chapter twelve

5 0 0
                                    

"Art"

"Bakit?" Ngumiti siya nang nakakaloko.

I don't know pero ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Wahhhh! Art naman eh!!" Paghihysterical ko sa ginawa niya. Agad ko namang pinahid ang lipstick na nilagay niya sa noo ko.
Walang magawa sa buhay tong kambal ko.

"Ahahahahaha" kinurot ko siya sa tagiliran dahil tawanan lang naman ba ako? Aish. Nakakainis talaga siya. Pero infairness bati na kami.

"Sige na sis, galingan mo sa fashion show" tinulak niya ako ng mahina.

"Fashion show ka diyan! Cosplay ang event noh, hindi fashion show" babatukan ko sana siya kaso kumiripas na ng takbo kaya pumasok nalang ako sa hall kung saan gaganapin ang cosplay.

"Oh CC ang tagal mo?" Tanong ni Anna este ni Robin pala ng one piece. Akala kasi namin si Anastasia Steel ang gagayahin niya, hahaha pero hindi pala. Hindi rin naman pala 'yon anime character, haha.

Pero grabe ha, 'yong lalaking na meet namin sa grocery department si Christian pala 'yon. Bestfriend niya pala. Nyahahahaha nakakatawa kasi 'yong si Christian nagmessage pa sa fb, inaasar si tomboy na Anastasia Steel daw ang itatawag niya dito, kaya ayon pagkabasa namin sa message buong araw tuloy naming inasar si tomboy na bagay sila para maging fifty shade Couple pero parang may something kay tomboy and Namie. Kasi habang kinukulit namin si Anna na magshare tungkol kay Christian parang naging awkward ang atmosphere nila. Hahaha baka guni-guni ko lang 'yon.

"Andito na pala si CC" nakangiting sabi ni Yuko/Jane. Kasama niya si Namie na naka costume bilang si Minerva ng Fairy Tail.

"Insan- I mean CC! Gosh! Halika ka" at ang magaling kong pinsan na si Chibi nag-ala Erza ng Fairy Tail ang peg.

"Teka saan mo ko dadalhin?" Tanong ko.

"Basta halika" nagpakaladkad nalang ako sa kanya. Mahirap pa naman ayawan 'tong si Erza medyo may pagkabrutal 'to eh. "Oh ayan oh" may tinuro siya- O.O shimay. Anong ginagawa niya rito?

"Hii!!!!" Kahit nakatalikod siya alam ko kung sino siya. My gosh tinawag pa talaga siya ng magaling kong pinsan. Remind me later guys ha, ipapamassacre ko 'tong babaeng 'to.

Huwag kang haharap please!!!!!

"Hi" oh great humarap siya.

"Hi daw sabi niya" bulong ng magaling kong pinsan.

"H-hi?" Aray >.< siniko ako ni Insan.

"Ahmn. I don't know na..na you will be here" bakit ako nauutal?

"Zero, pwede pa picture?" Singit ni Insan at nakangiti pa.

Tsk. Ganyan ba si Erza magsalita? Parang hindi naman huh. "CC. Picturan mo naman kami ni Zero" Zero, siya 'yong kasama ni CC sa rebellion ng Code Geas bali siya si Lelouch pag tinatanggal niya ang maskara niya.

(Si Lelouch siya 'yong bida sa Code Geas at prinsipe ng Britannia)

I sighed pagkatapos ko silang picturan. Aalis na sana ako pagtapos ko maging photographer sa kanila ng hilahin ako ni Insan pabalik.

"Opz.. Not yet. Kayo naman ni Zero. Pang souvenir lang" sabay kidhat niya pa. Geez, ito na nga bang sinasabi ko eh!! May kalokohan ns naman 'tong gagawin 'tong pangit kong pinsan.

-.-

Wala akong nagawa. Kahit labag sa loob ko ay sumunod nalang ako sa gusto niya.

"Humanda ka sa akin mamaya" bulong ko sa kanya bago ako pumunta sa tabi ni Zero.

"Ano ka ba Insan, chill lang. Haha napakabitter mo talaga" bulong din niya.

Nakakaasar talaga siya. Alam naman niyang may something between me and that Zero tapos pinapalapit niya pa ako doon. My gosh baka kainin ako ng buhay ng lalaking 'to.

"Smile guys" nakangiti kong tiningnan ang camera pagkatapos sabihin 'yon ni Insan.

*click*

Bigla namang namatay ang ilaw.

"Aaahh~"

"Oh my gosh anong nangyari?"

Bulungan nila.

Wow ha anong pakulo na naman kaya ito.

Now playing: kung alam mo lang by Roxie

Nagka-ilaw na ulit.
♪kung alam mo lang kaya....
ang tunay na nadarama

"Can I have this dance" O.O bigla naman akong napalingon sa nagsalita. Si Zero nagsalita siya. Idang malaking HIMALA!!!

"Can-"

"Wait!" Pigil ko sa kanya. Asan na si Insan? Ba't bigla siyang nawala. Nakagat ko bigla ang kuko ko.

"Can I have this dance?" Pag-uulit niya. I sighed at tumango sa kanya.

Total nasa gitna na naman kami kaya nag-sway nalang kami.

Kaasar..! Di ko lubos maimagine na sasayaw ako dito plus ang kapartner ko si Zero pa.

Pero may tanong ako. Sino kaya siya- I mean sino 'tong tao nasa likod ng maskara.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Chan

Certified StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon