chan?

"Kyahhh!!!!!" Sigaw ko.

"Hey"

"Kyahh!!!" Grabe kahit 'yon lang kinilig na ako. Kyahh-

"Chandria"

O.O

Bigla naman akong natauhan.

Oh my g. What am I doing?? O///O

"Ah-eh. I- a.ano-ahhh! May nakalimutan ako! Lagot. La-lagot talaga ako! Sige bye!!" Palusot ko sabay takbo ko ng mabilis papunta sa apartment namin.

Bogsh!

"My god sino 'yon!!!" Hinihingal kong tiningnan si Namie. Mukhang matutulog na siya dahil naka outfit na siya ng pantulog.

"naku chan ikaw lang pala! Akala ko kong sino. Grabe naman to makasigaw si Namie-hoy! Oh my god Chan anong- Namie help me nga!" Buti nalang talaga at dumating si Ella at nasalo niya ako kundi, sa sahig talaga ako pupulutin. Di ko na kasi kaya pang tumayo ng matagal guys. Huhuhu kayo ba naman tumakbo ng ilang metro. Grabe talaga ang nagagawa ng kilig noh?

"Naku Insan sino bang nagsabing magmarathon ka ha!" Sita sa akin ni Insan pagkatapos ko ikwento sa kanila ang nangyari kanina.

"Pero grabe ka girl, nagtitili ka talaga kanina noong tinawag ka ni Kira ng Chan? Oh my gosh. Nakakahiya ka!" Tiningnan ko lang si Jane, kasi parang lantang gulay ako eh idagdag mo pang nahihirapan akong huminga.

"Pero seriously Chandria, hindi mo dapat ginawa 'yon. Tumakbo ka ba naman ng ilang metro. Alam mo namang may sakit ka" tumango lang ako kay tomboy. "Anyway magpahinga na tayo. Chandria, magpahinga ka na"
Ngumiti lang ako kay Tomboy.

"Thanks Anna"

"Sige girl una na kami" nagpaalam na sila sa akin.

I sighed. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang picture ni Kira na  basa gallery ko, my gosh ang galing ko talaga kumuha ng picture! May pagkawet look pa siya sa picture na 'to. Kagagaling lang niya sa shower at this time. Naku kung nagtatanong kayo kung bakit mayroon ako nito, tsk. Para-paraan lang 'yan guys. Trust me, basta stalker ka walang mahirap sa'yo basta para sa taong mahal mo.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Chan

Certified StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon