chapter eleven

8 1 0
                                    

"Lee" tawag ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Wala dito si Art"

"Teka-ahh" na piit ang paa ko pagkasara niya sa pintuan.

"Shit! Ano bang pumasok sa isip mo at hindi mo 'yan inalis ang paa mo!?" Ayan naman siya nagiging masungit. "Halika na nga pumasok ka" nakangiting sumunod naman ako sa kanya. Paika-ika pa nga ako eh kasi naman po, ang sakit kaya ng pagkakaipit ng paa ko sa may pinto ng bigla niyang sinara. Hihihi plinano ko talaga 'yon dahil sure ako hindi niya ako kakausapin pag hindi ko 'yon ginawa. "Oh" may inihagis siya.

Ouch! Sapol na naman ako sa noo.
>.<

"Teka, saan ka pupunta?" Tanong ko ng tumayo siya.

"Sa labas"

"Ano?" Kumunot naman ang noo niya. "Ka.kasi ano.." Nauutal kong sabi.

"Tsk. Anong akala mo? Ako pa ang gagamot niyan? Kasalanan mo kung bakit 'yan naipit kaya gamutin mo 'yan mag-isa!"

bogsh!

Malakas niyang isinara ang pinto.

Napaiyak tuloy ako. Ang mean niya talaga kahit kailan. Hay. Hindi dapat ako umiyak. Andito ako para humingi ng sorry kaya dapat sundan ko siya. Kaya ko 'to!

>3<

"Lee teka" ininda ko ang sakit ng paa ko.

"Baliw ka ba!? Bakit ka sumunod? Gamutin mo muna 'yang paa mo!" Nanguso lang ako.

"Tsk" sabay talikod niya ulit.

"Lee naman eh. Andito ako para humingi ng sorry sa'yo kaya mag-usap muna tayo please!"

"May gagawin ako. And besides wala akong pakialam doon sa nangyari. Sige na, alis." I sighed. Bakit ba ang mean niya talaga.

"Sasama ako" hindi na siya lumingon kaya sumunod nalang ako. Bahala siya.

I don't know kong saan siya papunta pero huminto siya sa may coffe shop at pumasok kaya pumasok din ako, kaso bigla siyang nawala kaya I decide nalang na umupo sa may vacant set.

"Ahh excuse me po" tawag ko sa isang lakaking nakasuot ng puting apron medyo may pagka waiter ang style ba. Parang katulad sa Maid Sama kaso mga lalaki lang sila dito. "May naakita po ba kayong lalaki na may katangkaran, maputi, may pagka kulay chocolate brown ang buhok at ganito nga kahaba 'yong buhok" pagdedescribe ko.

"Ahh 'yong kapapasok lang?" I nodded. "Si Lee Michael ba?" Nakangiting tumango ako. "Staff siya dito sa shop ma'am. May order na po ba kayo maam?"

"Kailangan ba 'yon?"

"Yes maam. Bawal kasi dito ang pa tambay-tambay lang" sagot niya.

Sino bang may-ari nito at napaka-oa naman!

"Ahmn sige. Isang kape nalang"

"Sige po maam. One coffe for P120.00 maam" what??

O.O

"Bibili nalang ako ng nescafe original" bulong ko pero sa kasamaang palad narinig pala niya ang sinabi ko. Kaya pala ang sama ng tingin niya.

Certified StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon